Pinlandiya
Ang Pinlandiya ( Finnish: Suomi (tulong·impormasyon); Ingles: Finland; Suweko: Finland), na opisyal na tinatawag na Republika ng Pinlandiya, ay isang bansang Nordiko sa rehiyon ng Fennoscandia sa Hilagang Europa. Ang kanlurang hangganan nito ay ang Suwesya, Norwega naman sa hilaga at Rusya sa silangan, habang matatagpuan naman ang Estonya sa timog sa ibayong bahagi ng Look ng Finland.
Republika ng Pinlandiya | |
---|---|
![]() Kinaroroonan ng Pinlandiya (luntiang matingkad) – sa lupalop ng Europa (luntian & abong matingkad) | |
Kabisera | Helsinki |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | |
Kinilalang wikang panrehiyon | Sami (0.03%) |
Relihiyon | Luteranismo |
Katawagan |
|
Pamahalaan | Parlamentaryong republika |
• Pangulo | Sauli Niinistö |
Petteri Orpo | |
Jussi Halla-aho | |
Lehislatura | Eduskunta |
Kasarinlan | |
29 Marso 1809 | |
6 Disyembre 1917 | |
• Pagkakakilanlan ng Sobyetikong Rusya | 4 Enero 1918 |
• Sumapi sa Unyong Europeo | 1 Enero 1995 |
Lawak | |
• Kabuuan | 338,424 km2 (130,666 mi kuw) (ika-64) |
• Katubigan (%) | 10 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2012 | 5,421,827 (ika-112) |
• Senso ng 2000 | 5,180,000 |
• Densidad | 16/km2 (41.4/mi kuw) (ika-201) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2012 |
• Kabuuan | $197.476 bilyon |
• Bawat kapita | $36,395 |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2012 |
• Kabuuan | $250.126 bilyon |
• Bawat kapita | $46,098 |
Gini (2000) | 26.9 mababa |
TKP (2013) | ![]() napakataas · ika-21 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+2 |
• Tag-init (DST) | UTC+3 (EEST) |
Ayos ng petsa | a.b.tttt |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +358 |
Kodigo sa ISO 3166 | FI |
Internet TLD | |
|

Noong 2013, ang populasyon ng Finland ay umabot na ng 5.5 milyon, at ang kalakhang bahagi nito ay naninirahan sa timugang bahagi ng bansa. Ito ang ikawalo sa pinakamalawak na bansa sa Europa. Mahigit 1.4 milyong katao ang nakatira sa Helsinki, ang kabisera nito, at sa mga nakapaligid na bayan nito.
Mula noong ika-12 siglo hanggang 1809, bahagi ng Sweden ang Finland. Naging bahagi naman ito ng ng Imperyo ng Rusya bilang isang Grand Duchy of Finland. Nagdeklara ng kalayaan ang Finland sa kasagsagan ng Himagsikan sa Rusya noong 1917. Lumaban ang Finland kapwa sa Unyong Sobyet noong 1939-1940 (Digmaan sa Taglamig) at 1941-1944 (Karugtong na Digmaan) at sa Alemanyang Nazi noong 1944-1945 (Digmaan sa Lapland). Sumapi sa Mga Nagkakaisang Bansa ang Finland noong 1955, sa Unyong Europeo noong 1995.