Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Daniel[1] ay isa sa mga aklat sa Tanakh Hudyo at Bibliyang Kristiyano. Ayon sa tradisyon ng mga Hudyo, ang aklat na ito ay isinulat noong ipatapon ang mga Hudyo sa Babilonya, mga ika-anim na daantaon BCE. Umiikot ang aklat sa tauhang si Daniel (isang kathang isip na pigura) na naging tagapayo ni Nabucodonosor II, ang hari ng Babilonia noong mga 605–562 BK.[2] Ang aklat na ito ay isinulat ng isang hindi kilalang Hudyo na nauukol sa pag-uusig ng mga Hudyo at paglalapastangan sa Templo ng Herusalem ng Pinuno ng Imperyong Seleucid na si Antiochus IV Epiphanes noong ika-2 siglo BCE.

Sumasailalim ito sa bahaging Ketuvim sa Tanakh ng mga Hudyo, habang sumasailalim naman ito sa Mga Propeta sa Bibliya ng mga Kristyano.

Ang propetang si Daniel.

Nilalaman

baguhin

Ang pangalang Daniel ay Nangangahulugang "ang Diyos ang aking hukom". Isa siya sa mga napabilang sa mga binata binihag at pidinala ng haring si Nabucodonosor sa Babilonia, noong pangatlong taon ng paghahari ni Joaquim o Joakim[1] (605 BCE). Isang taong nag-aangkin ng katalinuhan si Daniel, at may kakayahang magpaliwanag ng mga panaginip, kaya't kanyang nakamit ang mataas na katungkuluan sa korte ng Haring Babilonio.

May dalawang pangunahing bahagi ang Aklat ni Daniel. Naglalaman ang unang bahagi ng mga ulat hinggil kay Daniel at iba pang mga naging dalang-bihag sa Babilonia, na mga nagsipagtagumpay sapagkat mayroon silang pananalig at pagtalima sa Diyos. Nangyari ito noong panahon ng pamamayani ng mga imperyo ng Babilonia at ng Persia. Samantalang ang pangalawa naman ay sumasaklaw sa mga pangitain ni Daniel ukol sa pagiging matagumpay ng mga Hudyo at sa pagbagsak ng ilang mga imperyo. Magsisimula ang pagbagsak mula sa imperyo ng Babilonya at mananakop na pagano.[1] Mahahati rin ang Aklat ni Daniel sa ganitong mga pangkat:[2]

  • Mga kuwento sa Korte ng Babilonia
    • Paglilingkod ni Daniel sa hari ng Babilonia (Daniel 1)
    • Ang dakilang larawan (Daniel 2)
    • Ang nagbabagang pugon (Daniel 3)
    • Ang kabaliwan ni Nabucodonosor II(Daniel 4)
    • Ang pista ni Belshazzhar (Daniel 5) at ang sulat sa dingding
    • Si Daniel sa kulungan ng mga leon (Daniel 6)
  • Mga pangitain ni Daniel
    • Pangitain ng apat na hayop at pagdating isang kaharian na may 10 hari at mula rito ay lilitaw ang isang hari na uusig sa mga Hudyo sa tatlo't kalahating taon(Daniel 7)
    • Pangitain ng tupa at kambing at paglitaw ng "munting sungay" (Daniel 8)
    • Hula sa pitumpung linggo at pagpatay sa isang mesiyas (tumukoy sa Dakilang Saserdote ng Israel na si Onias III) at pagpapatigil sa mga handog sa Ikalawang Templo sa Herusalem (Daniel 9)
    • Pangitain tungkol sa prinsipe ng Persiya at prinsipe ng Gresya (Daniel 10)
    • Pangitain digmaan ng mga hari ng hilaga at mga hari ng timog(ang hari ng timog ay isinalin sa Septuagint na "hari ng Ehipto") at pagdating ng hari ng hilaga na magpapatigil sa mga handog sa Ikalawang Templo sa Herusalem at maglalagay ng karumaldumal na kalapastangan (Daniel 11:1-38)
  • Dagdag sa Septuagint (hindi kasama sa Tekstong Masoretiko ngunit tinuturing na kanonikal sa mga bibliya ng Simbahang Romano Katoliko, Simbahang Silangang Ortodokso at Simbahang Ortodoksong Oriental)
    • Ang panalangin ni Azarias at ang awit ng tatlong banal na mga anak (Daniel 3:24-90)
    • Si Susanna at mga matatanda (Bago ang Daniel 1:1)
    • Si Bel at ang dragon (Pagkatapos ng Daniel 12:13 sa Griego)

Mga wika ng akda

baguhin

May mga bahaging nakasulat sa Hebreo, Arameo, at Griego ang Aklat ni Daniel. Hindi nakabatay sa tinatawag na saling Septuangint o LXX ang nasa wikang Griego, bagkus ay mula sa saling ginawa ni Theodotion. Pinaniniwalaang isinulat ni Daniel ang orihinal niyang aklat sa panitik ng wikang Hebreo ngunit nagkaroon, nang kalaunan, ng mga bahaging pagsasalin sa Arameo. Pinaniniwalaan ring nagmula ang nasa wikang Griyego mula sa mga nasa wikang Hebreo at Arameo. May nakitang mga wikaing nasa Hebreo mula sa mga naisalin sa Griyego.[2]

Mga naidagdag

baguhin

May tatlong pangunahing mga aklat na idinagdag sa Aklat ni Daniel matapos maisalin mula sa Griyego. Kabilang dito ang mga sumusunod:[1][3] Aklat ni Susana, Awit ng Tatlong Kabataan, Si Bel at ang Dragon

Pananaw ng mga skolar tungkol sa Aklat ni Daniel

baguhin

Petsa ng pagkakasulat

baguhin

Ayon sa mga iskolar, ang Aklat ni Daniel ay sinulat sa panahon ni Antiochus IV Epiphanes noong mga panahon ng kanyang pag-uusig sa mga mamamayang Hudyo noong ikalawang siglo BCE (168–165 BCE)[4] at hindi sa tradisyonal na pinaniwalaang petsa na ika anim na siglo BCE. Ang mga anakronismo at maling kasaysayan tungkol sa mga pangyayari noong ikaanim na siglo sa aklat na ito ang indikasyon na ito ay hindi isinulat sa mga panahong iyon. Bukod dito, ang mga "hula" sa Daniel ayon sa mga skolar ay hindi totoong mga hula kundi isang vaticinium ex eventu. Para sa may akda ng Daniel, ang mga banal na Hudyo na pinapatay ni Antiochus Epiphanes at ang mga mananatiling tapat sa dios ng Israel at magtitiis hanggang sa wakas ng pag-uusig ni Antiochus Epipanes ay tatanggap ng gantimpala. (Daniel 12:1-13)

Interpretasyon

baguhin
 
Baryang naglalarawan kay Antiochus IV Epiphanes, ang Griyegong inskripsiyon ay mababasang ΘΕΟΥ ΕΠΙΦΑΝΟΥΣ ΝΙΚΗΦΟΡΟΥ / ΒΑΣΙΛΕΩΣ ΑΝΤΙΟΧΟΥ (Haring Antiochus, Ang Lumitaw na Diyos, Tagapagdala ng Tagumpay)

Kapitulo 2,5,7,8, 10

baguhin

Ayon sa mga skolar ang apat na kaharian sa Daniel 2, 7, 8 at 10 ay tumutukoy sa mga imperyong Babilonia, Kahariang Medes (Daniel 8:20), Persiya(Daniel 8:20)at Imperyong Gresya(Daniel 8:21-22) bagaman ito ay hindi historikal ayon sa mga iskolar at historyan.[4] Ayon sa historyan na si Herodotus na sumulat ng kanyang kasaysayan noong 440 BCE, ang Babylonia ay bumagsak sa imperyong Persiyano sa ilalim ni Ciro ang Dakila na sumakop sa Mga Medo noong mga 550 BCE. Gayunpaman, sa Aklat ni Daniel, ang Babilonia ay nahulog sa kamay ng hari ng Medes na si "Dario ang Medo" (Daniel 5:30-31). Walang indibidwal na may pangalang Dario ang Medona sumakop sa Babilonia kaya ito ay pinaniniwalaan ng mga iskolar na isang kamalian sa Aklat ni Daniel.[5] Ayon sa iskolar ng Bibliya na si John J. Collins, ang may akda ay kumuha ng schema ng apat na mga kaharian na kung saan ang Medes ay nauna sa Persia. Kaya ayon kay Collins, malamang na nilikha ng may akda ng Daniel ang pigurang si Darius the Mede upang magkasya sa schemang ito.[5] Ayon sa mga iskolar, ang karakter na Dario ang Medo ay inimbento ng may-akda ng Aklat ni Daniel batay sa maling propesiya sa Bibliya na ang Imperyong Neo-Babilonya ay sasakupin ng Medes ayon sa Aklat ni Jeremias 51:11 at Aklat ni Isaias 13:1-17.

Kapitulo 9

baguhin
 
Modelo ng Ikalawang Templo sa Herusalem na winasak ng mga Romano noong 70 CE. Nang mamuno si Antiochus IV Epiphanes sa Israel noong ika-2 siglo BCE, ang Dakilang Saserdoteng si Onias III(Daniel 8:25, Daniel 11: ay pinapatay ng napiling Saserdoteng si Menelaus at nakipagtipan si Antiochus IV sa mga Hudyong Hellenistiko na lapastanganin ang kultura, ang templo ng mga Hudyo at itigil ang mga handog at ipatupad ang mga batas na Griyego sa mga Hudyo na nagsanhi sa pagpatay sa karamihan sa kanila.

Ang mga kahariang ito (Babilonia, Medes, Persia, Gresya) ang binanggit sa Daniel 8 hanggang sa pagdating ng "munting sungay" na si Antiochus IV Epiphanes na umusig sa mga Hudyo nang 3 ½ taon (168–165 BCE) (Daniel 7:25, 9:27) o kalahati ng 2300 araw (Daniel 8:14). Kabilang sa pag-uusig ni Antiochus Epipanes sa mga Hudyo ang pagtatayo ng "kasuklam-suklam na kalapastanganan" (abomination of desolation) (Daniel 8:13, 11:31) sa templo ng Jerusalem sa pamamagitan ng pagtatayo ng rebulto ni Zeus dito (Daniel 11:38, 2 Macabeo 6:2) at paghahain sa altar ng baboy na isang hayop na karumaldumal para sa mga Hudyo (Lev 11:7). Inalisan din ni Antiochus Epipanes ang mga Hudyo ng karapatang sumamba sa kanilang relihiyong Hudaismo at maghandog sa templo. Ipinatupad naman ni Antiochus ang kulturang Griyego sa mga Hudyo. Ang mga Hudyo na sumuway sa mga utos ni Antiochus ay pinapatay (2 Maccabeo 6:1-11).

Ayon sa Daniel 9:25-27:

25 Kaya't iyong alamin at unawain, na mula sa paglabas ng utos na panumbalikin at muling itayo ang Herusalem hanggang sa pagdating ng Mesiyas[a] na pinuno, ay pitong sanlinggo at animnapu't dalawang sanlinggo. Ito'y muling itatayo na may lansangan at kuta, samakatuwid ay sa mga panahon ng kaguluhan.26 Pagkalipas ng animnapu't dalawang sanlinggo, ang Mesiyas (Onias III) ay mahihiwalay at mawawalan, at ang bayan ng pinunong (Antiochus IV Epiphanes) darating ang wawasak sa lungsod at sa Templo ng Herusalem. Ang wakas nito ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa katapusan ay magkakaroon ng digmaan. Ang pagkasira ay itinakda na.27 At siya'y (Antiochus IV) gagawa ng isang matibay na tipan sa marami(Mga Helenestikong Hudyo) sa loob ng isang linggo, at sa kalagitnaan ng sanlinggo ay kanyang patitigilin ang handog at ang alay (sa Templo ng Herusalem); at sa pakpak ng mga kalapastangan ay darating ang isang mangwawasak, hanggang sa ang iniutos na wakas ay maibuhos sa mangwawasak.”

Nang mamuno si Antiochus IV sa Israel, ang opisina ng Dakilang Saserdote (na tinatawag sa Hudyo na "Pinahiran" o Mesiyas) ay sinubasta(ibenta) sa may pinakamalaking handog na galing sa Templo ng Herusalem para sa Imperyong Seleucid. Sa prosesong ito, natalo ang kasalukyang Dakilang Sasardetong si Onias sa kanyang kapatid na si Jason na nagbigay ng 32,000 libra ng pilak na kalaunan ay napatalsik naman ng kanyang katunggaling si Menelaus noong 171 BCE nang maghatid ito ng mga handog para kay Antiochus IV sa kabisera ng Imperyong Seleucid na Antioquia. Ayon sa 2 Macabeo, tinanggal ni Menelaus ang mga ilang sisidlan sa Templo bilang pagpanig sa mga puwersang Seleucid. Dahil dito, hayagang sinalungat at pinaratangan ni Onias III si Menelaus na ikinagalit nito at dahil dito ay sikretong ipinapatay ni Menelaus si Onias III. Si Antiochus IV ay nakipagtipan sa mga Tobiad na mga Hudyong panig sa mga Griyego gaya ng mababasa sa 1 Macabeo 1:11-15(tingnan din ang Daniel 11:32):

11 Noong kapanahunan ni Antiochus IV Epiphanes, may lumitaw sa Israel na masasamang Hudyo na ayaw sumunod sa Kautusan, at inaakit pa ang mga mamamayan na makipagkasundo sa mga Hentil sa palibot nila. “Makipagkasundo na tayo sa kanila; wala naman tayong napapala sa hindi pakikipagkasundo kundi pawang kapahamakan,” pang-aakit nila. 12 Ang ganitong panukala ay nagustuhan ng marami 13 at ang ilan sa kanila'y agad nagpunta sa hari upang humingi ng pahintulot na sumunod sa mga tuntunin ng mga bansang dayuhan. Pumayag naman ang hari. 14 Nagtayo sila ng isang malaking palaruan sa Jerusalem, tulad ng nasa mga lunsod ng mga Griyego. 15 Gumawa sila ng paraan upang maalis ang bakas ng kanilang pagiging tuli, at pati ang banal na kasunduan ay kanilang tinalikuran. Nakiisa[a] sila sa mga Hentil at ginawa nila ang lahat ng uri ng masasamang gawain.

Daniel 11-12

baguhin

Ang Daniel 11 ang detalyadong salaysay ng digmaan ng mga bansang Syria (Hari ng Hilaga o imperyong Seleucid) at Ehipto (Hari ng Timog o imperyong Ptolemaiko) na dalawang imperyong nagmula sa imperyong Griyego ni Dakilang Alejandro. Mula ikatlo hanggang ika-unang siglo BCE, ang lupain ng Israel ay pinagtatalunan ng dalawang dinastiyang ito. Nang matalo ang Ptolemaiko ng Seleucid, ang Israel ay napasailalim ng imperyong Seleucid. Sa mga hari ng Seleucid na namuno sa Israel, si Antiochus IV Epiphanes ang nagkamit ng masamang katanyagan dahil sa kanyang paglalapastangan sa templo sa Herusalem gayundin sa pagbabawal ng Hudaismo at pag-uusig sa mga Hudyo. Dahil dito si Antiochus ay tinawag ng mga Hudyo na "isang masama" o הרשע harasha.[6] Ayon sa Daniel 12:11-12,

11 Lilipas ang 1,290 araw mula sa panahon na papatigilin ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam. 12 Mapapalad ang mananatiling tapat hanggang sa matapos ang 1,335 araw.

Ito ay salungat sa Daniel 8:14 na ang panahon ng pagtitigil sa handog sa Templo at paglalagay ng kasuklam-suklam na kalapastangan ay tatagal nang 2300 araw at gabi o 1500 araw. Ito ay maaaring idinagdag ng mga kalaunang editor.

Si Antiochus ay natalo ng mag-alsa ang pamilya Macabeo laban kay Antiochus at pwersang Selucid. Ang muling paghahandog sa templo pagkatapos matalo ng Macabeo ang pwersang Seleucid ay ginugunita ng mga Hudyo sa kasalukuyang panahon sa isang pistang tinatawag na hanukkah.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 " (a) Aklat ni Daniel; (b) naging batayan para isa pang baybay para sa Joaquim: na naging [http://angbiblia.net/susana1.aspx Joakim]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Daniel". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 The apocalyptic imagination: an introduction to Jewish apocalyptic literature, John Joseph Collins, p. 95
  5. 5.0 5.1 Collins, John J. (1998). The apocalyptic imagination : an introduction to Jewish apocalyptic literature (2. ed. ed.). Grand Rapids, Mich. [u.a.]: Eerdmans. p. 86. ISBN 0-8028-4371-9.
  6. Jewish Encyclopedia

Mga panlabas na kawing

baguhin

Mga salin sa tagalog

baguhin

Mga kritisismo sa Aklat ni Daniel

baguhin