Rehiyon ng Pulo ng Negros

pampangasiwaang rehiyon sa Pilipinas

Ang Rehiyon ng Pulo ng Negros (Ingles: Negros Island Region) ay isang dating pampangasiwaang rehiyon sa Pilipinas na kinapapalooban ng mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental at ng lubos na urbanisadong lungsod ng Bacolod.

Rehiyon ng Pulo ng Negros
Rehiyon sang Isla sang Negros (Hiligaynon)
Rehiyon sa Isla sa Negros (Cebuano)
Dating rehiyon

 

2015–2017
 

Location of Rehiyon ng Pulo ng Negros
Location of Rehiyon ng Pulo ng Negros
History
 -  Itinatag 2015
 -  Binuwag 2017
Ngayon bahagi ng

Noong ika-29 ng Marso 2015, nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183 si Pangulong Benigno Aquino III na pormal na nagtatatag sa rehiyon.[1]

Sangay Pampulitika

baguhin
Lalawigan/Lungsod Kabisera Populasyon
(2010)
Lawak
(km²)
Kapal ng Populasyon
(bawat km²)
Negros Occidental Bacolod¹ 2,396,039 7,965.21 300
Negros Oriental Dumaguete 1,286,666 5,385.53 240
Bacolod¹ 511,820 162.67 3,100

¹ Ang Bacolod ay isang lubos na urbanisadong lungsod, kaya ang bilang ng tao ay hindi isinasama sa Negros Occidental

Ang Negros Occidental ay nahahatì sa 19 bayan at 13 lungsod. Ito ay ang may pinakamaraming lungsod sa lahat ng mga lalawigan sa Pilipinas. Bagama't ang Bacolod ay ang ulunlungsod, ito ay pinamamahalaan na hiwalay sa lalawigan bílang lubos na urbanisadong lungsod.

Samantalang ang Negros Oriental ay nahahati sa 19 bayan at 6 na lungsod, na nahahatì rin sa 557 barangay.

Mga nakapaloob na lungsod

baguhin
Negros Occidental
Negros Oriental
Wikang Sinasalita, 2000[2][3][4]
Wika Nagsasalita '000
Hiligaynon
  
2,107
Cebuano
  
1,513

Kasaysayan

baguhin

Mga unang kurukuro

baguhin

Ang pagtutulak na magkaroon ng iisang islang rehiyon ay sinimulan sa usapan ng dáting Gobernador Bitay Lacson at ang yumaong dáting Gobernador Emilio Macias pagkatapos ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan o Rebolusyong EDSA. Naganap ang usapan sa pagitan nang mga taóng 1986 at hulihan ng kanilang mga panunungkulan ng 1992. Ang sumunod sa kanilang sina dáting Gobernador Rafael Coscoluella at dáting Gobernador ngayo'y Kinatawang George Arnaiz ay nagtulak ng hakbang at tinukoy na ang Lungsod Kabankalan sa Negros Occidental at ang kalapit nitong bayan ng Mabinay sa Negros Orriental ang ang maging kambal-lunsuran ng rehiyon.

Pagkatatag

baguhin

Noong ika-29 ng Marso 2015, ang Pangulong Benigno Aquino III ang naglagda ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 183, na pagsamahin ang dalawang lalawigan ng Negros sa iisang rehiyon. Hinihiwalay nito ang Negros Occidental sa Rehiyon VI at ang Negros Oriental sa Rehiyon VII. Kayâ naging 18 na ang bílang ng mga rehiyon sa Pilipinas.

Ekonomiya

baguhin

Nakasalalay sa produksiyon ng asukal ang ekonomiya ng rehiyon.

Transportasyon

baguhin
 
Paliparan ng Bacolod-Silay

Ang Paliparang Pandaigdig ng Bacolod–Silay at Paliparan ng Sibulan sa Dumaguete ang dalawang paliparan ng rehiyon. Konektado ang mga ito ng mga regular na komersiyal na lipad mula Maynila at Cebu, habang ang Bacolod–Silay ay may regular na koneksiyon sa Davao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Pahayag ni Kalihim Roxas ukol sa Executive Order 183 na lumilikha ng Negros Island Region". Official Gazette. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2015. Nakuha noong 5 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Table 4. Household Population by Ethnicity and Sex: Negros Occidental, 2000
  3. Table 4. Household Population by Ethnicity and Sex: Negros Oriental, 2000
  4. Table 4. Household Population by Ethnicity and Sex: Bacolod City, 2000