San Nicolas, Maynila

distrito ng Maynila, Pilipinas

Ang San Nicolas ay isa sa labing-anim na distrito ng lungsod ng Maynila sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa kanlurang gitnang bahagi ng lungsod, sa hilagang pampang ng Ilog Pasig[1] na pinapaligiran ng mga distrito ng Binondo sa silangan, at Tondo sa hilaga at kanluran. Tinuturing pamanang distrito ng Maynila,[2] pinanatili ng pamayanang ito ang ika-19 na dantaong mga lumang bahay, na sinisimbolo ang mga tao na tumira doon, katulad ng mga lumang bahay ng Silay at Vigan.

Mapa ng Maynila na pinapakita ang lokasyon ng San Nicolas.

Noong pambansang senso ng Mayo 1, 2010, umabot ang populasyon ng San Nicolas sa is 44,241 na may 15 barangay na may pangalang numero mula 268 hanggang 276 at mula 281 hanggang 286.[3]

Kasaysayan

baguhin

Ang San Nicolas ay orihinal na isang bayan na pangisdaan na may pangalang Baybay, na sa ibang salitang Tagalog ay nangangahulugang pampang o baybayin.[4] Binanggit ni Regalado Trota Jose, isang dalubhasa sa kasaysayan, ang San Nicolas sa kanyang aklat tungkol sa mga kampana bilang ang dating bayan ng Baybay noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon.[2] Ang San Nicolas ay ang kanlurang bahagi ng unang Nayong Tsino sa Pilipinas, marahil sa mundo.[5] Binondo ang silangang bahagi ng Nayong Tsino, na itinatag noong 1594 ni Goobernador-Heneral Luis Perez Dasmariñas.[5] Dumating ang Orden ng Dominikano sa kanlurang bahagi ng Nayong Tsino noong 1596[5] at itinatag ang San Nicolas noong 1598.[2] Ito ang unang misyon ng mga Dominikano sa labas ng Intramuros.[2]

Noong 1901, sa panahon ng kolonisasayon ng mga Amerikano sa Pilipinas, kinimisyon ang Amerikanong arkitekto at urbanong tagaplanong si Daniel Burnham upang gawin ang Plano ng Maynila.[6] Nagresulta ang plano sa paggawa ng mga lugar at parokya na kinabibilangan ng San Nicolas.[7] Sa makabagong panahon, isa ang San Nicolas sa mga administratibong distrio ng Maynila at bahagi ng ikatlong distritong pambatas ng Maynila.[8] Naging karugtong ang San Nicolas ng pamayanang Tsinong Pilipino sa Binondo.[9]

Mga barangay

baguhin
Barangay Populasyon (2010)[3]
Barangay 268 1,701
Barangay 269 734
Barangay 270 1,162
Barangay 271 515
Barangay 272 1,917
Barangay 273 876
Barangay 274 1,969
Barangay 275 20,932
Barangay 276 2,706
Barangay 281 2,787
Barangay 282 1,215
Barangay 283 2,138
Barangay 284 1,031
Barangay 285 1,225
Barangay 286 3,333

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Manila Reborn - Filipinas Heritage Library". Google Arts & Culture (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Why San Nicolas is Manila's heritage district". Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). 2020-11-02. Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "2010 Census of the Population and Housing - National Capital Region" Naka-arkibo 2012-11-15 sa Wayback Machine., pg. 15. National Statistics Office. Hinango noong 2012-10-11 (sa Ingles).
  4. See, Teresita Ang (2018-11-05). "Behind Binondo's whimsical street names are some amusing stories". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Lustre Jr, Philip M. (2018-02-18). "Where heroes and kin used to tread". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "Historical Background | EMB - National Capital Region" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-04-02. Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "NCR - Regional Profile". Department of Trade and Industry Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-09. Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Torres, Amaryllis T.; Samson, Laura L.; Diaz, Manuel P. (2015). "FILIPINO GENERATIONS IN A CHANGING LANDSCAPE" (PDF) (sa wikang Ingles). Philippine Social Science Council. p. 120. ISBN 978-971-8514-36-8.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "Memory and modernity in San Nicolas District". The Urban Roamer (sa wikang Ingles). 2013-03-30. Nakuha noong 2021-04-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)