Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Baruc[1] o Aklat ni Baruch ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Binubuo ito ng apat na maiiksing mga pahayag pinaniniwalaang inakdaan ni Baruc, ang kalihim ng propetang si Jeremias, at pinaniniwalaan ding nasusulat sa Ebreo bago nalipon upang maging isang aklat.[1]

Si Baruc

baguhin

Si Baruc ay anak ni Nerias na naging alagad at isang kalihim ng propetang si Jeremias. Noong 583 BK, ang panahon kung kailan nalukob ni Nabucodonosor ang Jerusalem, pumunta si Baruc sa Babilonia, kung saan sinulat niya ang hulang may layuning himukin ang mga nadalang bihag na mga Hudyo patungo sa gawain ng pagsisisi ng mga kasalanan, at para na rin masugpo ang pagsamba ng mga ito sa mga hindi totoong mga diyos.[2]

Ang aklat

baguhin

Nasulat sa pagitan ng 582 BK at 540 BK ang Aklat ni Baruc. Binubuo ito ng tatlong bahagi: ang kasaysayan ng kapanahunan ni Baruc; ang pag-amin sa kanilang mga kasalanan ng mga Israelita; at ang pangaral kaugnay ng pagbabalik-kalooban sa tunay na Diyos ng mga mamamayan. May karagdagang pangaral si Baruc na nasa bandang huli ng aklat, ang tungkol sa kaniyang hindi pagsang-ayon sa pagkakaroon ng mga diyos-diyusan.[2]

Ang orihinal

baguhin

Nawala ang orihinal na aklat na nasa wikang Ebreo, kaya't nakabatay ngayon ang mga pangkasalukuyang salin o anyo ng Aklat ni Baruc mula sa tinatawag na Salin ng Pitumpu (LXX) o ang Saling Griyego.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Aklat ni Baruc". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Baruc". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.