Dagliang halalan

halalang ginanap na mas maaga sa inaasahang panahon

Ang dagliang halalan o snap election ay isang halalang ipinatatawag nang higit na maaga kaysa sa inaasahan. Karaniwan itong tumutukoy sa halalan sa isang sistemang parlamentaryo, kung saan ito'y ipinatatawag—kahit hindi pa ito itinatakda ng batas o ng nakasanayan—upang magamit ang natatanging pagkakataón o upang makapagpasiyá sa isang mahalagang isyung kinahaharap.

Kakaibá ang dagliang halalan sa recall na halalan, sapagkat ang dagliang halalan ay pagkukusà ng mga politiko, samantalang pagkukusà ng mga naghahalal ang isang recall na halalan.