Aklat ni Sofonias

trenta-ikaanim libro ng Biblya, kompuwesto ng lámang 3 kabanatas
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ni Sofonias[1][2] o Aklat ni Zephaniah[3] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Sofonias.[2]

Ang may-akda

baguhin
 
Si Sofonias, isang propeta.

Nagsimulang maglingkod bilang isang propeta ng Diyos si Sofonias noong mga 640 BK hanggang 609 BK (mga huling panahon ng ikapitong daantaon), na kapanahunan ni Josias. Naganap ito mga sampung taon bago maganap ang pagbabagong ginawa ni Haring Josias na may kaugnayan sa pananampalataya noong 621 BK. Kaalinsabay ni Sofonias ang iba pang mga propetang sina Jeremias at Nahum.[1][2][4] Nilalarawan din si Sofonias bilang isang taong may malalim na kaantigang pangbudhi. May diin niyang ibinunyag sa kaniyang aklat at mga gawain ang tunay at pinakapayak na anyo ng kasalanan: na isa itong paglabag sa kaluwalhatian ng nabubuhay na Diyos.[4]

Paglalarawan

baguhin

Tinalakay ni Sofonias sa kaniyang aklat na ito ang tungkol sa "Dakilang Araw ng Panginoon," ang mga bantang kaparusahan ng Diyos para sa mundo, sa mga taong hentil, at sa mismong Jerusalem at Juda. Sinasabing wawasakin ang Juda dahil sa pagsamba ng mga mamamayan nito sa mga diyus-diyosan. Gagawaran din ng parusa ng Diyos ang iba pang mga bansa. Binabanggit din niya, sa bandang huli ng aklat, ang pagbabalik-loob sa Diyos ng mga hentil at mga paglilinis at pangaral para sa Israel. Magbabalik ang Israel sa Diyos balang araw, at pamumuhayan ng mga mamamayang matuwid at may kababaan ng kalooban.[2][4] Pangkaraniwan ang mga paksang ito sa lahat ng mga akda ng mga propeta.[4]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Aklat ni Sofonias". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Abriol, Jose C. (2000). "Sofonias". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Zephaniah". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Reader's Digest (1995). "Zephaniah". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin