Ekonomiya ng Pilipinas
Ang Ekonomiya ng Pilipinas ang ika-29 pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo ayon sa nominal GDP ayon sa International Monetary Fund 2020 at ang ika-13 pinakamalaking ekonomiya sa Asya. Ang Pilipinas ay isa sa mga umuusbong na merkado at ang ika-3 pinakamataas sa Timog-silangang Asya ng nominal na GDP pagkatapos ng Thailand at Indonesia.
Salapi | Philippine peso (Filipino: piso; sign: ₱; code: PHP) |
---|---|
Calendar year | |
Trade organizations | APEC, ASEAN, WTO, EAS, AFTA, ADB, and others |
Uri ng bansa |
|
Estadistika | |
Populasyon | 109,667,682 (February 2021 POPCOM est.)[3] |
GDP | |
GDP ranggo | |
GDP growth | 4.5 - 5.5% f (2021-2022) |
GDP kada tao | |
GDP kada tao ranggo | |
GDP ayon sa sector |
|
4.5% (April 2021 est.)[4] | |
Populasyon sa ilalim linya ng kahirapan (bilang ng mga pinakamahirap) | |
42.7 medium (2018, PSA)[10] | |
Bilang ng manggagawa | |
Mga manggawa ayon sa trabaho |
|
Kawalang trabaho |
|
Mga pangunahing industriya | electronics assembly, aerospace, business process outsourcing, food manufacturing, shipbuilding, chemicals, textiles, garments, metals, petroleum refining, fishing, steel, rice[16] |
95th (easy, 2020)[17] | |
External | |
Mga niluluwas | $97.8 billion (2018)[18] |
Mga niluluwas na kalakal | semiconductors and electronic products, machinery and transport equipment, wood manufactures, chemicals, processed food and beverages, garments, coconut oil, copper concentrates, seafood, bananas/fruits[19] |
Pangunahing mga kaagapay sa pagluluwas | |
Mga inaangkat | $135 billion (2018)[18] |
Mga inaangkat na kalakal | electronic products, mineral fuels, machinery and transport equipment, iron and steel, textile fabrics, grains, chemicals, plastic[19] |
Pangunahing mga kaagapay sa pagluluwas |
|
FDI stock | |
−$2.518 billion (2017 est.)[13] | |
Gross panlabas na utang | $72.36 billion (2017)[21] |
Mga pinansiya ng Publiko | |
37.6% of GDP (Q2 2019)[22] | |
−2.2% (of GDP) (2017 est.)[13] | |
Mga kinita | 49.07 billion (2017 est.)[13] |
Mga gastusin | $56.02 billion (2017 est.)[13] |
Tulong pang-ekonomiya | $1.67 billion[23] |
| |
Foreign reserves | Padron:DecreaseNegative $104.82 billion (end of MARCH 2021)[29][30] |
Main data source: CIA World Fact Book Ang lahat ng halaga, maliban kung iba ang nakasaad, ay nasa US dollars. |
Pangunahing isinasaalang-alang ang Pilipinas isang bagong industriyalisadong bansa, na may isang paglipat ng ekonomiya mula sa isa batay sa agrikultura patungo sa isa na higit na nakabatay sa mga serbisyo at paggawa. Hanggang noong 2021, ang GDP sa pamamagitan ng pagbili ng pagkakapareho ng kapangyarihan ay tinatayang nasa $1.12 trilyon, ang ika-25 sa mundo.[31]
Kabilang sa pangunahing pag-export ang mga semiconductor at elektronikong produkto, kagamitan sa transportasyon, kasuotan, produktong tanso, produktong petrolyo, langis ng niyog, at prutas. Kabilang sa mga pangunahing kasosyo sa pangangalakal ang Hapon, Tsina, Estados Unidos, Singapore, Timog Korea, Netherlands, Hong Kong, Alemanya, Taiwan, at Thailand. Ang Pilipinas ay pinangalanan bilang isa sa mga Tiger Cub Economies kasama ang Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Thailand. Kasalukuyan itong isa sa pinakamabilis na lumalagong ekonomiya ng Asya. Gayunpaman, nananatili ang mga pangunahing problema, pangunahin na kinakailangang gawin sa pagpapagaan ng malawak na pagkakaiba-iba ng kita at paglago sa pagitan ng iba't ibang mga rehiyon ng bansa at mga socioeconomic class, pagbabawas ng katiwalian, at pamumuhunan sa mga kinakailangang imprastraktura upang matiyak ang paglago sa hinaharap.
Ang ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahang magiging ika-5 pinakamalaki sa Asya at ika-16 pinakamalaking sa buong mundo noong 2050.[32] Habang tinututulan nito ang iba pang mga ulat mula sa HSBC Holdings PLC, na sa taong 2050, ang Pilipinas ay masasabi sa 2050 siguro dahil sa taunang mas mataas na rate ng paglago ng GDP na 6.5%.[33]
Panahong Kastila
Noong panahong Kastila, ang mga Kastila ay nagbigay ng malalaking lupain sa Simbahang Katoliko Romano.
Panahong Amerikano (1900-1942)
Ang Philippine Organic Act ay nag-atas ng striktong paghihiwalay ng simbahan at estado at nag-alis sa Simbahang Katoliko Romano bilang opisyal na relihiyon ng estado. Noong 1904, ang administrasyon ay nagbayad sa Vatican ng $7.2 milyong dolyar para sa karamihan ng mga lupaing hawak ng mga orden ng relihiyon. Kalaunang ipinagbili ito sa mga Pilipino. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay malakas na nakasalalay sa Estados Unidos. Ang ekonomiya ay nakatuon sa pagmimina at pagluluwas ng mga pananim. Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa Estados Unidos noong Hulyo 4,1946.
1950-1965 (Bago si Marcos)
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pananakop ng mga Hapones noong 1942-1945, ang ekonomiya ng Pilipinas ay nagkaroon ng magkakahalong kasaysayan ng ekonomiya. Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya sa Asya noong mga 1950 pagkatapos ng Hapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[34][35]
Elpidio Quirino (1948-1953)
Sa ilalim ng termino ni Pangulong Elpidio Quirino, nagkaroon ng kahanga-hangang rekonstruksiyon ng ekonomiya pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pangkalahatang paglago ng ekonomiya na 9.43 % at lumaking tulong pang ekonomiya mula sa Estados Unidos. Sa ilalim ni Quirino, maraming mga pabrika ang naitatag na nagpataas ng antas ng pagkakaroon ng trabaho at nagbigay sa bansa ng unang imprastrukturang industriyal. Sa pamamagitan ng mahigpit na mga patakaran ng pagtitipid, nagawa niyang patatagin ang piso at balansehin ang budget. Pinalawig ni Quirino ang mga sistemang irigasyon, ipinatayo ang mga plantang hydroelectric sa talong Maria Cristina at Bulacan upang lutasin ang problema sa kuryente sa Luzon, pinabuti ang mga lansangan, itinatag ang bangko sentral at pagbabangkong rural na nagpapautang sa mga magsasaka at negosyante. Nilikha ni Quirino ang Social Security Commission at ng President's Action Committee on Social Amelioration na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong, pautang, at kaginhawaan sa mga mahihirap na mamamayan. Ang kanyang programa ay kinabibilangan ng insurance para sa kawalang trabaho, pagtanda, aksidente at kapansanan, kalusugan, pang-ina at pagpapaginhawa ng estado.
Nabigo si Quirino na lutasin ang pagiging hindi pantay sa lupain at kayamanan lalo nasa mga malalayong pook na rural. Ang problemang ito ang paktor na nagtulak sa paghihimagsik ng Hukbalahap.
Ramon Magsaysay (1953-1957)
Bilang Pangulo, nilinang ni Pangulong Ramon Magsaysay ang malapit na pakikipagugnayang ekonomiko at panseguridad ng Pilipinas sa Estados Unidos. Ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ay 7.13 %.Dahil sa malubhang pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga lupain at kayamanan sa mga mahihirap na mamamayan, nagpakilala siya ng mga reporma sa lupain ngunit ang mga ito ay patuloy na hinaharang mga konserbatibong kasapi ng Kongreso ng Pilipinas na may-ari ng mga lupain na kumakatawan sa kanilang pansariling interes.
Gayunpaman, nagawang makakuha ni Magsaysay ng mga tirahang lupain para sa mga walang tahanang magsasaka, nagawang pabagsakin ang presyo ng mga bilihin at nagawang hatiin ang mga malalaking estadong lupain.
1965-1986 (Pamumuno ni Ferdinand Marcos)
Ang mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya, talamak na korupsiyon at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehime ni Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 ang nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[35] Sa ilalim ni Ferdinand Marcos nang ang ekonomiya ng Pilipinas ay kauna-unahang nakaranas ng negatibong pag-unlad mula 1984.[36] Ang implasyon ay nasa 65%.[36]
Ang opisyal na palitan ng piso-dolyar noong 1965 ay 3.90 piso kada dolyar[37] ngunit bumagsak sa 19.030 kada dolyar noong 1985[37] at 20.53 piso kada dolyar nang mapatalsik si Marcos noong 1986.[36][37] Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang paglago ng GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ng pamumuno ni Marcos ay 1.8% lamang.[38] Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasadlak sa krisis pang-ekonomiya noong mga 1970 dahil sa sinasabing paggastos ni Marcos ng mga pondong pampamahalaan sa kanyang muling pagtakbo bilang Pangulo.[39] Dahil hindi mabayaran ng administrasyon ni Marcos ang utang pandayuhan ng bansa, siya ay nakipag-ayos na pabagsakin ang halaga ng piso sa ₱6.40 kada US dolyar. Noong mga 1970, ang pangkalahatang pagtaas sa mundo ng mga presyo ng hilaw na materyal ay nakatulong sa ekonomiya. Napanatili ng pagmamanupaktura ang 6 porsiyentong rate ng paglago noong mga huling 1960 ngunit mababa sa ekonomiya sa kabuuan. Ang pagluluwas ng mga produkto ay lumago rin. Ang pampublikong sektor ay gumampan ng mas malaking papel sa ekonomiya noong mga 1970 dahil sa paggastos ng pamahalaan sa GNP ng mga 40 porsiyento. Upang suportahan ang ekonomiya, si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan.[39] Nang maging Pangulo si Marcos noong 1965, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay mababa sa dalawang bilyong dolyar. Nang mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986, ang utang na pandayuhan ng Pilipinas ay umabot ng 28 bilyong dolyar. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025.[40] Ayon sa mga ulat, ang 33% ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa ni Marcos at kanyang mga crony.[41] Sa pagpapatupad ng Bagong Lipunan, kinumpiska ni Marcos ang mga negosyo ng "oligarkiyang Tsino at Espanyol" ngunit ang mga ito ay napunta naman sa mga kasapi ng pamilya Marcos at mga malapit na kaibigan na naging ang bagong oligarkiya.[42][43] Sa ilalim ng Martial Law, ginawang pambansa o pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong malalaking korporasyon gaya ng PLDT, PAL (Philippine Airlines), Meralco, Fortune Tobacco, San Miguel Corporation at iba pa na naging mga pag-aari ng pamilyang Marcos.[43][44] Sinasabing ang PAL o Philippine Airlines ay ginawang virtual private commuter line para kay Imelda Marcos at mga kaibigan niya para sa kanilang mga pagshoshopping sa New York at Europa.[45] Itinatag ni Marcos at kanyang mga crony ang "kapitalismong crony" at mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko, tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa. Sinasabing ang pagtatag ni Marcos ng mga monopolyo ang malalang nagpalumpo ng ekonomiya ng Pilipinas.[39] Ang mga magsasaka ng asukal at buko ay napilitan lamang magbenta ng kanilang mga produkto sa mga monopolyong itinatag ni Marcos sa mas mababang presyo kesa sa presyong pandaigdigan. Ang mga opiser ng militar ay inilagay ni Marcos sa lupon ng mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media.[43] Sa pagdedeklara ni Marcos ng Martial Law noong 1972, nangako siya ng reporma sa lupain ngunit nang mapatalsik siya sa pagkapangulo noong Pebrero 1986, ang 50,000 hanggang 70,000 hektarya lamang ng lupain ang naipamahagi sa mga maliliit na magsasaka mula sa 10.3 milyong hektarya ng pribadong lupain at mula sa 17 milyong hektarya ng lupaing pampubliko.Noong 1975, ang 57% ng mga pamilyang Pilipino ay iniulat na mahirap.[41] Noong 1985, ang 60% ng populasyon ng Pilipinas nasa ilalim ng linya ng kahirapan.[46]
1986-1992 (Pamumuno ni Corazon Aquino)
Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo, agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ni Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas. Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar. Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.[47] Noong 1989, ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga industriyang pag-aari ng pamahalaan. Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4 porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito. Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.8 porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino. Ang mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.[46] Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan. Sa huling taon ni Aquino, ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang trabaho ay 10 porsiyento. Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel, mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.[46] Noong 1986, nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain. Bago ng pagluklok ni Aquino, ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay-ari ng 80 porsiyento ng lupain.[46] Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain.[46] Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain. Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa loob ng 30 taon. Ito ay nag-iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain. Ang Hacienda Luisita na isang 6,453-hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggawa nito. Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga. Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1998 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas. Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya.[46] Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay. Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan.[46] Sa ilalim ni Aquino, ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ay hindi rin nasugpo at ang cronyismo, padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.[46]
1992-1998 (Pamumuno ni Fidel Ramos)
Ipinatupad ni Pangulong Fidel Ramos ang inatas ng IMF-World Bank na programang repormang tinatawag na "Philippines 2000" na naglalayong baguhin ang ekonomiyang batay sa agrarian tungo sa isang industriyal na pinapatakbo ng pamilihan.[48] Sa ilalim ng pamumuno ni Ramos mula 1992 hanggang 1998, ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.1 porsiyento.[47] Tinangka ng administrasyong Ramos na akitin ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa pamamagitan ng mga reporma sa batas at piskal na nagpapanatili sa mga sahod na mababa at nagpapalawig ng sonang nagpoproseso ng pagluluwas. Ang mga kasuotan at elektronics ay bumubuo ng 50 porsiyento ng mga pagluluwas ng Pilipinas. Binuwag ni Ramos ang mga monopolyo at ginawang pribado ang mga mahahalagang industriya. Gaya ni Corazon Aquino, umutang si Ramos mula sa IMF upang bayaran ang utang pandayuhan ng Pilipinas. Sinasabing ang paglago ng utang pandayuhan ng Pilipinas ay kawalang kakayahan ng pamahalaan na lumikom ng mga buwis at ang Pilipinas ay may pinakamataas na rate ng pagtakas sa pagbabayad ng buwis sa Asya. Ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay pa rin sa 4.2 milyong mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa na nagpapadala ng kanilang sahod sa Pilipinas. Ang mas maraming mga Pilipino ay nagtatrabaho sa ibang bansa kesa sa buong sektor ng pagmamanupaktura sa Pilipinas. Noong 1996, ang GNP rate ay 7.2 porsiyento at ang GDP at 5.2 porsiyento. Ang implasyon ay bumagsak sa 5.9 porsiyento mula sa 9.1 porsiyento noong 1995. Ang Krisis sa Pananalapi ng Asya noong 1997 ay muling nagpabagal ng pag-unlad ng Pilipinas. Ang deficit ng Pilipinas noong 1998 ay umabot ng P49.981 bilyong mula sa surplus na P1.564 bilyon noong 1997. Ang piso ay bumagsak sa P40.89 kada dolyar mula P29.47 kada dolyar.
1998-2001 (Pamumuno ni Joseph Estrada)
Noong 1998, sinubukan ni Pangulong Joseph Estrada(na pangulo mula 1998-2001) na ipagpatuloy ang reporma ni Ramos. Sa ilalim ng pamumuno ni Estrada, ang aberaheng paglago ng GDP ay 2.9 porsiyento mula 1998-2000.[47] Ang administrasyong Estrada ay inakusahan ng cronyism, korupsiyon at inkompetensiya na nagdulot ng kawalang pagtitiwala ng mga imbestor na dayuhan. Ito ay karagdagang napinsala nang sa kanyang ikalawang taon, si Estrada ay inakusahan ng paggamit ng impluwensiya niya sa imbestigasyon ng isang kaibigang nasangkot sa pagmamanipula ng stock market. Ang mga kaguluhan gaya ng mga pambobomba, mga pagdukot, mga klima at iba pa ay nag-ambag sa mga problema sa ekonomiya. Tungo sa dulo ng administrasyon ni Estrada, ang deficit ay dumoble sa 100 bilyong dolyar mula 49 bilyong dolyar noong 1998. Gayunpaman, ang rate ng GNP noong 1999 ay tumaas sa 3.6 porsiyento mula 0.1 porsiyento noong 1998 at ang rate ng paglago ng GDP ay 3.2 porsiyento mula sa -0.5 porsiyento noong 1998. Ang utang ng bansa ay umabot sa 2.1 trilyong piso noong 1999. Ang utang sa loob ng bansa ay P986.7 bilyong piso samantalang ang utang sa mga dayuhan ay umabot sa US$52.2 bilyong dolyar. Sa kadahilanan naman ng impeachment at ang pag-alis ni Pangulong Estrada ay nagdulot ng mababang pag-unlad.
2001-2010 (Pamumuno ni Gloria Macapagal-Arroyo)
Ang administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Gloria Arroyo ay nagtutulak ng mabilis na pag-unlad ng ekonomiya. Sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo mula 2001 hanggang 2010, ang aberaheng paglago ng GDP ng Pilipinas ay 4.7%.[47] Sa kabila ng paglago, ang kahirapan ay lumala sa ilalim ng pamumuno ni Arroyo.[49] Noong 2004, ang ekonomiya ng Pilipinas ay lumago ng 6.1%, na nalampasan ang estima ng pamahalaan. Noong 2005, ang Pisong Pilipino ay nag-appreciate ng 6% ang pinakamabilis sa rehiyon ng Asya. Ngunit, ang pana-panahong pagtaas ng halaga ng langis ay nagpapabagsak ng estima ng pamahalaan kada taon. Noong 2006, ang ekonomiya ay nagpakita ng 5.4% na pag-unlad, ngunit ang mga bagyong dumaan ang nagpabagsak sa sektor ng ekonomiya. Noong Pebrero 2007, nagtala ang merkado ng saping-puhunan ng pinakamataas na puntos sa kasaysayan at nasa 33 kada isang Dolyar ang Piso. Pagkatapos ng pagbagal ng paglago sa 3.8% noong 2008 at 1.1% noong 2009, ang real taon-sa-taong paglago ng GDP ay umahon sa 7.6% noong 2010. Ang paglago ay bumagal noong 2011 sa 3.7 % . Ang mga remittance ng mga OFW ay nasa rate na taunang paglagong 8% at patuloy na bumubuo ng mga 10% ng GDP. ANg taunang paglago ng GDP ay may averaheng 4.6% sa loob ng nakaraang dekada ngunit nangangailangan ng isang mas mataas na pinanatiling landas ng paglago sa ekonomiya na hindi bababa sa 7%-8% kada sa karamihan ng mga pagtatantiya upang makasulong sa pagpapagaan ng kahirapan sa taunang paglago ng populasyon ng Pilipinas na isa sa may pinakamataas na populasyon sa Asya. Ang bahagi ng populasyon na mahirap ay tumaas mula 24.9% hanggang 26.5% sa pagitan ng 2003 at 2009 na katumbas ng karagdagang 3.3 milyong mga mahihirap na Pilipino.[49]
2010-2016 (Pamumuno ni Benigno Aquino III)
Sa ilalim ng pamumuno ni Benigno Aquino III, ang rate ng paglago ng GDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.8 porsiyento[50] na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas rin ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging kompetetibo nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korupsiyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga pamilyang ito ay katumbas ng 76.5 porsiyento ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang ng 25 porsiyento sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 porsiyento at sa Hapon ay 2.8 porsiyento lamang.
Noong 2013, ang rate ng paglago ng GDP ay 7.2 porsiyento mula 6.8 posiyento noong 2012 na ang pinakamalakas na dalawang taon ng paglago ng ekonomiya ng Pilipinas mula noong 1950.[50] Ayon sa SWS Poll, ang kawalang trabaho sa Pilipinas ay tumaas mula 21.7 porsiyento (9.6 milyong katao) noong Setyembre 2013 sa 27.5 porsiyento (12.1 milyong katao) noong Disyembre 2013.
Mga sanggunian
- ↑ "World Economic Outlook Database, April 2019". IMF.org. International Monetary Fund. Nakuha noong Setyembre 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "World Bank Country and Lending Groups". datahelpdesk.worldbank.org. World Bank. Nakuha noong Setyembre 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2021. Nakuha noong Pebrero 3, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 "World Economic Outlook Database, October 2020". IMF.org. International Monetary Fund. Nakuha noong Oktubre 19, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 21, 2020. Nakuha noong Abril 21, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Global Economic Prospects, June 2020". openknowledge.worldbank.org. World Bank. p. 74. Nakuha noong Hunyo 10, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Key Indicators". DTI. Nakuha noong Agosto 26, 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Poverty headcount ratio at national poverty lines (% of population)". data.worldbank.org. World Bank. Nakuha noong Nobyembre 3, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Poverty headcount ratio at $3.20 a day (2011 PPP) (% of population)". data.worldbank.org. World Bank. Nakuha noong Nobyembre 3, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Annual Family Income is Estimated at PhP 313 Thousand, on Average, In 2018". psa.gov.ph. Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Disyembre 13, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Human Development Index (HDI)". hdr.undp.org. HDRO (Human Development Report Office) United Nations Development Programme. Nakuha noong Disyembre 11, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Inequality-adjusted HDI (IHDI)". hdr.undp.org. UNDP. Nakuha noong Mayo 22, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 13.2 13.3 13.4 13.5 13.6 "EAST ASIA/SOUTHEAST ASIA :: PHILIPPINES". CIA.gov. Central Intelligence Agency. Nakuha noong Abril 27, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Employment to population ratio, 15+, total (%) (national estimate) – Philippines". data.worldbank.org. World Bank. Nakuha noong Setyembre 29, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippine Statistics Authority". Nakuha noong Disyembre 20, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manufacturing" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Abril 14, 2016. Nakuha noong Abril 8, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines climbs to 95th spot in World Bank's 'Doing Business' rankings". Philstar. Nakuha noong Nobyembre 3, 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 18.0 18.1 https://oec.world/en/profile/country/phl
- ↑ 19.0 19.1 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangCIAfactbookPhilEcon
); $2 - ↑ Daniel Workman (Marso 27, 2019). "Philippines Top Trading Partners".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PH foreign debt falls to $72.36B in Q3 – BSP – The Manila Times Online". Disyembre 18, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 28, 2017. Nakuha noong Disyembre 27, 2017.
{{cite web}}
: Unknown parameter|archive- url=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Debt-to-GDP ratio slides to 41.7% in Q3 — DOF". Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2017. Nakuha noong Nobyembre 20, 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "NEDA: Foreign aid releases slightly increased in 2011 | Inquirer Business". Business.inquirer.net. Marso 5, 2012. Nakuha noong Oktubre 12, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sovereigns rating list". Standard & Poor's. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 3, 2014. Nakuha noong Mayo 8, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "S&P raises Philippine credit outlook". Philippine Star Business. Abril 28, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rating Action: Moody's upgrades Philippines to Baa2, outlook stable". Moody's Investors Service. Disyembre 11, 2014. Nakuha noong Disyembre 12, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fitch Revises Philippines' Outlook to Positive; Affirms at 'BBB'". Fitch Ratings, Inc. Fitch Ratings – Hong Kong. Nakuha noong Pebrero 11, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fitch Revises the Philippines' Outlook to Positive; Affirms at 'BBB'". Bloomberg. Bloomberg. Disyembre 11, 2017. Nakuha noong Disyembre 11, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "GROSS INTERNATIONAL RESERVES". bsp.gov.ph/statistics/sdds/table12.htm. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 18, 2016. Nakuha noong Mayo 13, 2021.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "MSN NEWS".
- ↑ "Report for Selected Countries and Subjects". imf.org.
- ↑ Martin, Will. "RANKED: These will be the 32 most powerful economies in the world by 2050". Business Insider. Nakuha noong Pebrero 8, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PHL economy projected as 16th biggest by 2050 – HSBC". BusinessWorld. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-21. Nakuha noong 2021-05-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-11-07. Nakuha noong 2013-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 35.0 35.1 http://www.state.gov/outofdate/bgn/philippines/195236.htm
- ↑ 36.0 36.1 36.2 http://articles.latimes.com/1985-07-02/business/fi-724_1_economic-recovery
- ↑ 37.0 37.1 37.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 6, 2013. Nakuha noong Oktubre 12, 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) - ↑ http://books.google.com/books?id=z1cpiEJMAi8C&pg=PA295
- ↑ 39.0 39.1 39.2 http://countrystudies.us/philippines/57.htm
- ↑ http://www.indymedia.org.uk/en/2012/09/500590.html
- ↑ 41.0 41.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-01-27. Nakuha noong 2013-03-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://articles.philly.com/1986-03-05/news/26083701_1_imelda-marcos-land-reform-philippine-troops
- ↑ 43.0 43.1 43.2 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-16. Nakuha noong 2013-11-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ayon kay Imelda Marcos:"We practically own everything in the Philippines, from electricity, telecommunications, airlines, banking, beer and tobacco, newspaper publishing, television stations, shipping, oil and mining, hotels and beach resorts, down to coconut milling, small farms, real estate and insurance, Financial Times, 1998"
- ↑ http://www.zum.de/whkmla/sp/0708/chikyu/chikyu2.html
- ↑ 46.0 46.1 46.2 46.3 46.4 46.5 46.6 46.7 http://news.google.com/newspapers?nid=2209&dat=19920705&id=kZhKAAAAIBAJ&sjid=PJQMAAAAIBAJ&pg=5042,855367
- ↑ 47.0 47.1 47.2 47.3 http://www.gmanetwork.com/news/story/211655/economy/ing-phl-economy-may-average-5-3-from-2010-2016
- ↑ http://www1.umn.edu/humanrts/iwraw/publications/countries/philippines.htm
- ↑ 49.0 49.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 19, 2015. Nakuha noong Marso 20, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 50.0 50.1 http://www.bloomberg.com/news/2014-01-30/philippine-gdp-growth-slowed-last-quarter-on-impact-of-typhoon.html