Ang Abenida East (Ingles: East Avenue) ay isang pangunahing abenida na matatagpuan sa Diliman, Lungsod Quezon, hilaga-silangang Kalakhang Maynila. Dumadaan ito mula hilaga-patimog sa silangang gilid ng Barangay East Triangle. Matatagpuan ang lansangan sa pook-pamahalaan (government area) ng Lungsod Quezon na kilala sa iba't-ibang mga pambansa at panlokal na mga institusyong pampamahalaan, mga opisina, at mga ospital.[1] Matatagpuan din dito ang Hugnayan ng Gusaling Panlungsod ng Lungsod Quezon na matatagpuan sa sangandaan ng abenida sa Daang Elliptical. Itinakda ang abenida bilang isang pambansang daang sekundarya, bilang Pambansang Ruta Blg. N174.


Abenida East
East Avenue
Abenida East sa Diliman, Lungsod Quezon.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Haba2 km (1 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa timog N1 / AH26 (EDSA) / N171 (Abenida Timog) sa Pinyahan
Dulo sa hilaga N170 (Daang Elliptical) sa East Triangle
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N173N175

Kasaysayan

baguhin

Bumubuo ang abenida sa silangang hangganan ng dating ipinapanukalang Diliman Quadrangle na may lawak na 400 ektarya (990-acre) at nakapaloob sa dating Diliman Estate (o Hacienda de Tuason) na binili ng pamahalaang komonwelt ng Pilipinas noong 1939 para maging bagong kabisera ng Pilipinas (bilang Lungsod Quezon) na papalit sa Maynila.[2] Dati itong ipinaplano na maging Central Park ng bagong lungsod na kung saan makikita ang mga bagong gusaling pampamahalaan (bagong palasyo ng pangulo, bagong gusali ng kapitolyo, at bagong gusali ng Kataas-taasang Hukuman) sa loob ng 25 ektaryang (62 acre) sityong patambilog na tinatawag ngayong Quezon Memorial Circle. Ang quadrangle ay hinahangganan ng Abenida North sa hilaga, Abenida East sa silangan, Abenida South (Timog) sa timog, at Abenida West sa kanluran. Ang sityo ay idinisenyo ng mga Amerikanong tagaplano ng lungsod na sina William E. Parsons at Harry Frost, sa pagtutulungan nina Inhinyero AD Williams at mga arkitekto na sina Juan Arellano at Louis Croft. Ang nabanggit na sityo ay magkakaroon din ng 15 ektaryang (37 acre) pambansang eksposisyon sa may sangandaan ng Abenida North at Avenida 19 de Junio (EDSA ngayon, sa kinalalagyan nito nakatayo ngayon ang pamilihang SM City North EDSA).[2] Sa mga nakalipas na dekada nanatiling nakatiwangwang ang Diliman Quadrangle dahil sa kakulangan ng pondo. Magkalipas ng ilang pagbabago, inilipat ang pusod ng Lungsod Quezon sa Novaliches dahil sa mas-mataas na kataasan nito.[3] Pagsapit ng taong 1976, ibinalik ang kabisera sa Maynila, at ang Quezon Memorial Circle ang tanging estruktura na naitayo sa dapat sana'y sityong pang-kabisera.

Paglalarawan ng ruta

baguhin

Ang Abenida East ay isang pang-animan na daang matatagpuan sa pusod ng distritong pampamahalaan ng Lungsod Quezon. Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa EDSA sa silangan ng Abenida Timog sa may hangganan ng East Triangle at Barangay Pinyahan. Tutungo ito pahilaga mula sa sangandaang ito upang tumawid sa Kalye Magalang, Daang NIA, Abenida V. Luna, Kalye Matapang, Daang BIR, Kalye Matalino, Kalye Makatarungan, at Kalye Mayaman patungong Quezon Memorial Circle. Matatagpuan sa paligid ng katimugang bahagi ng abenida ang Estasyong Kamuning ng MRT, tanggapang sentral ng Tanggapan ng Transportasyong-Lupa (LTO), tanggapang sentral ng Lupon sa Pagpaprangkisa at Regulasyon ng Transportasyong-Lupa (LTFRB), mga tanggapan ng Rehiyong IV-A ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), tanggapan ng Pambansang Sangay para sa Pagsasamang Kaalaman (NICA), tanggapan ng Pangasiwaan sa Patalaan ng Lupain (LRA), pangunahing tanggapan ng Pangasiwaan ng Estadístika ng Pilipinas (PSA) at ang pangunahing tanggapan ng Paseguruhan ng mga Manggagawa sa Pribadong Sektor (SSS). Pagkaraang makatawid ng Daang BIR, ang kanlurang bahagi ay dinodomina ng marami pang mga establisimiyentong pamahalaan lalo na mga institusyong medikal, kabilang na ang East Avenue Medical Center, Hugnayang Lungsod Quezon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Heart Center, Philippine Tariff Commission, Gusaling QC ng Laguna Lake Development Authority, National Kidney Transplant Institute, at ang Hugnayan ng Gusaling Panlungsod ng Lungsod Quezon. Nagtatapos ang abenida sa sangandaan nito sa Daang Elliptical.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Business brings more fun in Quezon City". Quezon City Business. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-05-18. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "The 1946 Quezon City world's fair". The Philippine Star. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "25 things you didn't know about Quezon City". The Philippine Star. Nakuha noong 16 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)