Unang Konsilyo ng Constantinople
Ang Unang Konsilyo ng Constantinople ay kinikilala na Ikalawang Konsilyong Ekumenikal ng Oriental Ortodokso, Simbahan ng Silangan, Silangang Ortodokso, Simbahang Katoliko Romano, Lumang Katoliko, Anglikanismo, at iba pang mga pangkat na Kanlurang Kristiyano. Ito ang una sa Unang Pitong Konsilyong Ekumenikal na idinas sa Constantinople at tinipon ni Emperador ng Imperyo Romano na si Theodosius I noong 381 CE.[1][2] Kinumpirma ng konsilyong ito ang Kredong Niseno at nakitungo sa iba pang mga bagay gaya ng Kontrobersiyang Ariano habang ito ay nagpupulong sa Hagia Irene mula Mayo hanggang Hulyo 381 CE. Si Papa Damasus I ay hindi inimbitahan o tumangging dumalo sa konsilyong ito kaya ito ay minsang tinatawag na "hindi ekumenikal" na konsilyo. Gayunpaman, ito ay pinagtibay na ekumenikal sa Konsilyo ng Chalcedon noong 451 CE.
Unang Konsilyo ng Constantinople | |
---|---|
Petsa | 381 CE |
Tinanggap ng | Romano Katoliko, Lumang Katoliko, Silangang Ortodokso, Anglikano, Oriental Ortodokso, Simbahang Assyrian ng Silangan, Lutherano |
Nakaraang konseho | Unang Konsilyong Nicaea |
Sumunod na konseho | Unang Konsilyo ng Efeso |
Tinipon ni | Emperor Theodosius I |
Pinangasiwaan ni | Timoteo ng Alexandria, Meletius ng Antioch, Gregoryo Nazianzus, at Nectarius ng Constantinople |
Mga dumalo | 150 (walang kinatawan ng Kanlurang Simbahan) |
Mga Paksa ng talakayan | Arianismo, Apollinarismo, Sabellianismo, Banal na Espirito, kahalili ni Meletius |
Mga dokumento at salaysay | Kredong Niseno 381, pitong batas kanon(tatlo ay tinutulan) |
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal |
Inaprubahan ng Unang Konsilyo ng Constantinople ang kasalukuyang anyo ng Kredong Nicene gaya ng ginagamit sa mga simbahang Silangang Ortodokso at Oriental na Ortodokso ngunit malibang kapag ang Griyego ay ginagamit na may karagdagang mga pariralang Latin("Deum de Deo" at "Filioque") sa Kanluran. Ang anyong ginamit ng Simbahang Armenian Apostoliko na bahagi ng Oriental na Ortodokso ay may marami pang mga karagdagan.[3] Ang mas punong kredo ay maaaring umiral bago pa ang Konsilyo at malamang ay nagmula mula sa kredong bautismo ng Constantinople.[4]
Kinondena rin ng konsilyo ang Apollinarismo,[5] na isang katuruan na walang isipan ng tao o kaluluwa kay Kristo.[6] Ito ay nagkaloob rin sa Constantinople ng pangungunang pangkarangalan sa lahat ng mga iglesia maliban sa Roma.[5]
Hindi isinama ng konsilyo ang mga Kanlurang obispo o mga legatong Romano ngunit ito ay tinanggap bilang ekumenikal sa Kanluran.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Socrates Scholasticus, Church History, book 5, chapters 8 & 11, puts the council in the same year as the revolt of Magnus Maximus and death of Gratian.
- ↑ Heather and Matthews, Goths in the Fourth Century, p. 136.
- ↑ Armenian Church Library: Nicene Creed
- ↑ "Nicene Creed." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ 5.0 5.1 5.2 "Constantinople, First Council of." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Apollinarius." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005