Theodotion
Si Theodotion ( /ˌθiːəˈdoʊʃən/; Θεοδοτίων, gen.: Θεοδοτίωνος; d. ca. 200 CE) ay isang Hudyong Hellenistikong skolar [1] na marahil ay gumagawa sa Efeso,[2] na noong 150 CE ay nagsalin ng Tanakh(Bibliyang Hebreo) sa Griyego. Kung binabago niya ang Septuagint o gumagawa mula sa mga manuskritong Hebreo na kumakatawan sa isang tradisyong paralelo na hindi na umiiral ay pinagdedebatihan pa rin mga skolar. Noong ika-2 siglo CE, ang teksto ni Theodotion ay sinipi(quoted) sa Pastol ni Hermas at sa Trypho ng Kristiyanong si Justin Martyr. Ang kanyang natapos na bersiyon na nagpuno sa ilang mga lacuna ng Septuagint ng Aklat ni Jeremias at Aklat ni Job ay bumubuo ng isang kolumn sa Hexapla ni Origen noong ca. 240 CE. Ang saling ito ni Theodotion ay malawak na kinpoya sa iglesiang sinaunang Kristiyano na ang bersiyon nito ng Aklat ni Daniel ay halos pumalit sa bersiyon ng Aklat ni Daniel sa Septuagint.[3] Sa kanyang paunang pahina sa Aklat ni Daniel noong 407 CE, itinala ni Jerome ang pagtakwil ng bersiyon ng Septuagint ng Aklat ni Daniel sa paggamit Kristiyano. Ang paunang pahina ni Jerome ay nagbabanggit rin na ang Hexapla ay may mga notasyon dito na nagpapakita ng ilang malalaking pagkakaiba sa nilalaman sa pagitan ng Daniel ni Theodotion at mga sinaunang bersiyon ng Daniel sa Hebreo at Griyego. Gayunpaman, ang bersiyon ng Aklat ni Daniel ni Theodotion ay mas malapit sa modernong Hebreong tekstong Masoretiko na basehan ng mga modernong salin ng Lumang Tipan. Ang Daniel ni Theodotion ay isinama sa autorisadong bersiyon ng Septuagint na inilimbag ni Sixtus V inoong 1587.[4]
Ang babala ni Theodotion sa pagtatranslitera ng mga salitang Hebreo para sa mga halaman, hayop, kasuotan, mga regaliang pan-ritwal at mga salitang hindi tiyak ang kahulugan kesa sa pagkuha ng saling Griyego ay nagbigay sa kanya ng reputasyon na "hindi maalam" sa mga konpidenteng post-Renaissance na mga editor gaya ni Bernard de Montfaucon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ The only contemporary reference to him is that of Irenaeus (Adversus Haereses, III.xxi.1), who ranks him with Aquila of Pontus, another translator, as "Jewish proselytes" in the course of taking exception to their rendering of the "virgin" prophesied in Isaiah vii. 14 as "damsel", "following whom the Ebionites pretend that he was begotten of Joseph."
- ↑ "Theodotian of Ephesus" in Irenaeus
- ↑ The Septuagint Daniel survived in only a few mss., including the Chigi codex Codex Chisianus, and Papyrus 967.
- ↑ Catholic Encyclopedia (1913)