Sabellianismo
Sa Kristiyanismo, ang Sabellianismo, (na kilala rin bilang modalismo, modalistikong monarkianismo, o modal na monarkismo) ay isang paniniwalang hindi-trinitariano na ang Ama, Anak at Banal na Espirito ay mga iba't ibang modo o aspeto ng isang Diyos sa halip na tatlong mga natatanging persona sa loob ng Pagkadiyos. Ang terminong ito ay nagmula kay Sabellius na isang teologo at pari mula ikatlong siglo CE. Ang modalismo ay iba sa Unitarianismo sa pamamagitan ng pagtanggap sa doktrinang si Hesus ay isang buong Diyos.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.