Lansangang-bayang N180

(Idinirekta mula sa Lansangang N180 (Pilipinas))

Ang Pambansang Ruta Blg. 180 (N180) ay isang pambansang daang sekundarya na nakapaloob sa sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan ito mula Cubao, Lungsod Quezon patungong Ermita, Maynila. May kabuoang haba ito na 9 kilometro (6 milya)

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Sinusunod ng N180 ang rutang tumatahak sa mga distrito ng Cubao at New Manila sa Lungsod Quezon, at mga distrito ng Santa Mesa, San Miguel, Quiapo, at Ermita sa Maynila. Ini-uugnay nito ang mahahalagang mga paroroonan sa ruta, at dumaraan sa pusod ng Maynila. Tutuloy ang lansangan pakanluran bilang Abenida Padre Burgos (N180) at pasilangan bilang karugtong ng Bulebar Aurora (N59).[1]

Dumaraan sa ibabaw ng malaking bahagi ng ruta ang Ika-2 Linya ng Maynila, gamit ang panggitnang harangan (center island) sa maraming mga bahagi nito.

Mga bahagi

baguhin
 
N180 bilang Bulebar Aurora

Simula sa Cubao, susundan ng N180 ang Bulebar Aurora bilang isang pang-apatang lansangan na daraan sa mga sangandaan sa New Manila kabilang ang Kalye Balete at Abenida Gilmore (N184). Daglian naman ito daraan sa San Juan at babagtasin ang pangunahing mga tagpuan tulad ng Kalye Juan Ruiz. Tatapos ito sa sangandaan nito sa Abenida Gregorio Araneta (N130) kung saang tutuloy ito pakanluran pagkaraan ng sangandaan bilang Bulebar Magsaysay. Dumaraan ang Ika-2 Linya ng Maynila sa kabuuan nito. Ang haba ng bahaging ito ay 4 kilometro (2 milya).[2]

 
N180 bilang Bulebar Magsaysay

Pagkapasok nito sa Santa Mesa, Maynila, ang N180 ay magiging Bulebar Magsaysay na isang lansangang walo ang mga landas at dumadaan sa mga sangandaan tulad ng Kalye Victorino Mapa (N141) at Kalye Pureza bago tatapos sa Abenida Lacson (N140). Tatapos ito nang tuluyan sa Magsaysay Boulevard–Legarda Street Flyover sa San Miguel kung saang tutuloy ito pakanluran bilang Kalye Legarda. Dumaraan ang Ika-2 Linya ng Maynila sa kabuuan nito. Ang haba ng bahaging ito ay 4 kilometro (2 milya).[3]

Pagtawid nito sa Palitan ng Nagtahan sa San Miguel, Maynila, tutuloy ang N180 bilang Kalye Legarda na isang pang-apatang lansangan na dumaraan sa mga sangandaan tulad ng Kalye Earnshaw (N141) at Abenida Recto (N145) bago matapos sa Kalye Nepomuceno na dagliang hahalili sa ruta. Dumaraan ang Ika-2 Linya ng Maynila sa bahaging Abenida Lacson–Kalye Earnshaw, at pagkaraan nito ay lilihis ito patungong Abenida Recto sa kanluran. May haba itong 2 kilometro (1 milya).[3]

 
N180 bilang Kalye P. Casal

Daglian na magiging Kalye Nepomuceno ang N180 hanggang sa panulukan nito sa Kalye Pascual Casal na hahalili sa ruta. 0.13 kilometro (0.08 milya) ang haba ng bahaging ito.[3] Mula rito, daraan ang N180 sa Kalye Pascual Casal hanggang sa tatawid ito sa Tulay ng Ayala sa ibabaw ng Ilog Pasig. May haba namang 0.521 kilometro (0.324 milya) ang bahaging ito.[3]

Mula sa Tulay ng Ayala, hahalili ang Bulebar Ayala sa rutang N180 hanggang sa babagtasin nito ang Abenida Taft (N170).[3]

Ang huli at maikling bahagi ng N180 ay ang Finance Drive na nagsisimula sa sangandaan nito sa Abenida Taft at nagtatapos sa Abenida Padre Burgos (N150) kung saang sasanib ito hanggang sa Look ng Manila.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Brief History of National Roads in the Philippines" (PDF). Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Pebrero 21, 2017. Nakuha noong Pebrero 20, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Quezon City 2nd". 2016 DPWH data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2017. Nakuha noong Agosto 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 "North Manila". 2016 DPWH data. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 13, 2017. Nakuha noong Agosto 13, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)