Arkitektura

Resulta at proseso ng pagpaplano, pagdidisenyo at pagpapatayo ng mga gusali at iba pang istruktura

Ang arkitektura ay ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Ang mga gawaing pang-arkitektura, sa pisikal na kaanyuan ng mga gusali, ay madalas mapapansin bilang mga simbolo ng kultura at bilang sining. Ang mga sibilisasyon sa kasaysayan ay madalas nakikilala sa kanilang mga pambihirang arkitektura na nananatili hanggang sa kasalukuyan.[1]

Ang Parthenon sa tuktok ng Acropolis, Atenas, Gresya bilang isang halimbawa ng arkitektura.

Ang salitang "arkitektura" ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan.

Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang pagganan o functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon. Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-tatakda, pag-tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.

Ang kasanayan, na siyang nagsimula noong sinaunang panahon, ay ginagamit bilang paraan ng pagpapahayag ng sining ng isang sibilisasyon. Para sa kadahilanang ito, ang arkitektura ay itinuturing rin bilang isang anyo ng sining. Ang mga teksto tungkol sa arkitektura ay isinulat mula noong sinaunang panahon; ang pinakamaagang natitirang teksto tungkol sa mga teorya ng arkitektura ay ang treatise De architectura ng arkitektong Romano na si Vitruvio na isinulat noong ika-1 siglo AD, na ayon sa kaniya, ang isang magandang gusali ay nagtataglay ng firmitas, utilitas, at venustas (katibayan, kagamitan, at kagandahan). Pagkalipas ng ilang dantaon, mas binuo ni Leon Battista Alberti ang kanyang mga ideya, na nakikita ang kagandahan bilang isang obhetibong kalidad ng mga gusali na matatagpuan sa kanilang mga proporsyon.

Kahulugan at etimolohiyaBaguhin

Ang aralin ng arkitektura ay maaring nangangahulugang:

  • Karaniwang tawag sa paglalarawan ng mga gusali at iba pang pisikal na istruktura.
  • Ang agham at sining ng pagdidisenyo ng mga gusali at ilan pa sa ibang mga istruktura.
  • Istilo ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal na istruktura.
  • Isang naguugnay na anyo o istruktura.
  • Ang kaalaman sa sining, agham, teknolohiya, at sangkatauhan.
  • Ang pagdidisenyo ng isang arkitekto, mula sa antas na macro hanggang sa micro (detalye sa konstruksyon at mga kagamitan sa bahay). Ang pagsasanay ng isang arkitekto, kung saan ang arkitektura ay ang pagbibigay ng propesyunal na serbisyo kaugnay sa disenyo at konstruksyon ng mga gusali, o ng mga kapaligirang gawa ng tao.

Ayon kay Vitruvius, ang isang magandang istraktura ay dapat umuugnay sa tatlong prinsipyo na firmitas, utilitas, venustas, na mas kilala sa orihinal na wika – katatagan, kasangkapan, at galak. Katumbas nito sa kasalukuyang wika ay ang:

  • Katibayan – dapat nakakatayo nang matatag at manatili sa mabuting kalagayan.
  • Kagamitan – dapat ay naangkop ito sa kanyang layuning gamit.
  • Kagandahan – dapat ay kasiya-siyang tignan.

Mga sanggunianBaguhin

  1. "Architecture". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). 3 Disyembre 2022. Nakuha noong 6 Marso 2023.

Mga panlabas na linkBaguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.