Estasyon ng GMA–Kamuning (MRT)
ay isang estasyon sa Manila Line 3 (MRT-3)
(Idinirekta mula sa Estasyong Kamuning ng MRT)
Ang Estasyong GMA–Kamuning o Himpilang GMA–Kamuning, ay isang estasyon sa Linyang Dilaw (MRT-3). Ang himpilan ay isa sa maraming mga himpilang nakaakyat sa lupa. Nagsisilbi ang himpilan para sa Project Areas ng Lungsod Quezon. Bagamat mas malapit sa mga Abenida Timog at Silangan, ipinangalan ito sa GMA Network Center at Daang Kamuning na ilang dipa ang layo mula sa himpilan.
GMA–Kamuning | |
---|---|
Manila MRT Line 3 | |
Pangkalahatang Impormasyon | |
Lokasyon | EDSA, Brgy. Bagong Pag-asa, Diliman, Lungsod Quezon |
Koordinato | 14°38′06.52″N 121°02′36.10″E / 14.6351444°N 121.0433611°E |
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon Metro Rail Transit Corporation |
Pinapatakbo ni/ng | Metro Rail Transit Corporation |
Linya | MRT-3 |
Plataporma | Gilid na batalan |
Riles | 2 |
Konstruksiyon | |
Uri ng estruktura | Tulay (Overpass) |
Akses ng may kapansanan | Mayroon |
Ibang impormasyon | |
Kodigo | Ka |
Kasaysayan | |
Nagbukas | Disyembre 15, 1999 |
Nagsisilbi bilang panlabing-isang himpilan ang GMA–Kamuning para sa mga treng MRT-3 na patungo sa Abenida North at bilang pangatlong himpilan para sa mga treng patungo sa Abenida Taft.
Mga kawing pangpanlalakbay
baguhinMay mga sasakyang de-padyak, dyip, taksi, at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon.
Balangkas ng estasyon
baguhinL3 | Tulay | Tawiran sa pagitan ng mga batalan |
L2 Batalan |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Batalan A | ← Ika-3 Linya papuntang North Avenue | |
Batalan B | → Ika-3 Linya papuntang Taft Avenue → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
Lipumpon | Faregates, Bilihan ng Tiket, Sentro ng Estasyon, Tindahan | |
L1 | Daanan | GMA Network Center, Public-Private Partnership Center, Bureau of Research and Standards |
-
Isang tren habang nasa estasyon
-
Riles ng tren mula sa estasyon
-
Batalan ng estasyon
-
Tanawin ng mga gusali sa Kamuning