Arianismo
Ang Arianismo[1] ang katuruang teolohikal na itinuturo kay Arius(236-250 CE) na isang presbiterong Kristiyano sa Alexandria Ehipto. Ito ay nauukol sa relasyon ng mga persona ng Trinidad(Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo) at ang tiyak na kalikasan ng Diyos Anak bilang nagpapailalim na entidad sa Diyos Ama. Si Arius ay itinuring na heretiko ng Unang Konseho ng Nicaea(325 CE) ngunit napawalang sala sa pang-rehiyong Unang Synod ng Tyre(335 CE) at pagkatapos ng kanyang kamatayan, ay muling idineklarang heretiko ng Unang Konseho ng Constantinople(381 CE). Ang mga emperador na si Constantius II (337–361) at Valens (364–378) ay mga Arian o Semi-Arian. Ang konseptong Arian ng Kristo ay ang Anak ay hindi palaging umiiral ngunit nilikha at kaya ay natatangi mula sa Diyos Ama. Ang paniniwalang ito ay nakasalig sa Juan 14:28 "ang Ama ay mas dakila sa Akin". Ang Arianismo ay nilalarawan na mga katuruang itinuturo kay Arius na sumasalungat sa kasalukuyang doktrinang Trinitarianismo na inilarawan ng unang dalawang konsehong ekumenikal at kasalukuyang tinatanggap sa Simbahang Katoliko Romano, Silangang Ortodokso, Oriental na Ortodokso, Simbahang Assyrian ng Silangan, mga itinatag sa Repormasyong simbahan(Lutherano, Reformed/Presbyterian, at Anglikano) gayundin di nang mga tumatawag sa sarili nitong Protestante(gaya ng Metodista, Baptist, karamihan ng mga Pentekostal) maliban sa ilang mga pangkat gaya ng Oneness, Mormonismo at Saksi ni Jehovah. Ang Arianismo ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang ibang hindi trinitarinismong paniniwala ng ika-4 siglo CE na tumuturing kay Hesus na Logos na isang nilikha(gaya ng sa Arianismo at Anomoeanismo), o hindi hindi-nilikha o nilikha sa kahulugang ang ibang mga nilalang ay nilikha gaya ng sa semi-Arianismo.
Kasaysayan
baguhinNoong mga 319 CE, nang si Athanasius ay isang deakono ng Alexandria, Ehipto, ang presbiterong si Arius ay nakipag-alitan kay Alexander ng Alexandria na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama. Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at heretikal na tinuturo nito.[2] Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng Sabellianismo. Kanya itong kinondena at nangatawirang "kung ipinanganak ng Ama ang Anak, siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag-iral; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi. Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala".[3] Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag-ugat sa Kristiyanismong Alexandrian.[4] Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch. Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina Origen [5] na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa simbahan ng Alexandria sa panahong ito.[6] Gayunpaman, bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos, ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay. Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan. Salungat dito, itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay "walang hanggang nalikha". Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina Eusebius ng Caesarea [7] at Eusebius ng Nicomedia,[8] ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano. Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14:28 "Ang ama ay mas dakila sa akin" at Kawikaan 8:22 "Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa". Ang Ama ay nakikita ng mga ito na "ang tanging tunay na Diyos" gaya ng nasa 1 Corinto 8:5-6 "ngunit para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na mula sa kanya ang lahat ng mga bagay..." Salungat dito ang Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa" ay naghahatid ng doktrinang Homoousian. Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander. Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon.
Konseho ng Nicaea(325 CE)
baguhinSa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang Donatismo noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-anatema kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador Constantine I na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsehong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan Eusebius ng Nicomedia ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at konsubstansiyal sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagkatapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius.
Debate
baguhinSa loob ng 2 buwan, ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang parehong panig ay umapela sa kanilang tinatangap na mga Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon. Isinaad ni Arius na ang Anak ng Diyos ay isang Nilalang na ginawa mula sa wala at siya ang unang produksiyon ng Diyos bago ang lahat ng mga panahon. Kanyang ikinatwiran na ang bawat iba pang bagay ay nilikha sa pamamagitan ng Anak. Kaya ang tanging Anak ang direktang nilikha at isinilang ng ito at kaya ay may isang panahon na walang pag-iral ang Anak. Isinaad ni Arius na ang Anak ay may kakayahan sa kanyang sariling malayang kalooban ng tama at mali at "siya sa pinakatunay na kahulugan ng isang anak ay dapat dumating pagkatapos ng Ama at kaya ay ang panahon na halatang siya ay hindi at kaya ay isa siyang nilalang na may hangganan at nasa ilalim ng Diyos Ama. Si Arius ay sumipi mula sa Juan 14:28: Ang Ama ay mas dakila sa Akin". Gayundin, ang Colosas 1:15: "Ang panganay ng lahat ng nilikha". Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa-walang hanggan sa Ama. Si Alexander at mga amang Niseno ay sumalungat sa argumento ni Arius na ang pagkaama ng Ama tulad ng lahat ng kanyang mga katangian ay walang hanggan. Kaya ang Ama ay palaging isang ama at ang Anak ay palaging umiiral kasama niya. Ang mga amang Niseno ay naniniwalang ang pananaw na Arian ay sumisira ng pagkakaisa ng pagkadiyos at gumagawa sa Anak na hindi katumbas ng Ama na inaangking paglabag sa kanilang tinatanggap na Kasulatan: Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa". Sa karagdagan ay umapela ang mga Kristiyanong Niseno sa Juan 17:21 "Upang silang lahat ay maging isa upang sila ay maging isa sa atin..". Ang karamihan ng debate ay nakasalalay sa pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang pagiging "ipinanganak" o "nilikha" at pagiging "bugtong". Nakita ng mga Kristiyanong Arian ang mga ito na pundamental na pareho ngunit ang mga Kristiyanong Niseno ay hindi. Ang mga eksaktong kahulugan n gmga salitang ginamit sa mga debate sa Nicaea ay hindi pa rin maliwanag sa mga tagapagsalita ng ibang mga wika. Ang mga salitang Griyegong tulad ng esensiya(ousia), substansiya(hypostasis), kalikasan(physis), persona(prosopon) ay nag-aangkin ng iba't ibang mga kahulugan na hinango mula sa mga pilosopong bago-ang Kristiyanismo na humantong sa hindi pagkakaunawaan hanggang sa mabigyang linaw ang mga ito. Sa partikular, ang salitang homoousia ay simulang hindi nagustuhan ng maraming mga obispo dahil sa kaugnayan nito sa kanilang tinatawag na "heretikong" Gnostiko na gumamit nito sa kanilang teolohiya at dahil ito ay kinondena sa mga Synod sa Antioch noong 264-268. Ayon sa maraming mga salaysay, ang debate ay naging mainit sa isang punto na si Arius ay sinampal sa mukha ni Nicholas ng Myra.
Resulta
baguhinSa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na Kredong Niseno. Ito ay kinabibilangan ng salitang homoousios na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konseho at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.
Mga epekto
baguhinAng pangmatagalang mga epekto ng Konseho ng Nicaea ay malaki. Sa unang pagkakataon, ang mga kinatawan ng maraming mga obispo ng Simbahan ay nagtipon upang umayon sa isang pahayag na pang-doktrina. Sa una ring pagkakataon na ang Emperador ay gumampan ng isang papel sa pamamagitan ng pagtawag ng pagsasama-sama ng mga obispo sa ilalim ng kanyang autoridad at ginamit ang kapangyarihan ng estado upang bigyang epekto ang mga kautusan ng Konsehong ito. Gayunpaman, sa maikling panahon, hindi kumpletong nalutas ng Konseho ang mga problema na tinipon upang talakayin at ang isang panahon ng alitan at ang kaguluhan ay nagpatuloy sa isang panahon. Mismong si Constantine ay hinalinhan sa trono ng mga dalawang emperador na Arian: ang kanyang anak na si Constantius II at si Valens. Hindi malutas ni Valens ang mga isyung eklesiastikal at hindi matagumpay na kinompronta si San Basil tungkol sa Kredong Niseno. Ang mga kapangyarihang pagano sa loob ng imperyo ay naghangad na panatilihin at minsan ay muling maitatag ang paganismo sa trono ng emperador. Ang mga Arian at Meletian ay sandaling muling nagkamit ng lahat ng mga nawalan nitong karapatan at ang Arianismo ay nagpatuloy na kumalat at magsanhi ng dibisyon sa Simbahan sa natitira ng ika-4 na siglo CE. Halos agad nito, ang obispong Arian na si Eusebius ng Nicomedia at pinsan ni Constantine ay gumamit ng impluwensiya nito sa korte upang impluwensiyahan ang pagpabor ni Constantine mula sa mga obispong Niseno tungo sa mga Arian. Mahihinuha na si Eusebius ay may malaking kamay sa pagtanggap sa sambahayang Constantinian ng Arianismo. Nagsimulang maisip ni Constantine na siya ay napaniwala sa maling panig at ang mga trinitarianista sa kanilang masigasig na pag-uusig sa mga Arian ang aktuwal na nagpapatuloy ng alitan sa loob ng simbahan.[9] Sa panahong ito sa korte ng imperyo, ang korteng Silangan at ang mga pangunahing posisyon ng Silangang Simbahan ay hinahawakan ng mga Arian o mga tagasuporta ng Arianismo. Maliban sa isang maikling panahon na siya ay hindi kilala, nagtamasa si Eusebius ng Nicomedia ng kumpletong pagtitiwala nina emperador Constantine at Constantius II at tagaturo ng kalaunang emperador na sa Julian. Sa panahon din ni Eusebius na ang Arianismo ay naging mas kilala sa pamilyang maharlika ng imperyo. Si Eutathius ng Antioch ay pinatapon noong 330. Ang Nisenong si Athanasius na humalili kay Alexander bilang obispo ng Simbahan ng Alexandria ay ipinatapon ng unang Synod ng Tyre noong 335 CE at ang kalaban ng Arianismo na Marcellus ng Ancyra ay sumunod sa kanya noong 336 CE. Si Arius ay bumalik sa Constantinople upang muling tanggapin sa Simbahan ngunit sandaling namatay bago siya tanggapin. Si Constantine ay namatay nang sumunod na taon pagkatapos tanggapin ang bautismo mula sa obispong Arian na si Eusebius ng Nicomedia. Si Eusebius ay napakaimpluwensiyal, na kahit sa pagkatapos ng kanyang kamatayan ay pinakinggan ni Constantius II ang kanyang payo at ni Eudoxus na tangkaing akayin ang imperyo Romano sa Arianismo sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Arian at mga opisyal na doktrinang Arian. [10] Gayunpaman, ang impluwensiyang ito ay nawala sa pag-akyat sa trono ng Emperador Theodosius I na mananampalataya ng Kristiyanismong Niseno. Pagkatapos ng dalawang araw nang dumating si Theodosius sa Constantinople noong Nobyembre 24, 380, kanyang pinatalsik ang obispong si Demophilus ng Constantinople at isinuko ang mga simbahan ng siyudad na ito sa pinuno ng maliit na pamayanang Niseno na si Gregoryo Nazianzus. Ito ay humantong sa isang kaguluha. Si Theodosius ay kababautismo lang ng obispong Acholius ng Thessalonica sa panahon ng isang malalang sakit gaya ng karaniwan sa maagang daigdig na Kristiyano. Noong Pebrero, si Theodosiu at Gratian ay naglimbag ng kautusan na ang lahat ng kanilang mga nasasakupan ay dapat maghayag ng pananampalatay ng mga obispo ng Roma at Alexandria na Kristiyanismong Niseno o kung hindi ay maparusahan. Bagaman ang karamihan ng hierarka ng Simbahan sa Silangan ay sumasalungat sa kredong Niseno sa mga dekada bago ang pag-akyat sa trono ni Theodosius, nagawa niyang makamit ang pagkakaisa sa basehan ng kredong Niseno. Noong 381, sa Konseho ng Constantinople, ang isang pangkat ng pangunahing mga Silangang Obispo ay nagtipon at tumanggap sa kredong Niseno na dinagdagan tungkol sa banal na espirito at iba pang mga pagbabago. Ito ay pangkalahatang pinaniniwalaan na wakas ng alitan tungkol sa Trinidad at pagwawakas ng Arianismo sa mga taong Romano at hindi-Alemaniko.
Mga simulang kahariang mediebal na Alemaniko
baguhinAng alitan ng ika-4 siglo ay nakakita ng mga paksiyong Arian at Niseno na naglalaban laban para sa pagkontrol ng Simbahan. Salungat dito, sa mga kahariang Arian na Alemaniko na itinatag sa labi ng Kanlurang imperyo Romano noong ika-5 siglo, may buong magkahiwalay na mga simbahang Arian at Niseno na may mga magkakahilerang mga hierarka na naglilingkod sa iba't ibang mga hanay ng mananampalataya. Ang mga elitistang Alemaniko ay mga Arian at ang karamihan ng populasyon ay Niseno. Pinaniniwalaan ng maraming mga skolar na ang pagpapatuloy ng Arnianismong Alemaniko ay isang sinunod na stratehiya upang itangi at panatilihin ang pagkakalinlan ng mga elitistang Alemaniko mula sa mga lokal na mamamayan at kultura nito. Ang karamihan ng mga tribong Alemaniko ay pangkalahatang pumapayag sa mga paniniwalang Niseno ng mga nasasakupan nito. Gayunpaman, tinangka ng mga Vandal sa ilang mga dekada na pwersahin ang kanilang mga paniniwalang Arian sa kanilang mga nasasakupang Niseno sa Hilagang Aprika. Kanilang ipinatapon ang kapariang Niseno, binuwag ang mga monasteryo at nagsanay ng mabibigat na pamimilit sa mga hindi umaayon sa kanilang Kristiyanismo. Sa simula ng ika-8 siglo, ang mga kahariang ito ay nasakop na ng mga kapitbahay nitong Niseno(Ostrogoths, Vandals, Burgundians) o ang mga pinuno nito ay tumanggap ng Kristiyanismong Niseno(Visigoths, Lombards). Ang mga Frank at Anglo-Saxon ay natatangi sa mga taong Alemaniko dahil ang mga ito pumasok sa imperyo bilang mga pagano at naakay ng direkta sa Kristiyanismong Niseno(Katoliko) na ginabayan ng kanilang mga haring sina Clovis at Æthelberht of Kent.
Mga labi sa Kanluran, ika-5 hanggang ika-7 siglo
baguhinGayunpaman, ang karamihan ng katimugang Europa at sentral Europa kabilang ang maraming mga Goth at Vandal ay yumakap sa Arianismo. Ang mga Visigoth ay naakay sa Kristiyanismong Arian noong 376. Ito ay humantong sa pagiging paktor ng Arianismo sa iba't ibang mga digmaan sa imperyo Romano. Sa kanluran, ang organisadong Arianismo ay nagpatuloy sa Hilagang Aprika, Hispania at mga bahagi ng Italya hanggang sa supilin ito noong ika-6 at ika-7 siglo. Si Grimwald na hari ng mga Lombard(662–671) at ang kanyang batang anak at kahaliling si Garibald(671) ang mga huling haring Arian sa Europa.
Muling paglitaw pagkatapos ng Protestanteng Repormasyon, ika-16 siglo
baguhinPagkatapos ng Protestanteng Repormasyon, hindi tumagal para sa pananaw na Arian at mga iba pang hindi-trinitarian na muling lumitaw. Ang unang itinalang anti-trinitarian ay ang Ingles na si John Assheton na pinwersang bawiin ito sa harap ni Thomas Cranmer noong 1548.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition, rev. edn. 2001, ISBN 0-8028-4969-5
- ↑ Kannengiesser, Charles, “Alexander and Arius of Alexandria: The last Ante-Nicene theologians”, Miscelanea En Homenaje Al P. Antonio Orbe Compostellanum Vol. XXXV, no. 1-2. (Santiago de Compostela, 1990), 398
- ↑ Socrates. "The Dispute of Arius with Alexander, his Bishop.". The Ecclesiastical Histories of Socrates Scholasticus. Nakuha noong 2 Mayo 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition (London: Darton, Longman and Todd, 1987),175
- ↑ Williams, 175
- ↑ Williams 154-155
- ↑ Arius letter to Eusebius of Nicomedia
- ↑ Alexander of Alexandria's Catholic Epistle
- ↑ Williams & Friell, (1994) pp. 46–53
- ↑ Guitton, "Great Heresies and Church Councils", pp.86.