Jotham
Si Jotham o Yotam (Hebreo: יוֹתָם, Moderno: Yōtam, Tiberiano: Yōṯām; Griyego: Ιωαθαμ, romanisado: Ioatham; Latin: Joatham) ay isang hari ng Kaharian ng Juda na anak ni Uzziah. Ayon sa 2 Hari 15:30,siya ay naghari ng mga 20 taon. Ayon naman sa 2 Hari 15:33, siya ay naghari ng 16 taon sa edad na 25. Ayon sa 2 Kronika 26:16-21, ang kanyang amang si Uzziah ay tinubuan ng ketong dahil sa pagsalangsang laban sa Panginoon dahil sa pagsusunog ng kamangyan sa dambana ng kamangyan na itinalaga lamang para sa mga saserdote na mga inapo ni Aaron. Ayon sa 2 Kronika 27:2, si Jothan ay "gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, ayon sa lahat na ginawa ng kaniyang amang si Uzzias: gayon ma'y hindi siya pumasok sa templo ng Panginoon, At ang bayan ay gumawa pa ng kapahamakan."
Jotham | |
---|---|
Jotham mula sa sining ni Guillaume Rouillé' na Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553 | |
Panahon | c. 750 – 735 BCE |
Sinundan | Uzziah |
Sumunod | Ahaz |
Ama | Uzziah |
Ina | Jerusha (or Jerushah) |