Impraestruktura

mga pasilidad at serbisyong naglilingkod sa lipunan

Tumutukoy ang imprastruktura o suludkayarian[1] sa mga pasilidad at sistema na kailangan para suportahan ang isang bansa, lungsod o iba pang lugar,[2] at saklaw nito ang mga serbisyo at pasilidad na kailangan sa pagtatakbo ng ekonomiya, sambahayan, at kompanya nito.[3] Binubuo ang imprastruktura ng mga pampubliko at pampribadong estruktura katulad ng mga daanan, daambakal, tulay, suplay ng tubig, alkantarilya, linya ng kuryente at telekomunikasyon (kasama ang pagkonekta sa internet at broadband). Nabigyang-kahulugan ang imprastruktura bilang "mga pisikal na bahagi ng mga sistemang magkakaugnay na nagbibigay ng mga kalakal at serbisyong kailangan upang paganahin, pasustentuhin, o pahusayin ang mga kondisyon ng pamumuhay ng lipunan" at panatilihin ang kapaligiran.[4]

Ang prinsa ng Upper Tabuating sa Heneral Tinio, Nueva Ecija

Sa konteksto ng mga napakalaking pagbabago sa lipunan na kailangan upang maibsan at umakma sa pagbabago ng klima, nakatuon ang mga usapan sa kontemporaryong impraestraktura sa likas-kayang pag-unlad at berdeng imprastruktura. Yamang kinikilala itong kahalagahan, nakalikha ang internasyonal na komunidad ng mga patakaran na nakatuon sa likas-kayang imprastruktura sa pamamagitan ng Mga Layunin sa Likas-Kayang Pag-unlad, lalo na ang ika-9 na Layunin, "Industriya, Inobasyon at Imprastruktura".

Isang paraan para mailarawan ang mga iba't ibang uri ng imprastruktura ang paghahati sa dalawang uri: kongkreto at abstrakto.[5] Tumutukoy ang kongkretong imprastraktura sa mga pisikal na kabalagan na kailangan upang mapatakbo ang isang modernong lipunang industriyal o industriya.[6] Kabilang dito ang mga kalsada, tulay, at daambakal. Tumutukoy naman ang abstraktong imprastruktura sa lahat ng mga institusyon na nagpapanatili ng mga pamantayan ng bansa sa mga larangan ng ekonomika, kalusugan, lipunan, kalikasan, at kultura.[6] Kasama rito ang mga programang pang-edukasyon, opisyal na estadistika, liwasan at pasilidad pang-aliwan, mga ahensyang nagpapatupad ng batas, at mga serbisyong pang-emerhensya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maugnaying talasalitaang pang-agham Ingles-Pilipino. Lupon sa Agham. 1970. p. 242.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. . Infrastructure | Define Infrastructure at Dictionary.com Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine.
  3. O'Sullivan, Arthur; Sheffrin, Steven M. (2003). Economics: Principles in Action. Upper Saddle River, NJ: Pearson Prentice Hall. p. 474. ISBN 978-0-13-063085-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fulmer, Jeffrey (2009). "What in the world is infrastructure?" [Ano ba talaga ang impraestruktura?]. PEI Infrastructure Investor (sa wikang Ingles) (July/August): 30–32.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dyer, Mark; Dyer, Rachel; Weng, Min-Hsien; Wu, Shaoqun; Grey, Thomas; Gleeson, Richard; Ferrari, Tomás García (Disyembre 2019). "Framework for soft and hard city infrastructures" [Balangkas para sa kongkreto at abstraktong imprastrakturang panlungsod]. Proceedings of the Institution of Civil Engineers - Urban Design and Planning (sa wikang Ingles). 172 (6): 219–227. doi:10.1680/jurdp.19.00021. ISSN 1755-0793. S2CID 209056612.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Hamutak, Luta. "Civil Society Comments on Infrastructure Strategic Sector" [Mga Komento ng Sambayanan ukol sa Istratehikong Sektor ng Imprastraktura] (PDF) (sa wikang Ingles).