National Geographic

Ang National Geographic, na dating National Geographic Magazine, ay ang opisyal na magasin ng National Geographic Society. Inilathala ang unang isyu (unang labas) nito noong 1888, siyam na mga buwan pa lamang pagkaraang matatag ang Society. Mayroon 12 buwanang mga labas ng National Geographic bawat taon, na may dagdag na mga suplementong mapa. Ang magasin ay makukuha na nasa nakaugaliang edisyong nakalimbag nito na nasa papel, o sa pamamagitan ng isang interaktibong edisyong dihital, na makukuha kapag nakalinya sa Internet. Sa kung minsan, naglalabas ng natatanging mga edisyon ng magasin. Naglalaman ito ng mga artikulo hinggil sa heograpiya, agham na popular, kasaysayan, kultura, kasalukuyang mga kaganapan, at potograpiya.

National Geographic
PatnugotChris Johns
KategoryaHeograpiya, Agham, Kasaysayan, Kalikasan
DalasBuwanan
Kabuuang sirkulasyon
(2012)
4,232,205 (USA)[1]
Unang sipiOktubre 1888[2]
KompanyaNational Geographic Society
BansaEstados Unidos
Nakabase saWashington, D.C.
WikaIngles
Websaytngm.nationalgeographic.com
ISSN0027-9358

Sa isang opisyal na pahayag ng National Geographic, ipinahayag na noong kahulihan ng 2011 ang magasin ay pinamumudmod sa buong mundo na may edisyon na nasa tatlumpu’t apat na mga wika at mayroong isang pangglobong sirkulasyon na 8.2 mga milyon.[3] Sa Estados Unidos, ang sirkulasyon ay nasa humigit-kumulang 5 milyon bawat buwan.[4]

Noong Mayo 2007, 2008, at 2010, napagwagian ng magasing National Geographic ang gantimpalang tinatawag na General Excellence Award magbuhat sa American Society of Magazine Editors sa kategorya ng sirkulasyon na nasa mahigit na dalawang mga milyon. Noong 2010, natanggap ng National Geographic Magazine ang “top ASME awards” para sa potohornalismo at sanaysay. Noong 2011, nakamit ng National Geographic Magazine ang pinakamataas na gantimpala magmula sa ASME—ang tinatawag na Magazine of the Year Award.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "eCirc for Consumer Magazines". Audit Bureau of Circulations. Hunyo 30, 2011. Nakuha noong Oktubre 18, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. National Geographic Fact Sheet
  3. "National Geographic Boilerplates". National Geographic. Nakuha noong 18 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "National Geographic Magazines". nationalgeographic.com. Nakuha noong Nobyembre 14, 2011. National Geographic magazine's total monthly circulation is around 8.5 million copies. International circulation is more than 3 million monthly, of which more than 2.1 million copies are in languages other than English.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan, Agham at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.