Elias
Si Elias (Ebreo: Eliyahu; Arabe: Ilyas; Ingles: Elijah) ay isang propeta sa Kaharian ng Israel noong pamumuno ni Ahab (ika-9 siglo BC), ayon sa Aklat ng mga Hari.
Ayon sa Aklat ng mga Hari, ipinagtanggol ni Elias ang pagsamba kay Yahweh sa halip na sa mas sikat na si Baal, nagpabuhay siya ng mga patay, nagpababa siya ng apoy mula sa langit at umakyat siya sa mga ulap dala ng isang ipo-ipo (maaaring sinamahan ng isang kalesa at mga kabayong nagliliyab, o sakay mismo nito).[1] Sa Aklat ni Malakias, ang pagbabalik ni Elias ay tinatayang "bago ng pagdating ng dakila at napakasamang araw ng Panginoon,"[2] at sa gayon siya ang tagapagbalita ng Mesiyas, at ng tungkol sa "katapusan" para sa mga iba't ibang pananampalataya na nananalig sa Ebreong Bibliya. May mga kaugnayang pagbabanggit kay Elias na matatagpuan sa Talmud, [[1]], Bagong Tipan at sa Koran.
Sa Islam
baguhinSi Ilyas ay isang Islamikong propeta na binabanggit sa Koran. Tinatanaw siya ng mga Muslim bilang ang propetang nauna kay Eliseo, kilala sa Islam bilang Al-Yasa. Kahit na hindi binabanggit ng Bibliya ni ng Koran ang kaangkanan ni Elias, ang ilang mga eksperto sa Islam ay naniniwalang siya ay malamang na nanggaling mula sa saserdoteng mag-anak ni Aaron (Harun).[3] Ipinahihiwatig din na si Elias ay pinalaki upang maging propeta ng mga Israelita, pagkatapos ng pagkamatay ng dakilang propetang hari na si Salomon (Sulayman).
Tingnan din
baguhin- Eliseo, alagad ni Elias at humalili kay Elias