Mga Visigodo

(Idinirekta mula sa Visigoth)

Ang mga Visigodo ( /ˈvɪzɪɡɒθs/; Latin: Visigothi, Wisigothi, Vesi, Visi, Wesi, Wisi) ay isang maagang grupong Hermaniko na kasama ng Ostrogodo ay bumubuo ng dalawang pangunahing grupong pampolitika ng mga Godo loob ng Imperyong Romano sa huling sinaunang panahon, o kilala bilang Panahon ng Paglipat. Ang mga Visigodo ay umusbong mula sa mga naunang pangkat ng mga Godo, kabilang ang isang malaking pangkat ng Thervingi, na lumipat sa Imperyong Romano simula pa noong 376 at naging pangunahing papel sa pagkatalo sa mga Romano sa Labanan ng Adrianopolis noong 378.[1] Ang mga ugnayan sa pagitan ng mga Romano at mga Visigodo ay magkakaiba-iba, minsanang nagtutunggalian sa isa't isa, at gumagawa ng mga kasunduan kung maginhawa. Sa ilalim ng kanilang unang pinuno, ang Alarico I, sinalakay nila ang Italya at dinambong ang Roma noong Agosto 410. Pagkatapos, nagsimula silang tumira, una sa timog Galo at kalaunan sa Hispania, kung saan itinatag nila ang Kahariang Visigodo at pinanatili ang pag-iral mula ika-5 hanggang ika-8 siglo AD.[2]

Visigoths
Ang mga agilang nirerepresenta sa mga fibula mula sa ika-6 na siglo, at nahanap sa Tierra de Barros (Badajoz), ay isang tanyag na simbolo sa mga Godo sa Espanya.[a]
Relihiyon
Paganismong Godo, Arianismo, Katolisismong Romano,
Detalye ng votive na korona ng Reccesuinth mula sa Treasure of Guarrazar, (Toledo-Spain) na nasa Madrid. Binabaybay ng mga nakasabit na titik ang [R]ECCESVINTHVS REX OFFERET [Inalok ito ni Haring R.].[b]

Mga sanggunian

baguhin


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

  1. Heather 1998.
  2. Waldman & Mason 2006.