Maynila

kabiserang lungsod ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Maynila)

Ang Lungsod ng Maynila ([luŋˈsod nɐŋ majˈnilaʔ], Kastila: Ciudad de Manila, Ingles: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang punong-lungsod at ang pangalawang pinakamataong lungsod ng Pilipinas. Mataas ang pagkaurbanisado, ito ang lungsod na may pinakamakapal na dami ng tao sa buong mundo noong 2019. Tinuturing ang Maynila na isang pandaidigang lungsod at grinado bilang isang Lungsod–Alpha (o AlphaCity) ng Globalization and World Cities Research Network (GaWC).[4][5] Ito ang unang lungsod sa bansa na naka-karta (o may sariling saligang-batas), na itinalaga ng Batas ng Komisyon ng Pilipinas Blg. 183 ng Hulyo 31, 1901. Naging awtonomo ito nang napasa ang Batas Republika Blg. 409, "Ang Binagong Karta ng Lungsod ng Maynila", noong Hunyo 18, 1949.[6] Tinuturing ang Maynila bilang bahagi ng orihinal na pangkat ng mga pandaigdigang lungsod dahil lumawig ang network nitong pang-komersyo sa Karagatang Pasipiko at kumonekta sa Asya ang Kastilang mga Amerika sa pamamagitan ng kalakalang Galeon; nang nagawa ito, tinatakan nito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo na naitatag ang isang hindi naabalang kadena ng ruta ng kalakalan na pumapalibot sa planeta.[7] Ito ang isa sa mga pinakamatao at pinakamabilis na lumagong lungsod sa Timog-silangang Asya[8][2] na may kabuuang populasyon na 1,846,513 sa 486,293 na kabahayan ayon noong senso ng 2020.[2][9]

Maynila

ᜎᜓᜅ᜔ᜐᜓᜇ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ
في أمنيلله

Lungsod ng Maynilà
Manila
(Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila, Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan ng Koreo ng Maynila
(Paikot sa kanan, simula sa taas): Panoramang urbano ng Maynila, Gusaling Panlungsod ng Maynila, Binondo, Palasyo ng Malakanyang, Simbahan ng Tondo, Look ng Maynila, Bantayog ni Rizal, Tanggapan ng Koreo ng Maynila
Watawat ng Maynila
Watawat
Opisyal na sagisag ng Maynila
Sagisag
Palayaw: 
"Perla del Oriente", "The City of Our Affections", "City by the Bay", "La Insigne y Siempre Leal Ciudad"
Bansag: 
Ang Bagong Maynila
Manila, God First
Mapa ng Kalakhang Maynila na inilalarawan ng kinalalagyan ng Maynila.
Mapa ng Kalakhang Maynila na inilalarawan ng kinalalagyan ng Maynila.
Map
Maynila is located in Pilipinas
Maynila
Maynila
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′45″N 120°58′38″E / 14.5958°N 120.9772°E / 14.5958; 120.9772
Bansa Pilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon (NCR)
Lalawigan
DistritoUna hanggang Pang-anim na Distrito ng Maynila
Mga barangay897 (alamin)
Pagkatatag24 Hunyo 1571
Ganap na Bayan
Ganap na Lungsod24 Hulyo 1574
Pista22 Hunyo
Pamahalaan
 • Punong LungsodHoney Lacuña- Pangan
 • Pangalawang Punong LungsodYul Servo
 • Manghalalal1,133,042 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan24.98 km2 (9.64 milya kuwadrado)
Taas16 m (52 tal)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan1,846,513
 • Kapal74,000/km2 (190,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
486,293
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitanatatanging klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan1.10% (2021)[3]
 • Kita₱19,691,552,221.49 (2022)
 • Aset₱73,694,401,449.64 (2022)
 • Pananagutan₱26,765,129,719.17 (2022)
 • Paggasta₱16,047,340,904.58 (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
133900000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Tagalog
Websaytmanila.gov.ph

Sumasakop ng 42.88 na kuwadrado kilometro,[10][11] ang lungsod na ito ay nasa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng Pambansang Punong Rehiyon na nasa kanlurang bahagi ng Luzon. Napalilibutan ang Maynila ng mga lungsod ng Navotas at Caloocan sa hilaga, Lungsod Quezon sa hilagang-silangan, San Juan at Mandaluyong sa silangan, Makati sa timog-silangan at Pasay sa timog. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hong Kong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singapore at mahigit 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Nahahati ang Maynila sa dalawa ng ilog Pasig. Sa depositong alubyal ng ilog Pasig at look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Noong ika-13 siglo, ang lungsod ay binubuo ng mga tindahan at tagatanggap sa may tabi ng baybayin ng ilog Pasig, na nasa hilaga ng mga makalumang pamayanan. Ang opisyal na pangalan na ibinigay ng mga Malay sa lungsod ay Seludong/Selurung, na ginamit din sa isang bahagi sa pulo ng Luzon, at inimumungkahi na ito ang punong bayan/lungsod ng Kaharian ng Tondo. Ang lungsod ay nakilala rin sa pangalan na ibinigay ng mga pangkat etnikong mga Tagalog, ang "Maynila", na unang nakilala bilang "Maynilad". Nagmula ang pangalan sa salitang nila, isang uri ng halamang mabulaklak na tumutubo sa baybayin ng look, na ginagamit sa paggawa ng sabon para sa pakikipagkalakalan; nanggaling ito sa salitang may nila, na may unlaping "ma-" na tumutukoy kung saan ang isang lugar ay mayroong isang bagay na malago (maaaring Sanskrit ang "nila" na "punong indigo").[12] (Ang sinasabing naging pangalan ng halaman ay nilad ay kathang isip lamang.)[13][14]

Noong kapanahunan ng mga Kastila, itinaguyod ang lungsod na may umpok-umpok na pamayanan na pumapalibot sa nagsasanggalang haligi ng Intramuros (nahahaligihan), ang orihinal na Maynila. Ang Intramuros na isa sa mga pinakalumang nagsasanggalang na haligi sa timog-silangan, ay ginawa at pinasyahan ng mga misyonaryong Heswita para hindi masakop ng mga Tsino ang pamayanan at mailigtas ang mga mamamayan. Noong kapanahunan ng Amerikano, ilang pagsasaayos ang isinagawa sa katimugang bahagi ng lungsod at ginamit ang arkitekturang disenyo ni Daniel Burnham. Ang lungsod ay may humigit sa 100 mga parke na nakakalat sa buong lungsod.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang kapuluan ng Pilipinas ng tatlong dantaon simula 1565 hanggang 1898. Noong namalagi ang Britanya sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng dakilang Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging bahagi sa Pitong Taong Digmaan. Nanatiling punong lungsod ng Pilipinas ang Maynila sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga nag-aaklas laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong dantaon at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko patungong Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Nagkakaisang mga Estado ng Amerika ang Pilipinas sa mga Kastila at pinamahalaan ang buong kapuluan ng hanggang 1946.[15] Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang malaking bahagi ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Varsovia, Polonya. Ang rehiyon ng Kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang tarangkahan ng Kutang Santiago sa Intramuros
 
Tanawin ng Maynila noong mga 1665.

Ang Kaharian ng Maynila ay nakilala bilang Gintu (lupain o isla ng mga ginto) o Suvarnadvipa ng mga kalapit na lalawigan. Ang naturing kaharian ay yumabong sa mga huling sandali ng Dinastiyang Ming dulot ng pakikipagkalakalan sa Tsina.[16] Ang Kaharian ng Tondo ay nakagawian bilang kabisera ng imperyo. Ang mga namumuno rito ay itinuturing bilang mga hari, at tinatawag silang panginuan o panginoon, anak banua o anak ng langit, o lakandula, na nangangahulugang "diyos ng kahariang pinamumunuan".

Noong namamayagpag si Bolkiah (1485-1571), ang Sultanate ng Brunay ay nagpasyang wasakin ang Imperyo ng Luzon sa pakikiisa Tsina nang lusubin ang Tondo at itinaguyod ang Selurong (Ngayon ay Maynila) bilang base ng mga Bruneo.[17][18] Sa pamamahala ng Salalila, may itinaguyod na bagong dinastiya para humarap/hamunin ang Kapulungan ng mga Lakandula sa Tondo.[19] Ang kaharian ng Namayan ay itinaguyod bilang alternatibo na may kompederasyon ng mga barangay na biglaan ang pagdami noong 1175 at pinalawig simula sa look ng Maynila hanggang sa lawa ng Laguna. Ang kabisera ng kaharian ay ang Sapa, na ngayon ay kilala bilang Sta. Ana.

Sa kala-gitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga nasasakupang lugar ng kasalukuyang Maynila, ay parte ng isang malawakang pook na umaabot sa hangganan ng karagatan na pinamumunuan ng mga Raha. Namuno sina Rajah Sulayman at Rajah Matanda sa mga komunidad ng Muslim sa timog ng ilog Pasig, at si Lakandula ang namuno sa Kaharian ng Tondo, ang Hindu-Budistang kaharian sa timog ng ilog. Pinagsanib yaong dalawang komunidad ng Muslim at dito naitaguyod ang kaharian ng Maynila. Ang dalawang lungsod-estado ay nagsasalita ng wikang Malay na mahusay makitungo sa sultanate ng Brunay na si Bolkiah, at sa mga sultanate ng Sulu at Ternate.

 
Kalye Escolta, Maynila. Steryoptikal na pananaw, 1899. Kinuha ang litrato noong kapanahunan ng Amerikano
 
Ang pagkawasak ng Maynila, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Maynila ang naging upuang kolonyal na pamahalaan ng Espanya noong opisyal na pinamahalaan ang mga isla ng Pilipinas ng tatlong siglo simula 1565 hanggang 1898. Si heneral Miguel López de Legazpi ang nagpadala ng isang natatanging ekspedisyon at dito nadiskubre ang Maynila. Itinaguyod dito ang kanilang tanggulan, ang Kutang Santiago at kalaunan, pinalawig ang nasasakupan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralan, tirahan, simbahan sa labas ng nagsasanggalang pader at ito ang nagbigay kapanganakan sa Intramuros. Noong inokyupa ng Britanya ang Pilipinas, ang Maynila ay pinamahalaan ng Gran Britanya ng dalawang taon simula 1762 hanggang 1764 na naging parte sa Pitong Taong Digmaan. Ang lungsod ay nanatiling kabisera ng Pilipinas sa pamamahala ng pamahalaang probisyonal ng mga Briton, na kumikilos sa pamamagitan ng mga arsobispo ng Maynila at ng Real Audiencia. Nasa Pampanga ang kuta ng mga armadong rebelde laban sa mga Briton.

Ang Maynila ay nakilala noong may kalakalang Maynila-Acapulco na tumagal ng tatlong siglo at nakapaghatid ng mga kagamitan simula sa Mehiko papunta ng Timog-silangang Asya. Noong 1899, binili ng Estados Unidos ang Pilipinas sa mga Espanyol at pinamahalaan ang buong arkipelago ng hanggang 1946.[15] Noong ikalawang digmaang pandaigdig, nawasak ang malaking parte ng lungsod. Ang lungsod ay ang pangalawang pinakawasak na lungsod kasunod ng Warsaw, Poland noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ang rehiyon ng kalakhang Maynila ay gumanap na entidad na may kasarinlan noong 1975. Ang kasalukuyang alkalde ng lungsod ay si Joseph Estrada.

Isang pandaigdigang lungsod ang Maynila at kilala bilang "Beta+" ayon sa Globalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.[20]

Kasaysayan ng heograpiya

baguhin
 
Ang tunay na plano ni Daniel Burnham sa Maynila.
 
Ang plano ng mga Hispano sa Maynila o "Napapaderang Lungsod"

Bago at noong koloniyalisasyon ng Espanya sa Pilipinas, ang Maynila na ang kabisera ng lalawigang ito na sumasakop sa halos kabuuan ng Luzon, at kinabibilangan ng mga modernong subdibisyong pang-teritoryal ng Pampanga, Bulacan, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Masbate at Marinduque. Kalaunan, ang mga subdibisyong ito ay ginawang mga malalayang lalawigan, at ang Maynila ay naging kasing lawak na lamang ng Kalakhang Maynila. Ang Maynila ay nasa hangganan ng ilang lalawigan pero limiit pa lalo nang ginawang mga munisipalidad ang ilang parte nito at ang Maynila ay kasing lawak na lamang ng kasalukuyang Maynila (maliban na lamang sa Intramuros, ang lokasyon ng tunay na kabisera). Ayon sa kasaysayan ng lalawigang ito, pinangalanan itong Lalawigan ng Tondo na kilala noong kapanahunan ng mga Hispano.

Noong 1853, apat na pueblo o bayan sa lalawigan ng Tondo ay nakipag-isa sa lalawigan ng Laguna at itinaguyod ang pambansang distrito na pinangalanang "Distrito de los Montes de San Mateo" (Distritong kabundukan ng lalawigan ng San Mateo). Ang lalawigan ng Tondo ay pinag-salo sa mga lalawigan ng Cainta, Taytay, Antipolo at Boso-boso, habang ang Laguna ay isinalo sa mga lalawigan ng Angono, Baras, Binangonan, Cardona, Morong, Tanay, Pililla at Jalajala. Dahil pinangalanan ang distritong ito bilang Distrito de los Montes de San Mateo, na sinasabi ng mga katutubo na masyadong mahaba, hindi bumabagay at nalilito ang karamihan na ang bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Tondo ay ang kabisera ng distritong kabundukan ng San Mateo at ng Morong, ay pinalitan ang pangalan nito ng Lalawigan ng Maynila noong 1859.

Noong ipinagbenta ng mga Hispano ang Pilipinas sa mga Amerikano, itinaguyod ang pamahalaang pang-sibil. Kalaunan, ang lalawigan ng Maynila ay isinawalang bisa ng komisyon ng Pilipinas, naging mga munisipalidad ang mga kasapi nito kabilang ang Moring, at dito naitaguyod ang lalawigan ng Rizal. Ilang linggo ang nakalipas at ang bagong anyo ng Maynila ay nakilala na ng buong kapuluan ng Pilipinas at isinalo ang ilang bayan ng lalawigan ng Rizal sa lungsod bilang mga distrito. Ang mga hangganan ng Maynila isinaayos noong 29 Enero 1902. Ang mga pook na kalapit-bayan ng Gagalangin ay naging kasapi ng distrito ng Tondo, kabilang ang Santa Ana na ngayon ay isang malayang distrito. Noong 30 Hulyo ng 1902, ang bayan ng Pandacan ay naging kasapi na ng lungsod bilang distrito. Sa kasalukuyan, mayroong 16 na distritong pang-heograpiya ang lungsod.

Noong ikalawang digmaang pandaigdig, ang Maynila ay ginawang "Open City" at ang mga administratibong hangganan nito ay pinalawak hanggang sa mga kalapit na lungsod at bayan. Pinangalanan itong Malawakang Maynila at naging kasapi nito ang mga distrito ng Bagumbayan (Katimugang Maynila), Bagumpanahon (Sampaloc, Quiapo, San Miguel at Santa Cruz), Bagumbuhay (Tondo), Bagong Diwa (Binondo at San Nicholas), at ang bagong kakataguyod na Lungsod Quezon na hinati sa dalawang distrito at ang mga munisipalidad ng Kalookan, Las Piñas, Malabon, Makati, Mandaluyong, Navotas, Parañaque, Pasay at San Juan ay naging distrito ng Maynila.

Noong 1948, ang Lungsod Quezon ang naging kabisera ng Pilipinas. Kalaunan, noong 29 Mayo 1976, ibinalik ni pangulong Ferdinand E. Marcos ang titulong kabisera ng Pilipinas sa Maynila na hango sa kautusang Presidential Decree No. 940 na nagpapahayag na ang pook na inireseta para sa Kalakhang Maynila sa kautusang Presidential Decree 824 ay ang dapat kalugaran ng ng pambansang pamahalaan.

Base sa kaurian ng panahon ayon sa Köppen, ang Maynila ay mayroon tropikong tag-init at tag-ulan na panahon. Ang Maynila ay nasa tropiko kasama ng buong Pilipinas. Ang lapit nito sa ekwador ay nangangahulugan na ang temperatura ay mababa, kung minsan ay mas mababa pa sa 20 °C at tumataas ng higit pa sa 38 °C. Dahil mataas ang halumigmig, nagiging mas mainit ang panahon.

Datos sa klima ng Maynila, Pilipinas
Buwan Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec Year
Record high °C (°F) 35
(95)
35
(95)
36
(97)
37
(99)
38
(100)
38
(100)
38
(100)
36
(97)
35
(95)
35
(95)
35
(95)
34
(93)
38
(100)
Average high °C (°F) 30
(86)
30
(86)
31
(88)
33
(91)
34
(93)
34
(93)
33
(91)
31
(88)
31
(88)
31
(88)
31
(88)
31
(88)
31
(88)
Average low °C (°F) 21
(70)
21
(70)
21
(70)
22
(72)
23
(73)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
23
(73)
22
(72)
23
(73)
Record low °C (°F) 14
(57)
14
(57)
16
(61)
16
(61)
17
(63)
20
(68)
22
(72)
21
(70)
21
(70)
21
(70)
19
(66)
17
(63)
14
(57)
Precipitation mm (inches) 23
(0.91)
23
(0.91)
13
(0.51)
18
(0.71)
33
(1.3)
130
(5.12)
254
(10)
432
(17.01)
422
(16.61)
356
(14.02)
193
(7.6)
145
(5.71)
2,042
(80.39)
Source: http://www.bbc.co.uk/weather/world/city_guides/results.shtml?tt=TT002730 28-03-10

Demograpiya

baguhin

Kapal ng populasyon

baguhin
Senso ng populasyon ng
Maynila
TaonPop.±% p.a.
1903 219,928—    
1918 285,306+1.75%
1939 623,492+3.79%
1948 983,906+5.20%
1960 1,138,611+1.22%
1970 1,330,788+1.57%
1975 1,479,116+2.14%
1980 1,630,485+1.97%
1990 1,601,234−0.18%
1995 1,654,761+0.62%
2000 1,581,082−0.97%
2007 1,660,714+0.68%
2010 1,652,171−0.19%
2015 1,780,148+1.43%
2020 1,846,513+0.72%
Sanggunian: PSA[21][22][23][24]

Sa populasyong 1,660,714 sa lawak na 38.55 km², ang Maynila ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na nahihigitan ang lahat ng pangunahing lungsod ng mundo na may 43,079 katao/km².[25] Ang ika-6 na distrito ang may pinakamalaking kapal ng populasyon na may 68,266 katao/km² at sumunod ang una at ikalawang distrito (kabuuan ng Tondo) na may 64,936 (una) at 64,710 (ikalawa) katao/km². Ang ikalimang distrito ang may pinakamaliit na kapal ng populasyon na may 19,235 katao/km².[11]

Ang kapal ng populasyon ng Maynila ay nahihigitan ang mga lungsod na Paris (20,164 katao/km²), Shanghai (16,364 katao/km², sa distritong Nashi ang may densidad na 56,785 katao/km²), lungsod ng Buenos Aires (2,179 katao/km², na ang pinakamaliking densidad ay ang Lanus na may 10,444 katao/km²), Tokyo (10,087 katao/km²) lungsod ng Mehiko (11,700 katao/km²), at Istanbul (1,878 katao/km², na may pinakamalaking densidad ay ang distritong Fatih na may 48,173 katao/km²).[11]

Pagdating naman sa kabuuang kalakhan, ang Kalakhang Maynila ay ika-85 ang pwesto na may 12,550 katao/km² at may lawak ng lupain na 1,334 km², na nahihigitan pa ng Lungsod ng Cebu na pumasok ika-80 ang pwesto.[11][26]

Ang opisyal na wika ay Filipino na kilala bilang Tagalog, habang ang Ingles ay malawakang ginagamit sa edukasyon at trabaho sa buong Kalakhang Maynila na itinuro ng mga Amerikanong dumaong sa Pilipinas. Ang Hokkieng Intsik ay malawakang ginagamit sa mga komunidad ng Tsinong-Pinoy. May mga matatandang naninirahan na gumagamit ng pangunahing Hispano, na isang sapilitang paksa sa kurikulum ng mga unibersidad at pamantasan sa Pilipinas hanggang 1987. Maraming mga batang Europiyano, Arabo, Indiyan, Latinong Amerikano at iba pa na ang pangunahing wika ay ang sariling wika ng kanilang magulang o ang wika ng kinalakihang bansa o estado.

Ekonomiya

baguhin
Ang Maynila sa pagkakakita sa Harbour Square, ito ang poblasyon ng Maynila[27]
 
Ang Bulebar Roxas, na dumadaan sa poblasyon ng Maynila

Ang ekonomiya ng Maynila ay maraming pinanggagalingan. Dahil sa mga puerto nitong napapangalagaan, ang Maynila ang naging "National Chief Port" ng bansa. Ang Maynila rin ang pangunahing tagalathala ng pahayagan sa Pilipinas.[28]

Ang mga produkto na maaring mabili dito ay mga kemikal, tela, damit, mga elektronikong kagamitan, relo, bakal, gamit na gawa sa katad, mga ibat ibang klase ng mga pagkain, at mga sapatos. Ang pagtitinda ng mga pagkaing tinge at inumin kabilang ang produktong tabako ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga mamamayan. Ang mga mamamayan ay nangangalakal din sa mga dayuhan. Ang mga kagamitan na ipinangkakalakal nila kapalit ng pera ay mga tali, playwud, pinong asukal, kopra, at langis ng niyog.[28]

Maunlad na industriya ang turismo. Ang Maynila ay nakakaakit ng mahigit 1 milyong[28] dayuhan dahil ito ang pangunahing pook panturismo ng bansa. Madalas puntahan ng mga dayuhan ang distrito ng Binondo, Ermita, Intramuros at Malate.

Lahat ng distrito ng lungsod maliban na lang sa Puerto ng Maynila ay may sariling pamilihang bayan o palengke. Ang pamilihang bayan ay nahahati sa dalawa, ang mga seksiyong tuyong pagkain at gulay. Masagana ang mga pamilihang bayang ito lalo na kapag umaga. Dahil sa programang urbanisasyon ng pamahalaang Maynila, naisaayos ang karamihan ng pamilihang bayan. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pamilihang pambayan ng Santa Ana at pamilihang pambayan ng Pritil. Kung ang isang tao ay naghahanap ng mumurahing kagamitan, maaaring siyang makahanap sa Divisoria at Quiapo.

Ang mga modernong liwasan ay nakakalat sa lungsod at ang karamihan ay nasa distrito ng Malate at Ermita. Ang SM City Manila, na isa sa mga pinakamalaking liwasan ng bansa, ay nakatayo katabi ng Bahay-Pamahalaang panlungsod ng Maynila at ang orihinal na liwasan ng SM ay umiiral pa rin sa Carriedo sa Santa Cruz. Ang isa sa mga popular na liwasan sa Maynila ay ang Robinson's Place Ermita. Sa katimugan naman ng lungsod sa distrito ng Malate ay ang Harrison Plaza, isa sa mga pinakalumang liwasan ng lungsod. Ang Maynila ay isa sa mga lungsod na magastos tirahan.[29]

Kultura

baguhin

Arkitektura

baguhin

Ang arkitektura ng Maynila ay isa sa tanyag at kilala, kahit na ang lungsod ng Makati ang may mas maraming gusali. Kilala ang Maynila sa pagiging lugar na kinaroroonan ng Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging gotikang simbahan sa Asya, pati ang Simbahan ng San Agustin at Simbahan ng Quiapo.

 
Ang Maynila ay nagkaroon ng maraming matataas na tukudlangit simula nang mamahala si Atienza sa lungsod

Noong sinakop ng mga Hispano ang kapuluan ng Pilipinas, karamihan sa mga istraturang itinayo sa lungsod ay mga simbahan at paaralan na kahugis ng mga gusali sa Espanya. Noong kapanahunan naman ng Amerikano, sinikap ni Daniel Burnham na palaguin at ibahin ang hitsura ng Maynila; hindi natuloy ang plano dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa panahon ding ito ginawa ang Bulebar Seaside, na tinagurian ding Bulebar Dewey at ngayon ay Bulebar Roxas. Ang isa sa mga napalaganap ng Amerikano ay ang pagkilala sa Pilipinas ng Tram, na unang ipinatakbo dito sa Maynila. Nang inihalal bilang alkalde si Lacson, ipinawasak niya lahat ng pook ng mga mahihirap at ipinatayo ang Lacson Underpass, na ang kauna-unahang daanang pailalim sa Pilipinas. Ginawa niyang pook pangnegosyo ang mga pook kung saan dating nandoon ang mga iskwater. Noong naging alkalde si Atienza, lumaganap sa Maynila ang mga gusaling tukudlangit at mga liwasan, kabilang dito ang Manila Ocean Park. Pununa ng ilang mananalaysay ang ginawang pagsira ni Atienza sa natitirang gusali ng mga Amerikano para mabigyan-puwang ang bagong gusali ng Kagawatan ng Katarungan. Maraming gusali ang ipinapatayo sa kasalukuyan na uukit sa Maynila at pati na ng kondehan nito.[30]

Pananampalataya

baguhin

Ang pagiging kosmopolitano ng lungsod at pagkakaroon ng iba't ibang kultura ang sumasalamin sa Maynila dahil sa dami ng mga pook-pananampalataya na nakakalat sa lungsod. Ang kalayaan sa pananampalataya sa Pilipinas na umiiral pa simula noong maitaguyod ang bansa ang dahilan para magkaroon ng iba't ibang pananampalataya. Ang mga tao na may iba't ibang sekta ang kumakatawan ng may gabay ng mga simbahan ng Kristyano, mga templo ng Budista, mga sinanog ng Dyuis, at mga mosk ng mga Islamiko.

Romanong Katolisismo

Ang Maynila ang kabisera ng Arkidiyosesis ng Pilipinas, ang pinakamatandang arkidiyosesis sa bansa. Ang tanggapan ng arkidiyosesis ay matatagpuan sa katedral ng Maynila (Basilica Minore de la Nuestra Señora de la Immaculada Concepcion) sa Intramuros. Ang lungsod ay nasa pamamahala ng Patronahe ng San Andres.

Dahil ito ang kinalagyan ng pamahalaang kolonyal sa mga nakalipas na siglo, ang Maynila ang nagsilbing base ng mga misyonaryong Katolisismo ng bansa. Kabilang sa mga orden na nasa Pilipinas ay ang mga Dominikano, Heswita, Pransiskano, Agustino (kasapi na rin ang Augustinian Recollects), Benediktino, madre ng San Pablo ng Chartes, padre ng Vinsentino, ang kongregasyon ng mga Immaculati Cordis Mariae, at ang De La Salle Christian Brothers.

Ilang kilalang mga simbahan at katedral sa lungsod ay ang mga simbahan ng San Agustin sa Intramuros, ang dambana ng kinorunahang imahe ng Nuestra Señora de Consolación y Correa, isang UNESCO World Heritage Site na isang paboritong pook pangkasalan ng mga kilalang tao at isa sa dalawang de-erkon na simbahan sa lungsod; Simbahan ng Quiapo, kilala rin bilang Basilica Minore del Nuestro Padre Jesus Nazareno kung saan ginaganap ang taunang prosesyon ng itim na Nazareno, Simbahan ng Binondo na kilala rin bilang Minore de San Lorenzo Ruiz, Simbahan ng Malate na dambana ng Nuestra Señora de Remedios, Simbahan ng Ermita na tahanan ng pinakalumang imaheng Marian sa Pilipinas na si uestra Señora de Guia, Simbahan ng Tondo na tahanan ng daang taong kulay-garing na imahe ng Sto. Niño (Batang Hesus), Simbahan ng Sta. Ana na dambana ng kinoronahang imahe ng Nuestra Senora de los Desamparados at ang San Sebastian o Basilica Minore de San Sebastian, ang natatanging simbahan na may estilong gotika sa Asya.

Protestantismo

Ang Maynila ang tahanan ng ilang kilalalang mga simbahan ng mga Protestante sa Pilipinas na itinaguyod ng mga misyonaryong Amerikano. Bilang lamang ang pook pananampalataya na naitayo sa lungsod. Ang karamihan naman ay matagpuan sa mga kalapit na lungsod at mga lalawigan.

Pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, ang mga grupo ng mga iba't ibang pananapalataya tulad ng mga misyonaryong Protestante ay pumunta sa Pilipinas kasama ang mga Babtis, mga Nasarin, mga Pentakostal, mga Kristiyano at itinaguyod ang kanikanilang paaralan at simbahan.

Iglesia ni Cristo

Ang pinakakilalang panampalataya sa Pilipinas. [kailangan ng sanggunian] Ang Iglesia ay may mga kapilya at simbahan sa lungsod na kilala sa mga makitid at nakaumang mga taluktok. Ang punong himpilan ng mga Iglesia ay matatagpuan sa abenida Komonwelt sa Lungsod Quezon.

Islam, Budismo at iba pang paniniwala


Maraming itinaguyod na templong mga Budismo at Taoist ang mga Tsino sa Maynila. Ang distritong Quiapo ay ang tahanan ng malaking populasyon ng Muslim sa Maynila at ang Masjid Al-Dahab ay matatagpuan dito. May malaking templo ng Hindu para sa mga Indiyano ang matatagpuan sa Ermita at sa abenidang U.N. matatagpuan ang templo ng Sikh at ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Sa abenidang Quirino sa Malate matatagpuan ang sinanog para sa maliit na komunidad ng mga Hudyo sa Pilipinas. Kalaunan, lumipat ang mga ito sa Makati sa kalye Tordesillas.

Mga pook na interesante

baguhin
 
Ang Embahada ng Estados Unidos sa Ermita
 
Ang Pambansang Museo ng Sining sa Ermita

Sa katimugang bahagi ng Intramuros matatagpuan ang Liwasang Rizal, ang pinakatanyag na liwasan ng bansa. Kilala rin ang Liwasang Rizal bilang Luneta ("gasuklay ang hugis" sa salita ng mga Hispano) at dati bilang Bagumbayan. Ang 53 hektaryang Liwasang Rizal ay nasa lugar kung saan si José Rizal, ang pambansang bayani ng bansa, ay pinaslang ng mga Hispano sa kasong pag-aalsa. Itinayo ang monumento para sa kanyang karangalan. Ang malaking tagdan ng watawat sa kanluran ng monumento ni Rizal ay ang ginagamit pansukat para sa mga masukat ang layo ng bawat lungsod, kalye, pulo at mga bayan sa bansa dahil dito nagmumula ang kilometrong sero.

Ang iba pang magagandang pook sa liwasang Rizal ay ang mga hardin ng Tsino at Hapon, ang gusali ng Kagawaran ng Turismo, ang Pambansang Museo ng Pilipinas, Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, ang Planetarium, ang Orchidarium at Butterfly Pavilion na parehong mga oditoryum, isang makasaysayang mapa ng Pilipinas, isang pook na may paunten, isang pulilan ng mga bata, isang plasa ng ahedres, isang pook na may magagandang maihahandog na presentasyon, at ang Quirino Grandstand.

Bukod sa Liwasang Rizal, ang Maynila ay may ilang pook pang-masa. Kinabibilangan ito ng liwasang Rajah Sulayman, Manila Boardwalk, liwasang Bonifacio, Plasa Miranda, Hardin ng Mehan, Liwasang Paco, Remedios Circle, Manila Zoological and Botanical Garden, Plasa Balagtas at ang Malakanyang Garden. Noong 2005, binuksan sa masa ni alkaldeng Lito Atienza ang Pandacan Linear Park, na isang mahaba at makitid na lupain sa pagitan ng langisang Pandacan at mga pangkomersyong tahanan na nasa baybayin ng ilog Pasig. Sa hilagang parte ng lungsod nandodoon ang tatlong sementeryo ng La Loma, Chinese at Manila North Green Park, ang pinakamalaking sementeryo ng kalakhang Maynila. Ang Manila Ocean Park ay nagtatampok ng mga iba't ibang uri ng mga hayop-dagat.

Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng otel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Ang karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay nangasa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.

Ang mga tanyag na distrito ng Ermita at Malate ay may mga pook pang-aliwan tulad ng mga otel, kainan, klub, bar, kapihan, pangsining at pangkulturang gusali at mga antigong tindahan. Maunlad dito ang negosyong pang-industriya at turismo at sa gabi hanggang sa madaling araw tanyag ang mga kasino, klub, bar, pook-pamkapihan at mga disko dahil buhay ang diwa ng buhay Bohemyan. Sa kalagitnaan ng lungsod nandodoon ang Intramuros, at ang mga pook ng kanyang mga kuta at mga bartolina, lumang simbahan, mga kolonyal na tahanan, at mga kalesa. Nakakalat sa buong lungsod ang ibang pang mga makasaysayang pook at pook-palatandaan, mga liwasan, mga museo, at mga pook-pampalakasan.

Pook-palatandaan

baguhin
 
Ang Simbahan ng Quiapo sa Quiapo, Maynila.


 
Ang tarangkahan ng Pandepensang Santiago


Sementeryo

baguhin

Ang lungsod ay may mga akomodasyon na mula sa mga matataas na uri ng hotel hanggang sa mga abot kayang mga lohiya ng mga pamantasan. Karamihan sa mga akomodasyon ito, na kinabibilangan ng Otel ng Maynila, ay matatagpuan sa bulebar Roxas na nakaharap sa look ng Maynila at sa mga distrito ng Ermita at Malate.

  • Bahay Tsinoy
  • Intramuros Light and Sound Museum, Intramuros
  • Pangunahing Pambansang Museo, Kalye ng Padre Burgos
  • Museo ng Maynila, dating gusali ng Pre-War Army-Navy Club, Liwasang Rizal
  • Museo Pambata, dating gusali ng Pre-War Elk's Club, Liwasang Rizal
  • Pambansang Museo ng Pilipinas, Liwasang Rizal
  • Parokya ng Ina ng Inabanduna - Sta. Ana (artepakto noong kapanahunan ng mga Hispano)
  • Plaza San Luis, Intramuros
  • San Agustin Church Museum, Intramuros
  • The Museum - De La Salle University-Manila, abenidang Taft, Malate
  • Museo ng UST sa Sining at Agham/Siyensiya

Mga pook-palakasan

baguhin
  • Rizal Memorial Sports Complex, Kalye ng Vito Cruz, Malate
    • Rizal Memorial Coliseum
    • Rizal Memorial Track and Football Stadium
    • Rizal Memorial Baseball Stadium
    • Ninoy Aquino Stadium
  • San Andres Gym (Mail and More Arena), ang nagsilbing tahanan ng dating Manila Metrostars

Pamahalaan

baguhin
 
Gusaling Panlungsod ng Maynila (Manila City Hall)

Katulad ng mga lungsod sa Pilipinas, ang Maynila ay pinamamahalaan ng isang alkalde na namumuno ng mga eksklusibong kagawaran ng lungsod. Ang kasalukuyang alkalde para sa terminong 2007-2010 ay si Alfredo Lim, na gumawa ng pagbabalik sa bahay-pamahalaang panlungsod ng Maynila na pagkatapos ng pagsisilbi ng 3 taong termino bilang senador. Ang alkalde ng lungsod ay may tatlong termino (siyam na taon ang kabuuan), at pwedeng ihalal muli kung lalaktaw ng isang termino.

Si Isko Moreno ay ang kasalukuyang bise-alkalde ng lungsod ang namumuno sa mga pambatasang kawil ng lungsod na binubuo ng mga nahalal na mga konsehal na namumuno sa anim na distritong pambatas ng Maynila.

Ang lungsod ay nahahati sa 897 na mga barangay, ang pinakamaliit na lokal na yunit na pamahalaan ng Pilipinas. Ang bawat barangay ay may sariling kagawad at konsehal. Para sa mas maayos na sistema ayon sa mga administratibo, ang lahat ng barangay sa Maynila ay igrinupo sa 100 mga sona at muling igrinupo para buuin ang 16 na distritong pang-heograpiya. Ang mga distrito at sonang ito ay walang anumang uri ng lokal na pamahalaan.

Ang lungsod ay may anim na mga kinatawan na ihinahalal para sa kapulungan ng mga kinatatawan ng Pilipinas, ang mas mababang uri ng pambatasan na isa sa mga kawil ng administrasyon ng Pilipinas. Ang bawat kinatawan ay rumereprisinta sa isa sa bawat anim na tagapagbatas na distrito ng Maynila.

Sagisag ng lungsod

baguhin

Ang sagisag ng lungsod ay naglalaman ng mga salitang Lungsod ng Maynila at Pilipinas na paikot sa isang kalasag sa loob ng isang bilog. Ang pabilog ay naglalaman ng anim na dilaw na bituwin na sumisimbolo sa anim na distritong pambatas ng Maynila. Ang kalasag, na kinuha ang inspirasyon noong kapanahunan ng Hispano, ang lumalarawan sa palayaw na Pearl of the Orient at nakapwesto sa hilagang-gitna; dagatleon sa gitna, na naimpluwensiyahan ng Hispano; at ang agos ng Ilog Pasig at ng Look ng Maynila sa katimugang parte. Ang mga kulay ng selyo ay sumasalamin sa kulay ng watawat ng Pilipinas. Ang dagatleon sa selyo ng Maynila ay hiniram ng Singapore para sa kanilang merlion.

Distrito

baguhin
 
Ang mapa ng mga distrito ng Maynila.

Ang lungsod ay nababahagi sa labing-anim na distrito. Isa lang ang distritong hindi isang bayan, na ang Pier ng Maynila. Walong (8) distrito ay nasa hilaga ng Ilog Pasig at walo (8) sa timog. Ang San Andres Bukid ay dating bahagi ng Santa Ana, habang ang Santa Mesa ay dating bahagi ng Sampaloc. Ang mga distritong ito ay di dapat ikalito sa anim na pangkinatawang distrito ng Maynila.

Distrito Barangay Populasyon
(2007 census)
Lawak
(has.)
Kapal ng populasyon
(per km²)
Binondo 10 12,100 66.11 18,304.1
Ermita 13 6,205 158.91 3,904.8
Intramuros 5 5,015 67.26 7,455.7
Malate 57 78,132 259.58 30,099.8
Paco 43 69,300 278.69 24,866.7
Pandacan 38 76,134 166.00 45,862.9
Pier 5 48,684 315.28 15,441.4
Quiapo 16 23,138 84.69 27,322.0
Sampaloc 192 255,613 513.71 49,758.5
San Andres Bukid 65 116,585 168.02 69,386.2
San Miguel 12 16,115 91.37 17,636.9
San Nicolas 15 43,225 163.85 26,380.5
Santa Ana 34 62,184 169.42 36,703.5
Santa Cruz 82 118,779 309.01 38,438.1
Santa Mesa 51 98,901 261.01 37,892.2
Tondo 259 630,604 865.13 72,891.6

Lahat ng distritong ito, na hindi kinabibilangan ng Puerto ng Maynila, ay may sariling mga simbahan, at ang ilan sa mga distritong ito ay nakamit ang pagkakilanlan sa sariling paninindigan. Ang Intramuros bilang pinakamatanda at naging orihinal na Maynila ay naging makasaysayang pook. Ang distrito ng Binondo ay ang Chinatown ng lungsod. Ang Tondo ay ang may pinakamalaking kapal ng populasyon, pinakamalawak na nasasakupan at nangunguna pagdating sa kahirapan. Ang pambansang bayani na si Jose Rizal ay tinatangkilik sa Liwasang Paco at iba pang pook sa Maynila. Ang mga distrito ng Ermita at Malate ay kilala at sikat sa mga turista, dahil marami ditong bar, kainan, limang-bituing otel, at liwasan. Ang mga distrito ng San Miguel at Pandacan ay tumatayong tahanan ng opisyal na residente ng Pangulo ng bansa, ang Palasyo ng Malakanyang.

Pambansang mga opisina ng pamahalaan

baguhin

Ang lungsod ng Maynila ang kabisera ng Pilipinas at ang tahanan ng mga politika sa bansa. Noong kapanahunan ng pamahalaang kolonyal ng Amerikano, nagpahayag sila ng magiging hitsura ng lungsod sa labas ng pader ng Intramuros. Sa kalapit na "Bagumbayan" o sa kasalukuyan ay ang Liwasang Rizal, ang piniling sentro ng pamahalaan at ang komisyon ng pagdidisenyo ay ipinaubaya kay Daniel Burnham para gumawa ng plano para sa lungsod na hango sa Washington D.C.. Napabayaan yaong plano at natigil ang konstruksiyon dahil sa pagsilakbo ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Dahil sa pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon, ang bagong sentro ng pamahalaan ay inilipat sa mga bundok sa hilagang silangan ng Maynila, na ngayon ay Lungsod Quezon. Lumikha ng base ang ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa Lungsod Quezon. May mga importanteng opisina na nanatili sa Maynila tulad ng Opisina ng Pangulo, ang Korte Suprema, Hukuman ng Apela, ang Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kagawaran ng Badyet, Pananalapi, Kalusugan, Katarungan, Paggawa at Empleyo, at Turismo. Ang Maynila din ang tahanan ng iba't ibang importanteng institusyong pambansa tulad ng Pambansang Aklatan, Pambansang Arkibos, Pambansang Museo at Pambansang Ospital ng Pilipinas.

Edukasyon

baguhin
 
Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, ang kauna-unahang unibersidad sa Pilipinas na pinatatakbo ng pamahalaang lokal.

Ang Maynila ang tahanan ng mga unibersidad, dalubhasaan at pamantasan sa Kalakhang Maynila. Ang tinaguriang Sinturon ng mga pamantasan na kilala ng bansa na may magandang edukasyong maihahandog ay matatagpuan sa distrito ng Malate, Ermita, Intramuros, Paco, San Miguel, Quiapo at Sampaloc. Ilan sa kanila ay ang mga pamantasang pang-estado katulad ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila sa Ermita at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa Santa Mesa; Pamantasang Normal ng Pilipinas, Pamantasang Kristiyano ng Pilipinas, Pamantasan ng Kababaihan ng Pilipinas, Pamantasang De La Salle-Maynila at De La Salle-College of Saint Benilde sa abenidang Taft; mga katolisismong pamantasan katulad ng Kolehiyo ng San Beda sa San Miguel, Unibersidad ng Santo Tomas sa Sampaloc at ang Pamantasan ng San Pablo sa Ermita; mga pribadong pamantasan tulad ng Pamantasan ng Silangan, Pamantasan ng Dulong Silangan at Pamantasang Centro Escolar sa Recto; at ang mga katolisismong pamantasan na Colegio de San Juan de Letran, Mapúa Institute of Technology at ang Lyceum of the Philippines University; at ang pamantasang pag-aari ng lungsod, ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa Intramuros, dalubhasahang lungsod ng maynila o @Universidad de Manila sa may tabi ng Estasyong Central Terminal ng LRT-1.

Ang dibisyon ng mga pamantasan ng lungsod-Maynila na isang sangay ng kagawaran ng edukasyon ay tumutukoy sa tatlong pampublikong sistema ng edukasyon ng lungsod. Namamahala ito ng 71 elementaryang pampublikong paaralan, 32 pampublikong mataas na paaralan, at 2 pampublikong unibersidad.

Ang lungsod din ang namamahala sa Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila, ang pilotong pang-agham na iswkelahan ng Pilipinas; ang Pambansang Museo ng Pilipinas, kung saan ang matatagpuan ang Spoliarium ni Juan Luna, ang Kalakhang Museo, ang pangunahing museong moderno at dalubhasa sa mga biswal na sining; ang Museong Pambata, pook na pabor sa mga kabataang Pinoy para sila ay matuto at ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay matatagpuan sa liwasang Rizal.

Serbisyong pang-koreo

baguhin
 
Ang Korporasyong Koreo ng Pilipinas

Ang gusali ng Post Office na tahanan ng korporasyong pamkoreo ng Pilipinas ay matatagpuan sa talampakan ng Tulay ng Jones. Ito rin ang tahanan ng Philippine Postal Bank, ang pangunahing kompanya na nagpapatakbo ng tagahatid ng mga koreo sa bansa.

Tagalathala at publikasyon

baguhin

Ang Maynila ang tahanan ng mga pangunahing kompanyang tagalathala sa Pilipinas. Sa pook daungan matatagpuan ang karamihan ng punong himpilan ng mga ito. Ang industriyang tagalathala ng mga kasalukuyang pangyayari ay isa sa mga legasiya ng kolonisasyon ng mga Amerikano sa Pilipinas, na gumawa ng daan para kalayaan ng mga tagapaglathala. Ilan sa mga pangunahing publikasyon sa Maynila ay ang Manila Times, ang Manila Bulletin, ang Philippine Star, ang Manila Standard Today, The Daily Tribune at marami pang iba.

Mga pahayagan

baguhin

Ang Maynila ang tahanan ng ilang pambalita at opisinang tagapaghatid ng pahayagan, ahensiya o serbisyo na kinabibilangan ng Office of the Press Secretary at Radio-TV Malacañang o RTVM (ang tagapagbalita ng Mga Pangulo ng Pilipinas) na matatagpuan sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang lungsod din ang tahanan ng prestihiyoso at eksklusibong organisasyon ng mga manunulat na tinawag na Samahang Plaridel. Ang mga miyembro ay kinabibilangan ng ilang kilalang tagapaglathala, patnugot, at taga-pagbalita ng bansa.

TV at radyo

baguhin

Ang punong himpilan ng mga pangunahing estasyon ng TV ay matatagpuan sa Lungsod Quezon at hindi lahat ng studyo ng Kamaynilaang Pinalawig ay matatagpuan sa Maynila.

Inprastraktura

baguhin

Transportasyon

baguhin

Pampublikong transportasyon

baguhin
 
Estasyong Tayuman ng LRT
 
Isang dyipni sa Maynila

Ang Maynila bilang pangunahing lungsod, ay mayroong iba't ibang uri ng mga transportasyon. Ang pinakilala sa lahat ng uri nito ay ang mga dyipni na sinimulang gamitin pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. May mga kilala rin transportasyon bukod sa dyipni tulad ng mga bus, taksi at Tamaraw FX. Ang mga motorsiklo at pedicab ay ginagamit sa mga bumabiyahe ng maiikling distansiya. Sa ilang pook, lalo na sa Divisoria, ang mga motor pangtinda ay pinagkakasya sa pedicab para mahatid ang mga paninda. May pook na pinagpapaliban ang modernong kapanahunan tulad ng Binondo at Intramuros na gumagamit pa rin ng Kalesa.

Ang lungsod ay pinagsisilbihan ng SMRP ng Maynila (ang uring ito ng transportasyon ay bukod pa sa MRTS o Metro Rail Transit System). Isa sa mga prioridad ng proyektong pambayan ay nakatoon sa pagpapaluwag ng masikip na daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Ang pagpapaunlad ng sistema ng riles ay nagsimula noong itinaguyod ito noong dekada 70 sa pamamahala ng administrasyon ni Marcos at ito ang kauna-unahang transportasyon ng riles sa Timog-silangang Asya. Kamakailan lang, ang sistema ng riles ay nakaranas ng malawigang pagpapalawak dahil sa paglaki ng populasyon ng lungsod. Ito ay nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar. Ang layunin ng proyektong ito ay magkaroon ng alternatibong uri ng transportasyon para matugunan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga sasakyan. Dalawang linya nito ang nagsisilbi sa mga naninirahan sa lungsod, ang linyang berde na dumadaan sa abenidang Taft (R-2) at abenidang Rizal (R-9), at ang linyang bughaw na dumadaan sa bulebard ng Ramon Magsaysay (R-6) simula Santa Cruz, patungong Lungsod Quezon hanggang sa Santolan sa Pasig.

Ang lungsod ang kabisera ng pamahalaan ng riles sa Luzon. Ang pangunahing terminal ng Pambansang Daanan ng mga riles ng Pilipinas ay matatagpuan sa Tondo. Ang mga daanan ng riles na pinalawig at sa kasalukuyan ay dumadaan sa San Fernando, Pampanga at sa Legazpi, Albay.

Ito ang mga pangunahing sistema ng riles. Ang mga estasyon na nasa talaan na ito ay matatagpuan sa Maynila:

Himpapawid

baguhin

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (PPNA) ang nagsisilbi sa Maynila, kalakhang Maynila at sa mga kalapit lalawigan. Ang Terminal 2 (o ang Centennial Terminal) ay binuksan noong 1999 Oktubre. Ang Philippine Airlines na nagbibigay karangalan sa ating bansa ang gumagamit sa terminal na ito para sa lokal at pandaigdigang lipad. Ang ilang pandaigdigang lipad ang gumagamit sa orihinal na terminal ng PPNA. Binuksan sa publiko ang PPNA-3 noong Agosto ng 2008. Ito ang tahanan ng Cebu Pacific, Air Philippines at PAL Express na nakatuon sa mga pandaigdigan na lipad. Ilang kilometro lang ang layo ng PPNA sa Maynila kaya naman ang mga dayuhan ay madaling makakapasok at makakaalis ng lungsod.

Mga lansangan

baguhin
 
Abenida Lacson, isa sa mga mahalagang lansangan sa Maynila.

Ang mga pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila ay igrinupo bilang mga daang radyal at daang palibot (radial roads and circumferential roads). Ang Bulebar Roxas, ang pinakakilalang lansangan sa Maynila, ay matatagpuan sa dalampasigan ng Look ng Maynila. Ang naturing na bulebar ay kabilang sa Daang Radyal Blg. 1 (o R-1) na patungong Kabite. Ang Bulebar Espanya na kabilang sa Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ay nag-uumpisa sa Quiapo at nagtatapos sa Welcome Rotonda na nasa hangganan ng Lungsod Quezon. Ang lansangang Pres. Sergio Osmeña Sr. na kabilang sa South Luzon Expressway o Daang Radyal Blg. 3 (R-3) ay ang pinaka-importanteng lansangan na dumudugtong sa Maynila sa mga lalawigan sa katimugang Luzon. Dalawa sa mga anim na daang palibot ay matatagpuan sa loob ng lungsod: ang C-1 at C-2.

Mga tulay

baguhin
 
Tulay ng Jones
 
Tulay Quezon

May walong pangunahin na tulay sa Maynila. Ang karamihan sa mga ito ay idinudugtong ang katimugang parte ng Maynila sa hilagang parte nito. Dahil hinahati ng ilog Pasig ang kalakhang Maynila sa dalawa, karamihan ng tulay sa kalakhang Maynila ay pinagdudugtong ang hilaga at katimugang parte nito. Mayroong dalawang tulay na riles na tumatawid sa ilog, ang Light Rail Transit 1 at ang daanan ng Philippine National Railways. Ang mga tulay na nakatala sa ibaba ay nakasaayos simula kanluran hanggang silangan. Ang Del Pan, na pinakamalapit sa bukana ng ilog Pasig at look ng Maynila ay ang nauuna sa talaan kung pagbabasihan ang pagsasaayos mula kanlurang hanggang silangan.

Mga daungan

baguhin
 
Isa sa mga puerto ng lungsod

Ang daungan ng Maynila na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila, ay kinilala bilang "Pambansang Punong pandaungan ng Pilipinas" dahil ito ang pangunahing daungan ng bansa. Pinagsisilbihan nito ang pangunahing pangangailangan ng lungsod tulad ng ekonomiya at pinauunlad ang turismong panindustriyal. Ang hilaga at katimugang daungan ay nakakaranas ng pagka-abala twing bakasyon o mga araw na may selebrasyon tulad ng Mahal na Araw, Araw ng Kalululuwa at Kapaskohan.

Pasig River Ferry Service

baguhin
 
Isang bangka ng Pasig River Ferry Service.

Ang bukana ng Ilog Pasig ay matatagpuan sa lungsod. Ang Pasig River Ferry Service na nagpapatakbo ng 17 estasyon na matatagpuan sa bukana ng Ilog Pasig simula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang sa lungsod ng Pasig ang nagsisilbing pantawid at transportasyong pandagat ng kalakhang Maynila.

Pitong estasyon ang matatagpuan dito sa Maynila. Nakatala sa ibaba ang mga estasyon at nakaayos ayon sa pagkasunod-sunod:

Estasyon Lokasyon Distrito
Estasyong Plaza Mexico Intramuros Intramuros
Estasyong Escolta Kalye Escolta Santa Cruz
Estasyong Quiapo Quiapo Quiapo
Estasyong P.U.P. Santa Mesa Santa Mesa
Estasyong Santa Ana Santa Ana Santa Ana
Estasyong Lambingan Punta Santa Ana

Mga medikal na pasilidad

baguhin

Ang Maynila ang tahanan ng punong himpilan ng Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan sa Pilipinas, ang pangunahing opisina ng Kagawaran ng Kalusugan, at ilang opsital at medikal na pasilidad. Ang Kagawaran ng Kalusugan ng Maynila na may kakayahang magplano at magpatupad ng mga programmang pangkalusugan sa lungsod, ay nagpapatakbo ng 44 na medikal na pasilidad at mga pasilidad na matatagpuan sa mga imprastraktura[32] na nakakalat sa buong lungsod. Ilan sa mga tanyag ospital ng lungsod ay ang Manila Doctors' Hospital at Philippine General Hospital sa Abenidang Taft; Chinese General Hospital and Medical Center, Dr. Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at San Lazaro Hospital sa distrito ng Santa Cruz; University of Santo Tomas Hospital sa Sampaloc; at ang Ospital ng Maynila Medical Center na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Malate.

Pandaigdigang kaukulan

baguhin

Mga kapatid na lungsod

baguhin

Ang Maynila ay may 33 mga kapatid na lungsod (lokal at pandaigdigan) at tatlong kaalyadong lungsod.[33]

Pandaigdigang relasyon
Mga kaligang lungsod
Mga kapatid na lungsod (Pilipinas)

Silipin din

baguhin

Kawil panlabas

baguhin
Tuklasin ang iba pa hinggil sa Manila mula sa mga kapatid na proyekto ng Wikipedia:
  Kahulugang pangtalahuluganan
  Mga araling-aklat
  Mga siping pambanggit
  Mga tekstong sanggunian
  Mga larawan at midya
  Mga salaysaying pambalita
  Mga sangguniang pampagkatuto

Sipian

baguhin

Biblyograpya

baguhin

Talababa

baguhin
  1. "List of Cities". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Demographia. "50 Largest World Metropolitan Areas Ranked: 2000 Estimates". US Census Bureau. Nakuha noong 2009-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The World According to GaWC 201" (sa wikang Ingles).
  5. "Manila—the world's most densely-populated city". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Oktubre 7, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Annual Audit Report: City of Manila" (PDF). Commission on Audit. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 4, 2016. Nakuha noong Nobyembre 4, 2016. {{cite web}}: Text "language" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Frank, Andre G. (1998). ReOrient: Global Economy in the Asian Age (sa wikang Ingles). Berkeley: University of California Press. pp. 131. ISBN 9780520214743.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Global Metro Monitor". Brookings Institution (sa wikang Ingles). Enero 22, 2015. Nakuha noong Abril 12, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. City Population. "The Principal Agglomerations of the World". Nakuha noong 2009-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Kagawaran ng Turismo. "Manila City - Cosmopolitan Capital Of The Philippines". Wow Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-30. Nakuha noong 2009-06-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 11.2 11.3 "Population Density" (PDF). Manila City. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2006-08-11. Nakuha noong 2009-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. E.M. Pospelov, Geograficheskie nazvanie mira (Moscow 1998).
  13. Ambeth Ocampo (2008-06-25). "Looking Back : Pre-Spanish Manila". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-07. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "World: metropolitan areas". World Gazetteer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-24. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Manila, Philippines". U.N. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-04-25. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. San Agustin, Gaspar de, Conquistas de las Islas Philipinas 1565-1615, Translated by Luis Antonio Mañeru, 1st bilingual ed (Kastila at Ingles), published by Pedro Galende, OSA: Intramuros, Manila, 1998
  17. Scott, William Henry, Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History, Quezon City: New Day Publishers, 1984
  18. Dikemaskini (Agosto 2006). "Pusat Sejarah Brunei". Government of Brunei Darussalam. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-09. Nakuha noong 2009-06-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Henson, Mariano A. 1965. The Province of Pampanga and Its Towns: A.D. 1300-1965. 4th ed. revised. Angeles City: By the author.
  20. "The World According to GaWC 2008". GaWC. GaWC. Nakuha noong 2009-06-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Census of Population and Housing (2010). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Censuses of Population (1903–2007). "National Capital Region (NCR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  24. "Province of Metro Manila, 1st (Not a Province)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "World's Densest Cities" [Ang mga lungsod na may pinakamalaking kapal ng populasyon] (sa wikang Ingles). Forbes. Nakuha noong 2009-07-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Demographia World Urban Areas & Population Projections" [Demographia Mga kalakhang pook at inaasang paglobo ng populasyon] (PDF) (sa wikang Ingles). Demographia. Nakuha noong 2009-09-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Ayon sa pamahalaang lokal ng Maynila, ito ang pangunahing pinagmumulan ng GDP ng lungsod. Nahahatak nito ang ekonomiya ng lungsod at marami ditong mga gusaling tukudlangit. Lahat naman ng lugar sa Maynila ay pang-negosyo, sadya lamang ito ang karapat dapat na Poblasyon (Ang ibig sabihin kasi ng Ibabang Maynila ay ang mga lugar sa katimugang Maynila).
  28. 28.0 28.1 28.2 "Manila Encyclopedia Article". Encyclopedia. MSN Encarta. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-11-01. Nakuha noong 2009-07-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "The world's most expensive cities in 2008". Economics. CityMayors. Nakuha noong 2009-07-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Tallest Buildings in the Philippines" (PDF). Council on Tall Buildings and Urban Habitat. Disyembre 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-03-04. Nakuha noong 2010-01-10. This list includes buildings that are under construction. Only buildings that are completed are officially ranked on CTBUH listings.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "World Heritage: San Sebastian Church". Tentative List for the World Heritage List. UNESCO. Nakuha noong 20 Abril 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Free hospital, health aid in Manila assured" [Libreng ospital at paggamot sa Maynila kumpirmado] (sa wikang Ingles). Maynila: Manila Bulletin. Manila Bulletin. Nakuha noong 2009-08-08.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Sister Cities of Manila" [Mga kapatid na lungsod ng Maynila] (sa wikang Ingles). Maynila: Pamahalaan ng Maynila. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-07. Nakuha noong 2009-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Sister Cities of Beijing" [Mga kapatid na lungsod ng Beijing] (sa wikang Ingles). Beijing: EBeijing. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-17. Nakuha noong 2009-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Lopez, Allison (2008-07-08). "Manila mayor flies to 'sister city' for Beijing Olympics" [Pinuntahan ng alkalde ng Maynila ang mga kapatid na lungsod para sa palarong olimpiko ng 2008] (sa wikang Ingles). Maynila: Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-30. Nakuha noong 2009-08-29. MANILA, Philippines—Manila Mayor Alfredo Lim will grace the opening ceremony of the 2008 Olympics Friday on the invitation of Beijing Mayor Guo Jinlong as his guest.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Twin City activities". Pamahalaan ng Hayfa. Nakuha noong 2008-02-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Mapa Mundi de las ciudades hermanadas" [Mapa ng mga kapatid na lungsod ng Madrid] (sa wikang Kastila). Madrid: Pamahalaan ng Madrid. Nakuha noong 2009-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Manila-Montreal Sister City Agreement Holds Potential for Better Cooperation" [Ang pagiging magkapatid na lungsod ng Maynila at Montreal para sa magandang pakikipagrelasyon] (sa wikang Ingles). Montreal. 2005-06-24. Inarkibo mula sa orihinal (ASP) noong 2008-01-24. Nakuha noong 2009-08-29. Philippine Ambassador to Ottawa Francisco L. Benedicto commended the efforts of the Filipino-Canadian community and the members of the City Council of Montreal for their efforts in working towards a Manila-Montreal Sister City Agreement{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "THE 46 SISTER-CITIES OF TAIPEI" [Ang 46 na kapatid na lungsod ng Taipei] (sa wikang Ingles). Tapei: Pamahalaan ng Taipei. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-18. Nakuha noong 2009-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Sister Cities" [Mga kapatid na lungsod] (sa wikang Ingles). Web Archive. Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-12-28. Nakuha noong 2009-08-29. Since the amalgamation of Winnipeg in 1971, the City of Winnipeg began a policy that authorizes the Mayor to enter into "Sister City Agreements" with Mayors in other countries.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "8 Cities/6 Ports: Yokohama's Sister Cities/Sister Ports" [8 lungsod/6 na daungan: Mga kapatid na lungsod/kapatid na daungan ng Yokohama] (sa wikang Ingles). Pamahalaan ng Yokohama. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-05. Nakuha noong 2009-08-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)