Dakilang Saserdote
Ang Dakilang Saserdote o Punong Sasedote o Mataas na Saserdote o Punong Pari (Kastila: Sacerdote, Ingles: High Priest) at bihirang Dakilang Saserdotisa (Ingles: High Priestess) ay karaniwang tumutukoy sa isang indibidwal na humahawak ng opisina o posisyong pinuno-saserdote(pari) o ang pinuno ng isang kasteng relihiyoso.
Sinaunang Ehipto
baguhinSa Sinaunang Ehipto, ang isang Dakilang Saserdote ang pangunahing Saserdote ng anuman sa maraming mga Diyos na sinasamba ng mga Sinaunang Ehipsiyo. Kabilang dito ang sumusunod:
- Mga Dakilang Sasedote ni Amun: Ang pangunahing kulto ng diyos na si Amun sa Thebes.
- Mga Dakilang Saserdoteng Theban ni Amun: Bagaman hindi itinuring na isang dinastiya, ang mga Dakilang Saserdote ng Thebes, Ehipto ay gayunpman ng gayong kapangyarihan at impluwensiya na ang mga ito ay epektibong mga pinuno ng Itaas na Ehipto mula 1080 BCE hanggang ca. 943 BCE.
- Dakilang Saserdote ni Osiris: Ang pangunahing kulto ni Osiris ay nasa Abydos.
- Dakilang Saserdote ni Ptah: Ang pangunahing kulto ni Ptah ay nasa Memphis.
- Dakilang Saserdote ni Re: Ang pangunahing kulto ni Re ay nasa Heliopolis,
- Asawa ng Diyos ni Amun: Ang pinakamataas na rumaranggong saserdotisa ng kulto ni Amun.
Sinaunang Israel
baguhinAng Dakilang Saserdote ng Israel ang nagsilbi sa Tabernakulo at pagkatapos ay sa Templo ni Solomon at Ikalawang Templo sa Herusalem.
Ang Samaritanong Dakilang Saserdote ang Dakilang Saserdote ng pamayanan at relihiyon ng Samaritano.
Sinaunang Daigdig
baguhin- Archiereus na pamagat ng dakilang saserdote mula sa Sinaunang Gresya.
- Dastur na isang Dakilang Saserdote sa Zoroastrianismo.
- Hierophant na pangunahing Saserdote ng Mga misteryong Eleusinian.
- NIN o EN sa kuneipormang skripto na isang Dakilang Saserdote o Saserdotisa ng patrong diyos ng isang estadong-lungsod ng Sumerya.[1]
- Pontifex Maximus mula sa Sinaunang Roma.
India
baguhin- Vidyaranya na Dakilang Saserdoteng Hindu sa Imperyong Vijayanagara.
- Panditrao ang pamagat ng isang hinirang na Dakilang Saserdote na umupo sa Konseho ng 8(Ashta Pradhan) sa simulang Imperyong Maratha.
Tignan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Saggs, H. W. F. 1988, The Greatness That Was Babylon (revised edition)