Tulay ng San Juanico

Ang Tulay ng San Juanico (Ingles: San Juanico Bridge) ay ang tulay na pinagdudugtong ang mga pulo ng Leyte at Samar sa ibabaw ng Kipot ng San Juanico. Bahagi ito ng Pan-Philippine Highway, at may kabuuang haba itong 2,200 metro (7,200 talampakan)—ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas.[1] Ang tulay ay inihandog kay Imelda Marcos, asawa ni dating pangulong Ferdinand Marcos.[2]

Tulay ng San Juanico
San Juanico Bridge

Ang tanawin ng Tulay ng San Juanico mula Samar patungong Leyte.
Nagdadala ng dalawang linya ng trapikong pansasakyan; mga sidewalk para sa mga naglalakad
Tumatawid sa Kipot ng San Juanico
Pook Santa Rita, Samar
at Tacloban, Leyte
Pinanatili ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan
Disenyo Hugis-arko na truss bridge
Pinakamahabang kahabaan 137 m (449 tal) [kailangan ng sanggunian]
Kabuuang haba 2,200 m (7,200 tal)
Taas 41 m (135 tal)
Simulang petsa ng pagtatayo 1969
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo 1973
Mga koordinado 11°18′10″N 124°58′19″E / 11.30278°N 124.97194°E / 11.30278; 124.97194

Bahagyang nasira ang tulay nang nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Silangang Kabisayaan noong Nobyembre 2013, subalit isinaayos ito muli pagkalipas.

Konstruksyon

baguhin

Ang proyekto ng pamahalaan na $21.9 milyong dolyar na tulay ay ikinontrata sa Construction and Development Corporation of the Philippines (ngayon ay Philippine National Construction Corporation), na kasama ang mga inhinyerong Hapones ay nagsagawa ng mga pag-aaral at dinisenyo ang proyekto sa ilalim ng pagkapangulo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Sinimulan ang pagtatayo ng tulay noong 1969 sa ibabaw ng Kipot ng San Juanico mula Cabalawan, lungsod ng Tacloban hanggang sa bayan ng Santa Rita, Samar. Natapos ang konstruksyon noong 1973.

Pakinabang sa ekonomiya

baguhin

Ang tulay na nagdudugtong ng lungsod ng Tacloban sa Leyte at bayan ng Santa Rita sa Samar ay nagbibigay ng maraming mga magagandang tanawin, lalo na ng Kipot ng San Juanico kasama ang libo-libong mga alimpuyo nito gayundin mga maliliit na pulo ng dalawang lalawigan sa nasabing kipot. Ito ay mga sampung minuto mula sa kabayanan ng Tacloban at mararating sa pamamagitan ng mga pampasaherong dyipni, bus, motor kab o pampribadong sasakyan. Ang tulay ay may 43 agwat at maaaring dumaan sa ilalim ng pangunahin at malaking arko ang mga bangkang katamtaman ang laki. Ang itaas ng nasabing arko ay umaabot sa 41 metro sa ibabaw ng lebel ng dagat.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "San Juanico Bridge, the country's longest". Cebu Network.com. Nakuha noong 13 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sabornido, Lyza (17 Setyembre 2014). "10 Facts You Should Know about San Juanico Bridge in Samar and Leyte". FAQ.ph. Nakuha noong 26 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

baguhin