Pambansang Aklatan ng Pilipinas
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas o Aklatang Pambansa ng Pilipinas (Ingles: National Library of the Philippines, dinadaglat bilang NLP) ay ang opisyal na pambansang aklatan ng Pilipinas. Ang aklatan ay nasa Ermita sa isang bahagi ng Liwasang Rizal na nakaharap sa Abenida T.M. Kalaw, na katabi ng ilang mga gusaling may kahalagang kultural tulad ng Pambansang Sinupan ng Pilipinas at ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan. Tulad ng mga katabi nito, ang Pambansang Aklatan ay nasa ilalim ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA).
Kilala ang aklatan bilang tirahan ng mga orihinal na kopya ng mga gawaing nagbigay-katuturan kay José Rizal: ang Noli Me Tangere, El Filibusterismo at Huling Paalam (Mi último adiós).
Mga kawing panlabas
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.