Lansangang-bayang N916
Ang Pambansang Ruta Blg. 916 o N916 ay isang 11 kilometro (o 6.8 milyang) pambansang daang sekundarya na may dalawa hanggang apat na mga landas at binubuo ng tatlong pangunahing mga karsada sa Lungsod ng Dabaw. Isa ito sa pangunahing mga daan na nag-uugnay ng kanluran at silangang bahagi ng lungsod.[1]
Paglalarawan ng ruta
baguhinBinubuo ang Pambansang Ruta Blg. 916 (N916) ng mga sumusunod na bahagi:
Bulebar Quimpo
baguhinAng Bulebar Quimpo ay isang 4 na kilometro (2.5 milyang) lansangan na nag-uugnay ng AH26 sa Tulay ng Bolton. Mayroon din itong sangandaan malapit sa Tulay ng Bolton na nag-uugnay sa isang daang tersiyaryo na nagsisilbi ring maikling daan sa AH26.
Kalye Leon Garcia
baguhinAng Kalye Leon Garcia ay isang 2 kilometro (1.2 milyang) kalye na nag-uugnay ng N916 sa Agdao Flyover. Nag-uugnay rin ito sa N919 o Abenida Santa Ana sa Uyanguren.
Kalye R. Castillo
baguhinKalye R. Castillo ay isang 5 kilometro (3.1 milyang) kalye na nag-uugnay ng silangan bahagi ng N916 pabalik sa AH26. Ini-uugnay nito ang Agdao sa Lanang.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Davao City". www.dpwh.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-24. Nakuha noong 2018-11-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)