Unang Pitong Konsilyo
Sa kasaysayan ng Kristiyanismo, ang Unang Pitóng Konsilyo mula sa Unang Konsilyo ng Nicaea (325 CE) hanggang sa Ikalawang Konsilyo ng Nicaea (787 CE) ay kumakatawan sa pagtatangka ng pag-abot sa isang kasunduang ortodoksiya at upang itatag ang isang nagkakaisang sangkakristiyanuhan (christendom) bílang estadong simbahan ng Imperyong Romano. Ang Silangang Ortodokso, Romano Katolisismo, at Anglikano ay lahat nag-aangkin na ang kanilang kaparian ay bumabakas sa paghaliling apostoliko pabalik sa yugtong ito at sa sinaunang yugtong tinatawag na Sinaunang Kristiyanismo. Gayunpaman, ang mga pagkakasira ng pagkakaisa na umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan ay nangyari kahit sa yugtong ito. Tinatanggap ng Assyrian Church of the East ang unang dalawang konseho ngunit itinatakwil ang ikatlo, ang Unang Konseho ng Efeso(431 CE). Ang Konsehong Quinisext(692 CE) na nagtangkang itatag ang Pentarkiya at pangkalahatang hindi itinuturing na isa sa unang pitóng konsehong ekumenikal [1] ay hindi tinatangap ng Romano Katoliko[2] na tumuturing din na marami pang mga konsehong ekumenikal pagkatapos ng unang pitóng ito. Ang panahong ito ay nagsisimula sa Unang Konseho ng Nicaea na naghayag ng Kredong Nicene na nasa orihinal na anyo nito at bílang binago ng Unang Konseho ng Constanstinople noong 381 ay nakikita bílang sukatán ng ortodoksiya sa doktrina ng Trinidad. Sa puntong ito, bagaman ang mga emperador ay tumigil nang tumirá sa Romano, ang simbahan sa siyudad ay nakikita bílang una sa mga iglesia[3] Noong 330, itinatag ni Constantine ang kanyang "Bagong Roma" na naging Constantinople sa Silangang Imperyong Romano. Ang lahat ng mga pitóng konseho ay idinaos sa Silangan sa Anatolia at Constantinople.
Unang Pitóng Konsilyo
baguhin- Unang Konsilyo ng Nicaea, taong 325 CE
- Unang Konsilyo ng Constantinople, taong 381 CE
- Unang Konsilyo ng Efeso, taong 431 CE
- Konsilyo ng Chalcedon, taong 451 CE
- Ikalawang Konsilyo ng Constantinople, taong 553 CE
- Ikatlong Konsilyo ng Constantinople, taong 680 CE
- Ikalawang Konsilyo ng Nicaea, taong 787 CE
Gayunpaman, hindi lahat ng mga konsilyong ito ay pangkalahatang kinikilala bilang ekumenikal. Gaya ng nasa itaas, ang Assyrian Church of the East ay tumatanggap lamang sa unang dalawang konsilyo, at ang Ortodoksiyang Oriental ay tumatanggap lamang sa tatlo. Ang mga kasalukuyang hindi-trinitaryanong mga sekta ng Kristiyanismo gaya ng Unitarians, Latter Day Saints, Quakers, Christadelphians at Jehovah's Witnesses at tumatakwil sa lahat ng pitong konsilyong ito.
Unang Konsilyo ng Nicaea (325)
baguhinTinipon ni Emperador Constantine ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyal na isyu ng relasyon sa pagitan ni Hesus at ng Diyos Ama. Ninais ni Constantine na itatag ang isang pangkalahatang kasunduan dito. Ang mga kinatawan nito ay nagmula sa buong Imperyo Romano at pinansiyal na sinuportahan ng Emperador. Bago ng konsilyong ito, ang mga obispo ay nagdadaos ng mga lokal na konsilyo gaya ng Konsilyo ng Herusalem ngunit walang isang pangkalahatan o unibersal, o ekumenikal na konsilyo. Ang konsilyo ay gumawa ng isang kredo na orihinal na Kredong Nicene na tumanggap ng halos nagkakaisang suporta. Ang paglalarawan ng konsilyo ng "tanging bugtong na anak ng diyos" na si Hesus na homoousios(parehong substansiya) sa diyos ama ang naging pamantayan ng Trinitarianismo. Sinagot ng konsilyo ang isyu ng pagpepetsa ng Easer, kumilala sa karapatan ng see ng Alexandria sa huridiksiyon sa labas ng sarili nitong probinsiya(bilang analohiya sa hurisdiksiyong sinanay sa Roma) at ang mga prerogatibo ng mga iglesia sa Antioch at sa iba pang mga probinsiya [4] at nag-aproba ng kustombre kung saan ang Herusalem ay pinarangalan nang walang dignidad na metropolitan.[5]
Ang konsilyong ito ay tinutulan ng mga Arian at sinubukan ni Constantine na pagkasunduin si Arius(kung saan ipinangalan ang Arianismo) sa simbahan. Kahit nang mamatay si Arius noong 336 CE, isang taon bago ang kamatayan ni Constantine, ang kontrobersiya ay nagpatuloy kung saan ang iba't ibang mga magkakahiwalay na pangkat ay yumakap sa iba't ibang mga simpatyang Arian sa isang paraan o iba.[6] Noong 359 CE, ang isang dobleng konsilyo ng Silangan at Kanlurang mga obsipo ang nagpatibay ng isang pormula na nagsasaad na ang Ama at Anak ay magkatulad ayon sa mga kasulatan na isang pagtatagumpay ng Arianismo.[6] Nag-rally ang mga kalaban ng Arianismo ngunit ang Unang Konsilyo ng Constantinope noong 381 CE ang huling pagkapanalo ng ortodoksiyang Nicene sa Imperyo Romano bagaman ang Arianismo ay kumalat na sa panahong ito sa mga tribong Alemaniko kung saan ito ay unti unting naglaho pagkatapos ng konbersiyon ng mga Frank sa Katolisismo noong 496 CE.[6]
Kinomisyon ni Constantine ang mga Bibliya
baguhinNoong 331 CE, kinomisyon ni Constantine I si Eusebius na maghatid ng 50 mga bibliya para sa simbahan ng Constantinople. Itinala ni Athanasius(Apol. Const. 4) na ang mga skriba noong 340 CE ay naghahanda ng mga bibliya para sa emperador na si Constans. Ipinagpalagay na ito ay maaaring nagbigay ng motibasyon para sa listahan ng kanon at ang Codex Vaticanus at Codex Sinaiticus ang mga halimbawa ng bibliyang ito. Kasama ng Peshitta at Codex Alexandrinus, ang mga ito ang pinakaunang mga umiiral na mga bibliyang Kristiyano.[7]
Unang Konsilyo ng Constantinople (381)
baguhinInaprubahan ng konsilyo ang kasalukuyang anyo ng Kredong Nicene gaya ng ginagamit sa mga simbahang Silangang Ortodokso at Oriental na Ortodoks ngunit malibang kapag ang Griyego ay ginagamit na may karagdagang mga pariralang Latin("Deum de Deo" at "Filioque") sa Kanluran. Ang anyong ginamit ng Simbahang Armenian Apostoliko na bahagi ng Oriental na Ortodokso ay marami pang mga karagdagan.[8] Ang mas punong kredo ay maaaring umiral bago pa ang Konsilyo at malamang ay nagmula mula sa kredong bautismo ng Constantinople.[9]
Kinondena rin ng konsilyo ang Apollinarismo,[10] na isang katuruan na walang isipan ng tao o kaluluwa kay Kristo.[11] Ito ay nagkaloob rin sa Constantinople ng pangungunang pangkarangalan sa lahat ng mga iglesia maliban sa Roma.[10]
Hindi isinama ng konsilyo ang mga Kanlurang obispo o mga legatong Romano ngunit ito ay tinanggap bilang ekumenikal sa Kanluran.[10]
Unang Konsilyo ng Efeso (431)
baguhinPinatawag ni Theodosius II ang konsilyong ito upang lutasin ang kontrobersiyang Nestorian. Si Nestorius na Patriarka ng Constantinople ay sumalungat sa paggamit ng terminong Theotokos(Griyego: Η Θεοτόκος, "God-Bearer").[12] Ang terminong ito ay matagal nang ginagamit ng mga manunulat na ortodokso at ito ay nagkakamit ng popularidad kasama ng debosyon kay Marya bilang Ina ng Diyos.[12] Iniulat na kanyang itinuro na may dalawang magkahiwalay na mga persona sa nagkatawang taong si Kristo bagaman kung aktuwal niyang itinuro ito ay tinutulan.[12]
Ipinatapon ng konsilyo si Nestorius, itinakwil ang Nestorianismo at ipinahayag ang Birheng Marya bilang isang Theotokos. Pagkatapos sipiin ang Kredong Nicene sa orihinal na anyo nito gaya ng nasa Unang Konsilyo ng Nicaea nang walang mga pagbabago at karagdagan sa Unang Konsilyo ng Constantinople, inihayag nito na "bawal para sa anumang tao na isulong o sumulat o lumikha ng isang ibang(ἑτέραν) Pananampalataya bilang isang katunggali sa natatag ng mga banal na amang tinipon ng Banal na Espiritu sa Nicæa."[13]
Konsilyo ng Chalcedon (451)
baguhinItinakwil ng konsilyong ito ang doktrinang Eutychian ng monophysitismo, inilarawan at ibinakas ang unyong hypostatiko(dalawang mga kalikasan ni Kristo) na tao at diyos, at tinanggap ang Kredong Chalcedonian. Para sa mga tumatanggap nito, ito ang Ikaapat na Konsilyong Ekumenikal(na tumatawag sa dating konsilyo na itinakwil ng konsilyong ito na "Robber Synod" o "Robber Council").
Bago ang konsilyo
baguhinNoong Nobyembre 448 CE, ang isang synod sa Constantinople ay kumondena sa Eutyches para sa kawalang ortodoksiya nito.[14] Si Eutyches, archimandrite (abbot) ng isang monasteryong Constinapolitan[15] ay nagturong si Kristo ay hindi kapwa substansiyal sa pagiging tao.[16]
Noong 449, sinamo ni Theodosius II ang isang konsilyo sa Efeso kung saan si Eutyches ay napawalang sala at bumalik sa kanyang monasteryo.[17] Ang konsilyong ito ay kalaunang pinataob ng Konsilyo ng Chalcedon at tinawag na "Latrocinium" (i.e., "Robber Council").[18]
Ikalawang Konsilyo ng Constantinople (553)
baguhinAng konsilyong ito ay kumondena sa ilang mga kasulatang Nestorian at mga may-akda nito. Ang kilos na ito ay sinulsulan ni Emperador Justinian sa paghahangad na palubagin ang loob ng mga Kristiyanong monophysite. Ito ay tinutulan sa Kanlaran at ang pagtanggap ng mga Papa sa konsilyong ito ay nagsanhi ng isang malaking pagkakabahagi(schism).[19]
Tatlong mga Kabanata
baguhinBago ang Ikalawang Konsilyo ng Chalcedon ay may isang tumagal na kontrobersiya dahil sa pagtrato ng tatlong mga paksa na lahat itinuturing na simpatetiko sa Nestorianismo na heresiyang may dalawang magkahiwalay na mga person sa pagkakatawang tao ni Kristo.[20] Kinondena ni Emperador Justinian ang Tatlong mga Kabanata na umaasang umapela sa mga Kristiyanong monophysite sa kanyang kasigasigang anti-Nestorian.[21] Ang mga Monophysite ay naniniwalang sa nagkatawang taong si kristo, may isang kalikasan at hindi dalawa.[22]
Ang mga Silangang Patriarka ay sumuporta sa Emperador ngunit sa Kanluran, ang kanyang panghihimasok ay minasama, at tinutulan ni Papa Vigilius ang kanyang kautusan sa dahilang tinutulan nito ang mga atas na Chalcedonian. [23] Ang patakaran ni Justinian ay sa katotohanan isang pag-atake sa teolohiyang Antiochene at sa mga desisyon ng Chalcedon.[24] Ang papa ay umayon at kinondena ang Tatlong mga Kabanata ngunit ang mga protesta sa Kanluran ay nagtulak sa kanya na bawiin ang kanyang kondemnasyon.[25] Tinawag ng emperador ang Ikalawang Konsilyo ng Constantinole upang lutasin ang kontrobersiya.[26]
Mga pagsasakdal ng konsilyo
baguhinAng konsilyo na dinaluhan ng mga Silangang obispo ay kumondena sa Tatlong mga Kabanata at hindi direktang kumondena kay Papa Vigilius.[27] Pinagtibay rin nito ang intensiyon ng Constantinople na manatili sa komunyon sa Roma.[28]
Pagkatapos ng konsilyo
baguhinInihayag ni Vigilus ang kanyang pagpapasakop sa konsilyo gaya ng kanyang kahaliling si Pelagius I.[29] Ang konsilyo ay hindi agarang kinilalang ekumenikal sa Kanluran at ang Milan at Aquileia ay kumalas sa komunyon sa Roma dahil sa isyung ito.[30] Ang pagkakabahagi ay hindi nakumpuni hanggang sa huli nang ika-6 siglo CE para sa Milan at huli nang ika-7 siglo para saAquileia.[31]
Ang patakaran ni Emperador Justinian ay nabigong makipagkasundo sa mga Monophysite.[32]
Ikatlong Konsilyo ng Constantinople
baguhinAng Ikatlong Konsilyo ng Constantinople (680–681) ay tumakwil sa monothelitismo na isang minsang sikat at malawak na sinuportahang doktrina na nagpapatibay na si Kristo ay may parehong mga kaloobang tao at diyos.
Konsilyong Quinisext
baguhinAng Konsilyong Quinisext (= Ikalima at Ikaanim) o Konsilyo sa Trullo (692) ay hindi tinanggap ng simbahang Romano Katoliko. Dahil sa ito ay halos isang administratibong konsilyo para sa pagtataas ng ilang mga lokal na kanon sa katayuang ekumenikal, para sa pagtatatag ng mga prinsipyo ng disiplinang pang pari, pagsagot sa isyu ng kanon at pagtatatag ng Pentarkiya nang hindi tinutukoy ang mga bagay ng doktrina, Ang Silangang Ortodokso ay hindi tumuturing dito na isang buong konsilyo sa sarili nito. Bagkus ito ay itinuturing na ekstensiyon ng ika-lima at ikaanim na mga konsilyo.
Ikalawang Konsilyo ng Nicaea
baguhinIkalawang Konsilyo ng Nicaea (787). Noong 753, tinipon ni Emperador Constantine V ang synod ng Hieria na nagdedeklara na ang mga imahen ni Hesus ay misrepresenta sa kanya at ang mga imahen ni Marya at mga santo ay mga idolo(diyos diyosan).[33] Ang Iklawang Konsilyo ng Nicaea ay nagpanumbalik ng benerasyon ng mga ikono at winakasan ang unang ikonoklasmo.
Mga sumunod na pangyayari
baguhinNoong ika-9 na siglo CE, ipinatapon ni Emperador Miguel III si Patriarka Ignatius ng Constantinople at si Photius ay inihalal sa kanyang lugar. Inihayag ni Papa Nicholas I na ang pagtanggal sa puwesto kay Ignatius ay hindi balido. Pagkatapos paslangin si Miguel, si Ignatius ay ibinalik sa puwesto bilang patriarka nang walang paghamon at noong 869-70 ang isang Romanong Katolikong Ikaapat na Konseho ng Constantinople na nag-anathema kay Photius ay idinaos at itinuturing sa Kanluran(Simbahang Katoliko Romano) na ekumenikal. Sa kamatayan ni Ignatius noong 877, si Photius ay ay naging patriarka. Noong 879-80 CE, ang isa pang Ikaapat na konseho sa Constantinople ng Silangang Ortodokso na itinuturing ng Simbahang Silangang Ortodokso na ekumenikal ay nagpawalang bisa sa desisyon ng nakaraang konseho.[34]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Schaff's Seven Ecumenical Councils: Introductory Note to Council of Trullo: "From the fact that the canons of the Council in Trullo are included in this volume of the Decrees and Canons of the Seven Ecumenical Councils it must not for an instant be supposed that it is intended thereby to affirm that these canons have any ecumenical authority, or that the council by which they were adopted can lay any claim to being ecumenical either in view of its constitution or of the subsequent treatment by the Church of its enactments."
- ↑ Encyclopædia Britannica "Quinisext Council". Encyclopædia Britannica. Retrieved February 14, 2010. "The Western Church and the Pope were not represented at the council. Justinian, however, wanted the Pope as well as the Eastern bishops to sign the canons. Pope Sergius I (687–701) refused to sign, and the canons were never fully accepted by the Western Church".
- ↑ Durant, Will. Caesar and Christ. New York: Simon and Schuster. 1972
- ↑ "canon 6". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-15. Nakuha noong 2012-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "canon 7". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-15. Nakuha noong 2012-07-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 6.2 "Arianism." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ The Canon Debate, McDonald and Sanders editors, 2002, pages 414-415, for the entire paragraph
- ↑ Armenian Church Library: Nicene Creed
- ↑ "Nicene Creed." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ 10.0 10.1 10.2 "Constantinople, First Council of." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Apollinarius." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ 12.0 12.1 12.2 "Nestorius." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ canon 7
- ↑ "Latrocinium." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Eutyches" and "Archimandrite." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Monophysitism." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Latrocinium." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Latrocinium." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Constantinople, Second Council of." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Nestorianism" and "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Monophysitism." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Constantinople, Second Council of." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Constantinople, Second Council of." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Three Chapters." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Iconoclastic Controversy." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ "Photius", in Cross, F. L., ed., The Oxford Dictionary of the Christian Church (New York: Oxford University Press. 2005)