Origenes

(Idinirekta mula sa Origen)

Si Origenes (play /ˈɒrɪən/; Wikang Griyego: Ὠριγένης Ōrigénēs), o Origen Adamantius (184/185 – 253/254),[1] ay isang skolar at teologong Kristiyano sa Alexandria, Ehipto at isa sa mga manunulat tungkol sa sinaunang simbahang Kristiyano. Noong mga ika-5 at ika-6 na siglo CE, ang kanyang ortodoksiya ay kinuwestiyon na malaking dahil sa kanyang paniniwala sa preeksistensiya at transmigrasyon ng mga kaluluwa at apokatastasis, o unibersal na pagkakasundo na mga ideyang tinalakay ng ng ilang mga manunulat na patristiko ngunit kalaunang itinakwil bilang isang heresiya.[2] Ang Konseho ng Constantinople noong 453 CE ay nagtiwalag kay Origen pagkatapos ng kanyang kamatayan at ang Ikalawang Konseho ng Constantinople noong 553 CE ay nagdeklara sa apokatastasis bilang isang heresiya.[3] Gayunpaman, ang ideyang ito ay nakatagpo ng ilang muling pagsasaalang-alang lalo na sa mga pangkat na Kristiyanong Restorasyonismo.[4] Ang mga kasulatan ni Origen ay isinama sa pangkalahatang kalipunan ng sinaunang mga ama ng simbahan.[5][6] Ang kanyang mga pananaw tungkol sa Trinidad na subordinasyonismo na ang Anak ng Diyos ay mababa sa Diyos Ama ay naging kontrobersiyal noong kontrobersiyang Ariano noong ika-4 na siglo CE bagaman ang pananaw na ito ay karaniwan sa mga ama ng simbahan ng panahong ante-niceno. Itinuro ni Origen na si Hesus ay isang "DEUTEROS THEOS" (ikalawang Diyos) [7], ang Anak ay "natatangi" mula sa Ama[8] at ang Anak ay nang ibang substansiya sa Ama.[9] Ang isang pangkat na nakikila bilang Origenista na matatag na naniniwala sa preeksistensiya ng mga kaluluwa at apokastasis ay idineklarang anathema noong ika-6 siglo CE.[10]

Origenes
Kapanganakan184/5
Probably Alexandria, Egypt
Kamatayan253/4
Probably Tyre, Lebanon
PanahonAnte-Nicene Fathers
MagulangLeonides of Alexandria

Mga sanggunian

baguhin
  1. The New Catholic Encyclopedia (Detroit: Gale, 2003). ISBN 978-0-7876-4004-0
  2. Hans Urs von Balthasar, Origen of Alexandria: Spirit and Fire: A Thematic Anthology of His Writings
  3. http://www.fordham.edu/halsall/basis/const2.asp
  4. Mario Baghos, Reconsidering Apokatastasis in St Gregory of Nyssa's On the Soul and Resurrection and the Catechetical Oration Phronema, VOL. 27(2), 2012, 125-162. Baghos traces the resurgence of the idea in the twentieth century, and shows that apokatastasis in the Nyssen did not equate unequivocally to universal salvation, a common belief in contemporary scholarship.
  5. For instance, Pope Benedict XVI, in his Wednesday catecheses from March 7, 2007, to June 25, 2008, on the Church Fathers, devoted two talks to him.
  6. Benedict XVI, General Audience, St Peter's Square, Wednesday 25 April 2007, Origen of Alexandria: life and work.[1]
  7. Migne 14:108-110
  8. Prestige xxvii
  9. On Prayer 15:1; Contra Celsium 8:12.
  10. Philip Schaff, pat. (1994) [1885]. "The Anathemas Against Origen". Nicene and Post-Nicene Fathers: Series II, Volume XIV (The Seven Ecumenical Councils). Peabody, Massachusetts: Hendrickson Publishers. ISBN 1-56563-116-1. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)