Ikatlong Aklat ng mga Hari

Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Ikatlong Aklat ng mga Hari[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya na sumusunod sa Una at Ikalawang Aklat ni Samuel. Pinaniniwalaang nasulat ang librong ito kasama ng kasunod na 4 Mga Hari noong mga 600 BK, na sinanib ang iba pang mga karagdagan mga limampung taon pa ang nakalipas[1]

Dapat lamang tandaan na katumbas ang Ikatlong Aklat ng mga Hari (o 3 Mga Hari) ng 1 Mga Hari sa Bibliyang Ebreo.[2]

Paglalarawan

baguhin

Ibinubungad ng Ikatlong Aklat ng mga Hari ang mga huling panahon sa buhay ni Haring David at nagpapatuloy sa paghahari ng Haring Solomon at pagtatayo ng isang templo sa Herusalen. Nang sumakabilang-buhay si Solomon, nahati ang bayan sa dalawang magkahiwalay na mga kaharian: ang Israel ang Judah. Tinalakay din ng librong ito ang mga sumunod na mga pinuno ng bawat kaharian.[1]

Layunin

baguhin

Bagaman sumangguni sa mga kaalamang pangkasaysayan ang may-akda ng aklat, pangunahing layunin ng sumulat ang pagkakaugnay sulatin sa pananampalataya. May kaugnayan siya sa propetang si Elias at hinusgahan niya ang bawat hari ayon sa "pagsunod niya sa kalooban ng Diyos" at sa kaniyang pagtanggi sa pagsamba sa mga idolo. Sa kaniyang pananaw, nabigo ang lahat ng mga hari ng Israel, at ang tanging mga mabubuting mga hari ay yaong dalawang namuno sa Judah: sina Ezekias at Josias (Josiah). Ipinababatid ng may-akda ang isang mensaheng may kaugnayan sa paksa ng aklat ng Deuteronomio, na "sang-ayon sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ang pambansang tagumpay," at naghahatid naman ng kaparusahan ng Diyos ang "pagtalilis mula sa pananampalataya."[1]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Reader's Digest (1995). "1 Kings". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Mga Aklat ng mga Hari". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin