Mga Aklat ni Samuel

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Mga Aklat ni Samuel[1], Una at Ikalawang Aklat ni Samuel o Una at Ikalawang Aklat ng mga Hari sa Bibliyang Vulgata ay mga aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol sa mga kasaysayan ni Haring Samuel at ni Haring Saul ang Unang Aklat ni Samuel; samantalang hinggil naman sa kasaysayan ni Haring David ang pangalawa, na tinatawag ding Ikalawang Aklat ni Samuel. Tinatayang naganap ang mga pangyayari sa mga aklat na ito noong 1120 BK hanggang 970 BK.[1]

May-akda

baguhin

Hindi ganap na natitiyak kung sino ang umakda sa Mga Aklat ni Samuel, bagaman pinaniniwalaang sinulat ang mga ito noong mabuwag ang mga kaharian noong panahon ni Roboam, mga 929 BK.[1]

Pinaghanguan

baguhin

Ibinatay ang mga aklat na ito mula sa Aklat ng Banal at pinaniniwalaang mula pati sa mga inakdaang kasulatan nina Samuel, Natan, at Gad.[1]

Unang Aklat ni Samuel

baguhin

Tungkol sa kasaysayan ng dalawang hari ang nakasaad sa Unang Aklat ng mga Hari. Una rito ang kasaysayan kasaysayan ni Samuel, isang hukom at propeta ng bayang Israel. Itinuturing si Samuel bilang isa sa pinakamagiting na taong nabanggit sa Bibliya. Pangalawang nilalahad sa Unang Aklat ng mga Hari ang kasaysayan ng pinakaunang hari sa Israel, na si Saul.[1]

Mga bahagi ng Unang Aklat ni Samuel

baguhin

Binubuo ang Unang Aklat ng mga Hari ng mga sumusunod na bahagi:[1]

  • Ang mga Huling Hukom sa Israel (1-7)
  • Ang Pagkakatatag ng Kaharian (8-15)
  • Sina Saul at David (16-31)

Ikalawang Aklat ni Samuel

baguhin

Tungkol kay David ang Ikalawang Aklat ng mga Hari at kinapapalooban ng mga "magagandang aral."[1]

Mga bahagi ng Ikalawang Aklat ni Samuel

baguhin

Binubuo ang Ikalawang Aklat ng Mga Hari ng mga sumusunod na bahagi:[1]

  • Si David sa Hebron (1-4)
  • Si David, Hari sa Jerusalem (5-20)
  • Mga Dagdag (21-24)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Aklat ni Samuel, Una at Ikalawang Aklat ni Samuel, Una at Ikalawang Aklat ng mga Hari". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin
Unang Aklat ni Samuel
baguhin
Ikalawang Aklat ni Samuel
baguhin