Tulay ng Jones
Ang Tulay Pang-alaala ng William A. Jones (Ingles: William A. Jones Memorial Bridge)[1] ay isang tulay na tumatawid sa Ilog Pasig sa Maynila, Pilipinas, na nag-uugnay ng distrito ng Binondo sa Kalye Quintin Paredes (dating Calle Rosario) sa sentro ng lungsod sa Ermita. Ang naunang tulay na nag-ugnay ng mga nasabing lugar ay ang Puente Grande (Dakilang Tulay), na kalaunan ay tinawag na Puente de España (Tulay ng Espanya) na matatagpuan isang bloke mula sa Tulay ng Jones sa Calle Nueva (ngayon ay Kalye E. T. Yuchengco).
Tulay ng Jones Jones Bridge | |
---|---|
Tulay ng Jones sa gabi | |
Opisyal na pangalan | William A. Jones Memorial Bridge |
Nagdadala ng | Pansasakyan at pantaong trapiko |
Tumatawid sa | Ilog Pasig |
Pook | Maynila, Pilipinas |
Nagdisenyo | Juan M. Arellano (1919-1920) |
Disenyo | neoklasikong arkong tulay (1919-1945) girdle na tulay (1945-kasalukuyan) |
Materyales | pinatibay na kongkreto (1919-1945) Kongkreto (1945-kasalukuyan) |
Mga paa ng tulay sa tubig | 2 |
Simulang petsa ng pagtatayo | 1919 (unang tulay) 1945 (kasalukuyang tulay) |
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo | 1920 |
Pinangunahan ng | Tulay ng MacArthur |
Sinundan ng | Tulay ng Roxas (dating Tulay ng Del Pan) |
Bumagsak | Unang ika-apat na bahagi ng 1945. |
Mga koordinado | 14°35′45″N 120°58′38.3″E / 14.59583°N 120.977306°E |
Lubhang nawasak ang tulay pagkaraang bombahin ito ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ngunit naitayo ito muli pagkaraan ng digmaan.
Kasaysayan
baguhinUnang Tulay ng Jones (1919–1945)
baguhinPagkaraang dumanas ang Puente de España sa pagkaupod at pagkaluma nang hindi na kayang maikumpuni, ipinanukala ang pagtatayo ng isang kapalit na tulay. Itinayo ito sa tabi ng Puente de España na nanatili sa paggamit hanggang sa matapos ang bagong tulay. Ipinangalan itong Jones Bridge, mula kay William Atkinson Jones, dating kinatawan ng Virginia na pangunahing may-akda ng Philippine Autonomy Act ng 1916. Sinimulan ang buong pagtatayo ng tulay noong 1919 na pinamamahalaan ng pamahalaang panlungsod ng Maynila, ngunit namahala ang pamahalaang kolonyal ng Amerika sa pagtatapos ng tulay noong 1920. Pinasinayaan ang tulay noong 1921.
Ang disenyong Neoklasiko ni Juan M. Arellano ay isang magayak na kongkretong tulay-arko. Hinuwaran ng tulay ang estilo ng mga tulay sa Paris noong mga panahong Napoleoniko at Haussman. May tatlong arko ang tulay na nakalagay sa dalawang piyer. Ang loob ng mga piyer ay pinagtibay ng asero habang ang labas at mga dibuhong palamuti ay gawa sa kongkreto at nabinubong batong artipisyal.[1]
Naglagay si Arellano ng mga rebulto ng lalaki sa mga lumba-lumba na katulad ng Pont Alexandre III sa Paris, na nakita mismo ni Arellano habang nasa paglalakbay pabalik ng Pilipinas mula Estados Unidos. Ang iba pang mga bahagi ng tulay na pinalamutian nang lubos ay mga palababahan (balustrades), finial, poste ng ilaw, at hulma (moldings). Inilagay rin ang mga rebulto sa mga kuwadradong pundasyon (plinths) sa bawat dulo ng tulay. Isang manlililok na nagnanganlang Martinez ay binigyang-kapangyarihan upang gumawa ng apat na mga matalinhagang paglalarawan (tableau) na may kahalintulad na temang pagiging ina at pagkabansa.
Lubhang nawasak ang tulay kasunod ng pagbobomba ng mga puwersang Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digmaan pansamantalang itinayo ang isang bailey bridge hanggang sa muling pagtatayo ng Tulay ng Jones.[1]
Ikalawang Tulay ng Jones (1945–kasalukuyan)
baguhinPagkaraan ng digmaan, muling itinayo ng Kawanihan ng Daang Pampubliko ng Estados Unidos at ng noo'y Kawanihan ng Pagawaing Pampubliko ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine Rehabilitation Act ng 1945.[2] Dala ang pangalan ng tulay, ang bagong kahabaan ay isang payak na tulay na may metal na posteng barandilya. Wala itong magarbong palamuti dahil sa pagnanais na mabilisang matapos ang muling pagtatayo ng tulay.[3] Winasak din ng digmaan ang isa sa apat na mga rebulto ng La Madre Filipina; inilipat ang mga natitirang bantayog sa ibang lugar sa Maynila.[4][kailangang tiyakin] Dalawa sa mga ito ay inilagay malapit sa mga baitang ng gusali ng Hukuman ng Apelasyon habang inilipat naman ang isa sa Liwasang Rizal.[5] Noong 1998, sa pagdiriwang ng Sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, bahagyang ipinanumbalik ang tulay ni arkitekto Conrad Onglao na inatasan ni noo'y Unang Ginang Amelita Ramos.[3]
- Pagsasaayos noong 2019
Noong 2019, inihayag ng alkalde ng Maynila na si Isko Moreno ang mga panukala upang "ipanumbalik" ang Tulay ng Jones sa halos-orihinal na arkitektura, kabilang ang pagbabalik ng tatlong natitirang eskulturang rebulto na dating nagbantay sa tulay, gamit ang ₱20 milyon na iniambag para sa proyekto.[6][7] Kokopyahin naman ang nawasak na ikaapat na eskultura sa tulong ng mga sinupan ng naunang tulay ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas.[7] Inatasan ni Moreno si Jose Acuzar, may-ari ng Las Casas Filipinas de Acuzar, upang lumikha ng mga poste ng ilaw na may estilong Beaux-Arts katulad ng mga posteng ilawan na nasa Pont Alexandre III at bagong mga haligi na magsisilbing tagatayo ng mga rebulto.[7][8]
Trapiko
baguhinMadalang na makaranas ng pagsisikip ng trapikonang Tulay ng Jones, na kadalasang nagaganap sa mga dulo nito dahil sa mga paglabag sa mga alituntunin ng pagpaparada.[9] Kinaugalian ding dumaraan ang Pasig River Ferry Service sa ilalim nito upang makapunta sa estasyon nito sa Kalye Escolta.[10] Tuwing 9 Enero mula noong 2013, taun-taong isinasara ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila ang tulay mula sa mga kotse upang magbigay daan sa prusisyon tuwing Pista ng Itim na Nazareno pagkaraang inihayag ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan na hindi na matatag ang kalapit na Tulay ng MacArthur para makapaglalaman ng dumaraming trapiko ng mga tao tuwing mga pagdiriwang.[11]
Mga insidente
baguhinNoong 2012, naglabas ng pahayag ang Tanod Baybayin ng Pilipinas na nagpapabawal sa paglalangoy sa kahabaan ng Ilog Pasig kasunod ng pagkakatuklas ng tatlong mga bangkay na lumulutang malapit sa kinaroroonan ng tulay.[12] Noong 2019, nailigtas ng Pasig River Rehabilitation Commission ang tatlong mga tinedyer sa ilalim ng tulay na nahihirapang lumangoy at nasa bingit ng pagkalunod.[13]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Alcazaren, Paulo (29 Setyembre 2001). "Jones Bridge Diary: The link to a romantic past". City Sense. The Philippine Star. Nakuha noong 6 Hunyo 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Untitled (Plaque on bridge). At the fence of the north end of Jones Bridge in Manila.: Presumably the Philippine Bureau of Public Works and the U.S. Bureau of Public Roads.
- ↑ 3.0 3.1 Alcazaren (2001).
- ↑ Tewell, John (2009-08-25)."A walk in Intramuros, Aug. 25, 2009". Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
- ↑ Tewell, John. "Rizal (Luneta) Park, Manila". Flickr. Retrieved on 2011-09-22.
- ↑ Domingo, Katrina (12 Setyembre 2019). "Mayor Isko receives P20M from Chinese businessmen for Manila bridge project". ABS-CBN. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 "The Capital Report". City of Manila. 18 Oktubre 2019. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Look: New lampposts along Jones Bridge". ABS-CBN. 16 Oktubre 2019. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cahiles-Magkilat, Bernie (5 Setyembre 2018). "Chamber opposes China-funded Binondo-Intramuros bridge". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Oktubre 2019. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pasig River Ferry FAQ". MMDA. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobiyembre 12, 2020. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "DPWH cautions use of MacArthur and Quezon bridges in Manila for Black Nazarene translacion activities". Republic of the Philippines. 5 Setyembre 2018. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Oktubre 2016. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Macairan, Evelyn (7 Marso 2012). "PCG: Ban swimming in Pasig River". Philippine Star. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Baron, Gabriela (10 Agosto 2019). "Three minors rescued from drowning in Pasig River". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Oktubre 2019. Nakuha noong 20 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga ugnay panlabas
baguhin- Midyang kaugnay ng Jones Bridge, Manila sa Wikimedia Commons