Ang mga Mangyan ay isang pangkat etniko ng mga Pilipino sa Pilipinas. Ang katawagan sa kanila na Mangyan ay may kaugnayan sa salitang magus at majika dahil may karunungan sila tungkol sa ilang salamangka gaya ng lumay at kulam. Naninirahan sila sa mga liblib na pook ng Mindoro. Itinuturing silang isa sa mga "mahiyaing tribo." Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad. May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro. Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga. Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.


KalinanganPilipinasTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan, Pilipinas at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.