Kalye Balete
Ang Kalye Balete (Ingles: Balete Drive, Kastila: Calle Balete) ay isang daan at pangunahing lansangan sa distrito ng New Manila, Lungsod Quezon, Pilipinas. Isa itong abenidang pantahanan na may dalawang linya (isa sa bawat direksiyon) at walang panggitnang harangan. Isa itong pangunahing ruta ng mga dyipni at taksikab na dumadaan sa silangang bahagi ng New Manila. Ini-uugnay nito ang mga daan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr., Bulebar Aurora, at Kalye Nicanor Domingo sa Lungsod Quezon. Ang kabuuang haba nito ay 1.3 kilometro (0.81 milya).
Kalye Balete (Balete Drive) | |
---|---|
Calle Balete | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng DPWH – Quezon City 2nd Engineering District | |
Haba | 1.3 km (0.8 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Dulong walang lagusan (dead end), 160 metro (520 talampakan) hilaga ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr. |
Dulo sa timog | Kalye Nicanor Domingo |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Kilalá ang daan sa mga kabahayang Kastila na may katandaan at mga dantaon na ang nakararaan, at mga punong balete na dating nakalinya sa kahabaan ng daan. Kilalá rin ito sa mga alamat urbano ukol sa isang multong babaeng nakaputi.
Kasaysayan
baguhinIpinangalan ang daan sa isang higanteng punò ng balete na dáting nakatayo sa gitna ng daan, noong hindi pa ito itinatayo. Bagama't hindi pa tiyak kung kailan ito itinayo, nakasemento at nakaaspalto na ang Kalye Balete at naging isang pangunahing lansangan ng Kamaynilaan noong panahon ni dáting Pangulo Ferdinand Marcos. Dahil sa mga lumang bahay (na mula pa sa panahon ng mga Kastila) na makikita sa Kalye Balete, sinasabi na itinayo ang daan noong panahon ng Kastila sa hulíng bahagi ng ika-19 na dantaon.
Paglalarawan ng ruta
baguhinDinudugtog ng Kalye Balete ang kahabaan ng ruta sa pagitan ng Abenida Eulogio Rodriguez Sr. at Kalye Nicanor Domingo sa New Manila, Lungsod Quezon. Ang kanto ng Kalye Balete sa Abenida Eulogio Rodriguez Sr. ay isang aktibong pook na pangnegosyo na inusbungan ng mga restorang fast food at iba pang establisimiyento. Ang kabuuan ng abenida ay nililinyahan ng mga lumang mansyon at establisimiyentong komersiyal.[1]
Nagsisimula ang abenida sa isang dulong walang lagusan (dead end) sa tabi ng Sapang Diliman 160 metro (520 talampakan) hilaga ng sangandaan nito sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr.[2] Dumadaan ito sa direksiyong hilaga-hilagang-kanluran pa-timog-timog-silangan (NNW to SSE), hanggang sa matapos ito sa sangandaang hugis-T (T-junction) sa Kalye Nicanor Domingo malapit sa San Juan Reservoir.[3] Ang pangunahing daan na bumabagtas rito ay Bulebar Aurora na isang pangunahing lansangan na papuntang Cubao at EDSA sa silangan at Abenida Gregorio Araneta at Maynila sa kanluran. Matatagpuan ang Estasyon ng Betty Go-Belmonte ng Linya 2 sa layong 330 metro (1,080 talampakan) silangan ng sangandaang ito.
Pagiging pambansang daang tersiyaryo
baguhinAlinsunod sa ipinatutupad na sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH), itinakda bilang isang pambansang daang tersiyaryo ang malaking bahagi ng Kalye Balete, mula Abenida E. Rodriguez Sr. hanggang Kalye Nicanor Domingo.[4]
Mga palatandaang pook
baguhinIlan sa kilalang mga palatandaang pook na makikita sa kahabaan ng abenida ay ang pangunahing punong-tanggapan ng BusinessWorld (sa 95 Balete Drive Extension), Baliwag Lechon Restaurant (sa kanto nito sa Abenida E. Rodriguez Sr.), at Bahay Sentenaryo (sa 45 Balete Drive).
Kuwentong kababalaghan
baguhinNoong nakaraan, nililinyahan ang abenida ng mga malalaking puno ng balite na nagpadilim nang husto sa lugar kung kaya nagmumukhang "nakakatakot" ito para sa mga taga-Maynila. Sa Pilipinong kuwentong bayan, ang mga nasabing puno ay pinaniniwalaang "tahanan ng mga kaluluwa at misteryosong nilalang".[1] Mula noong dekada-1950, ikinalat ang mga samu't-saring alamat at kuwentong bayan na ang Kalye Balete ay minumulto.[5]
Inilalarawan ng karamihan sa mga alamat ang isang multo ng babaeng nakaputi, isang tanyag na tauhan sa Pilipinong kuwentong bayan, na umano'y nagmumulto sa mga drayber ng taksi "nang habambuhay". Ayon sa alamat, ang multo ay isang babaeng tinedyer na nasagasaan at napatay ng isang drayber ng taksi noong isang gabi, at pagkatapos ay inilibing siya sa isang punong balite sa nasabing abenida.[6][7] Iginigiit ng isang anyo ng nasabing alamat na ginahasa at pinatay ng isang drayber ng taksi ang isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, at sinasabing gumagala ang kanyang kaluluwa sa abenida na naghahanap ng nagpaslang sa kanya. Iginigiit naman ng isa pang anyo ng kuwento na may isang babaeng residente ng isa sa mga ancestral mansion sa Kalye Balete na inapi at pinatay ng kanyang sariling pamilya at nagmumulto ngayon sa daanan na naghahanap ng tulong sa mga dumaraang drayber. Sang-ayon sa isang bulung-bulungan, ang alamat ng Kalye Balete ay "inimbento ng isang mamamahayag noong taong 1953 upang makapaglabas ng isang kawili-wiling kuwento".[1][7]
Noong 2005, iminungkahi ni Regina Celeste San Miguel, isang opisyal ng Barangay Mariana na sumasakop sa Kalye Balete, na maaaring gamitin ng lungsod ang mga nabanggit na alamat upang makapaghikayat ng turismo sa pamamamagitan ng pagdedeklara ng buong abenida bilang "nagmumulto" at upang magagamit ito sa mga handaan sa Gabi ng Pangangaluluwa.[6]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Sanchez, Shaina (5 Hulyo 2013). "The Story Behind the White Lady in Balete Drive". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-12-09. Nakuha noong 26 Hunyo 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kamuning Road". Google Maps. Nakuha noong 18 Abril 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Balete Drive". Google Maps. Nakuha noong 18 Abril 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quezon City 2nd". Department of Public Works and Highways. Nakuha noong 14 Marso 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Myths Surrounding Balete Drive". Philippines Guide. Nakuha noong 14 Nobyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Yap, Dj (1 Nobyembre 2005). "Balete may be official "haunted" site". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 18 Abril 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 Dianne De Las Casas; Zarah C. Gagatiga (30 Setyembre 2011). Tales from the 7,000 Isles: Filipino Folk Stories. ABC-CLIO. pp. 119–. ISBN 978-1-59884-698-0. Nakuha noong 18 Abril 2012.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Midyang kaugnay ng Balete Drive sa Wikimedia Commons