Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong iyon. Ang produktong tinutukoy ay may kakaibang katangian: (1) walang kagaya sa merkado, (2) isang pangangailangan, (3) at walang diretsong kapalit. Sa makatuwid, may kontrol ang mga monopolista, negosyante na nagmamay-ari ng isang monopolyo, sa malaking porsyento ng kalakalan, at maaari nilang taasan ang presyo ng kanilang binibenta upang makakuha ng mas mataas na kita. Kadalasan, may patent o copyright ang isang monopolyo upang maprotektahan sila at hindi magaya ng iba ang kanilang produkto.[1][2]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. [1]
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-24. Nakuha noong 2011-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.