Gitnang Kabisayaan
Ang Gitnang Kabisayaan (Ingles: Central Visayas) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa mga kapuluan ng Kabisayaan. Binubuo ito ng apat na lalawigan, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor at ng mga nagsasariling lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu, at Mandaue. Katutubong sinasalita ang wikang Sebwano. Ang lungsod ng Cebu ang sentro ng rehiyon.
Gitnang Kabisayaan Tunga-tungang Kabisay-an Rehiyon VII | |
---|---|
Mula itaas-kaliwa hanggang ibaba-kanan: Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu); Balinsasayao Twin Lakes Natural Park (Negros Oriental); Chocolate Hills (Bohol); Salagdoong Beach (Siquijor); | |
Palayaw: | |
Lokasyon sa Pilipinas | |
Mga koordinado: 10°00′N 123°30′E / 10°N 123.5°E | |
Bansa | Philippines |
Pangkat ng mga Pulo | Kabisayaan |
Sentro ng Rehiyon | Lungsod ng Cebu |
Lawak | |
• Kabuuan | 15,895.66 km2 (6,137.35 milya kuwadrado) |
Ranggo sa lawak | ika-13 |
Populasyon (senso ng 2020)[1] | |
• Kabuuan | 8,081,988 |
• Ranggo | 4th |
• Kapal | 510/km2 (1,300/milya kuwadrado) |
• Ranggo sa densidad | ika-3 |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-07 |
Mga lalawigan | |
Mga lungsod | |
Mga Munisipalidad | 116 |
Mga Barangay | 3,003 |
Mga Distrito | 11 |
Mga Wika |
Mga Lalawigan at mga Lungsod
baguhinAng Gitnang Kabisayaan ay binubuo ng 4 na mga lalawigan at 3 mataas na urbanisadong lungsod.
Lalawigan/Lungsod | Kabisera | Wika | Populasyon (2015)[2] |
Lawak (km²) |
Kakapalan (/km²) |
---|---|---|---|---|---|
Bohol | Lungsod ng Tagbilaran | Wikang Sebwano | 1,313,560 | 4,820.95 | 272.5 |
Cebu | Lungsod ng Cebu | Wikang Sebwano | 2,938,982 | 4,943.72 | 594.5 |
Negros Oriental | Lungsod ng Dumaguete | Wikang Sebwano | 1,354,995 | 5,402 | 240 |
Siquijor | Siquijor | Wikang Sebwano | 95,984 | 337.49 | 284.4 |
Lungsod ng Cebu¹ | — | Wikang Sebwano | 922,611 | 315.00 | 2,928.9 |
Lungsod ng Lapu-Lapu¹ | — | Wikang Sebwano | 408,112 | 58.10 | 7,024.3 |
Lungsod ng Mandaue¹ | — | Wikang Sebwano | 362,654 | 25.18 | 14,402.46 |
Bagaman ang Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Mandaue, at Lungsod ng Lapu-Lapu ay kadalasang nakapangkat sa ilalim ng lalawigan ng Cebu para sa layuning estadistikal ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, bilang mga mataas na urbanisadong lungsod sila ay nagsasarili at hindi pinapamahalaan ng lalawigan ng Cebu.
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1990 | 4,594,124 | — |
2000 | 5,706,953 | +2.19% |
2010 | 6,800,180 | +1.77% |
2015 | 7,396,898 | +1.61% |
Nabibilang ang Negros Oriental sa datos ng taong 2015. Source: Philippine Statistics Authority[1][3][4][5] |
Ayon sa pinakahuling senso noong 2015, umabot sa 7 milyon ang populasyon ng Gitnang Kabisayaan. Ang Rehiyon VII ang ikalimang pinakamataong rehiyon ng Pilipinas.
Ang Sebwano ang pinakalaganap na wika sa rehiyon. Nakakaintindi rin ang nakakarami ng Tagalog, Ingles.
Transportasyon
baguhinPandagat
baguhinDahil nahihiwalay ng dagat ang mga lalawigan sa rehiyon, isang malaking industriya sa rehiyon ang transportasyong pandagat. Ang Pantalan ng Cebu ang pangunahing daungan sa rehiyon na siya ring pinakamalaking daungan sa buong Kabisayaan. May mga biyahe rito papunta sa iba't ibang parte ng Kabisayaan, Mindanao at Luzon. Mayroon ring mga daungan sa ibang bahagi ng lalawigan ng Cebu. Marami ring daungan sa Bohol, Negros Oriental at Siquijor. Ilan dito ang mga pantalan ng Dumaguete, Tagbilaran at Larena.
Panghimpapawid
baguhinAng Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu, na matatagpuan sa Lungsod ng Lapu-Lapu, ay ang ikalawang pinakaabalang paliparan sa Pilipinas (pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino) sa Kalakhang Maynila at ang tanging paliparan sa Kabisayaan na may mga pandaigdigang paglipad (maliban sa Paliparang Pandaigdig ng Kalibo).
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1
Census of Population (2015). "Region VII (Central Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities Based on 1990, 2000, and 2010 Censuses Naka-arkibo 2013-09-28 sa Wayback Machine. 2010 Census and Housing Population
- ↑
Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VII (Central Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region VII (Central Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.