Ikaapat na Aklat ng mga Macabeo

(Idinirekta mula sa 4 Macabeo)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang 4 Macabeo,[pananda 1] tinatawag din bilang Ikaapat na Aklat ng mga Macabeo at posibleng orihinal na kilala bilang Sa Kalayaan ng Katwiran,[pananda 2] ay isang aklat na sinulat sa Griyegong Koine, malamang noong una o maagang ikalawang dantaon. Isa itong homiliya o pampilosopiyang diskurso na pinupuri ang pangingibabaw ng banal na katwiran sa silakbo ng damdamin. Pinagsasama ng gawang ito ang Hudaismong Helenistiko na may impluwensiya ng pilosopiyang Griyego, partikular ang paaralan ng Stoisismo.

Karamihang pagdedetalye ang gawa ng mga kuwento ng pagiging martir sa aklat ng 2 Macabeo: ng mga babae na may pitong anak na lalaki at ng eskribang si Eleazar, na pinahirapan hanggang mamatay ng Haring Seleucid na si Antioco IV Epipanes sa pagsubok na itakwil ang pagsunod sa Hudaismo. Kung ano ang sinalaysay ng 2 Macabeo sa isa at kalahating kabanata, pinalawig naman ng 4 Macabeo ito sa 14 na kabanata ng mga diyalogo at usaping pampilosopiya. Binuo muli ng 4 Macabeo ang istorya bilang isang katwiran at lohika: gagantimpalaan ang mga martir sa kabilang-buhay, kaya makatuwiran ang patuloy na pagsunod sa batas ng mga Hudyo, kahit may panganib ng pagpapahirap at kamatayan.

Pagiging kanoniko

baguhin

Nagkaroon ng maliit na impluwensya ang 4 Macabeo sa kalaunang Hudaismo. Humina ang Hudaismong Helenistiko sa paglipas ng panahon, at hindi sinalin ang aklat sa Hebreo sa panahon nito. Napabilang ito sa Masoretikong kanoniko ng mga kasulatang Hebreo, ang Tanakh, at kaya, hindi tinuring ito ng mga Hudyo na kanoniko. Hindi kumalat ang mga kuwento ng mga martir sa mga Hudyo sa mga panitikang rabiniko, subalit malamang mula sa malayang tradisyon sa halip na diretso sa 4 Macabeo.[1][2]

Napreserba ang gawa sa karamihan ng mga Kristiyano.[3] Interesado ang mga sinunang Kristiyano sa parehong kuwento ng pagiging martir at sa pangkahalatang paghanga sa Stoisismo. Mukhang pinagpapahalagaan ang aklat sa sinaunang simbahang Kristiyano: pinamalas ng mga sermon at gawa nina Juan Crisostomo, Gregorio Nacianceno, at Ambrosio ang pagiging pamilyar sa 4 Macabeo.[1] Taglay ng popular na Pagiging Martir ni Policarpo ang maraming pagkakatulad sa mga kuwento ng 4 Macabeo.[1][4] Sa kabila ng pagkalat nito sa mga sinaunang pamayanang Kristiyano na ginamit ang mga bersyong Septuaginta na kabilang ang 4 Macabeo, pangkalahatang mas nagdududa ang mga konseho ng simbahan. Hindi nila ibinilang ang gawa bilang kanoniko o deuterokanoniko. Bilang isang resulta, hindi ito naging kanong pambibliya para sa makabagong Kristiyano.

Mga pananda

baguhin
  1. Griyego: Μακκαβαίων Δʹ, romanisado: Makkabaíōn 4
  2. Griyego: περί αύτοκράτορος λογισμού, romanisado: Perí áftokrátoros logismoú

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Hadas 1953, p. 123–127 (sa Ingles)
  2. deSilva 1998, p. 143–149 (sa Ingles)
  3. Hadas 1953, p. 113–115 (sa Ingles)
  4. deSilva 1998, p. 149–154 (sa Ingles)