Jehoram
Ang Jehoram o Joram (nangangahulugang "itinataas si Jehova" sa Hebreong Pambibliya) ay pangalan ng ilang indibiduwal sa Tanakh. Ang bersyong babae ng pangalan na ito ay Atalia o Athaliah.
- Ang anak ni Haring Toi ng Hamat na ipinadala ng kanyang ama upang batiin si David sa okasyon ng kanyang tagumpay laban kay Hadadezer (2 Samuel 8:10)
- Jehoram ng Israel o Joram, Hari ng Israel (namuno c. 852/49–842/41)
- Jehoram ng Juda o Joram, Hari ng Juda (namuno c. 849/48–842/41)
- Isang Levita sa pamilya ni Gershon (1 Cronica 26:25)
- Isang pari na ipinadala ni Josafat upang magtagubilin sa bayan ni Juda (2 Cronica 17:8)