Hukbong Imperyal ng Hapon
Ang Hukbong Imperyal ng Hapon[1] o Sasakharing Hukbong Hapon (Kyūjitai: 大日本帝國陸軍, Shinjitai: 大日本帝国陸軍, Romaji: Dai-Nippon Teikoku Rikugun) literal na "Hukbo ng Kalakhang Imperyong Hapones" ang opisyal na nasa lupaing sandatahang lakas ng Imperyo ng Hapon mula 1871 hanggang 1945. Ito ay kinokontrol ng Opisina ng Pangkalahatang Staff ng Hukbong Imperyal at Kagawaran ng Digmaan na parehong nasa ilalim ng Emperador ng Hapon bilang kataas-taasang komandante ng hukbo at hukbong pandagat. Kalaunan ang Inspectorate General of Military (Army) Aviation ang naging ikatlong ahensiyang nangangasiwa sa hukbo. Sa tuwing digmaan o mga emerhensiyang pambansa, ang mga nominal na tungkuling pag-uutos ng Emperador ay nakasentralisado sa Imperial General Headquarters (IGHQ) na isang katawang ad-hoc na binubuo ng chief at pangalawang chief ng Pangkalatang Staff ng Hukbo, ang kalihim ng digmaan at chief at pangalawang chief ng pangakalahatang staff ng hukbong pandagat, ang inspektor heneral ng pagpapalipad ng hukbo, at inspektor heneral ng pag-eensasyong panghukbo.
Hukbong Imperyal ng Hapon Sasakharing Hukbong Hapon Imperial Japanese Army (IJA) 大日本帝國陸軍 Dai-Nippon Teikoku Rikugun | |
---|---|
The ensign of the Imperial Japanese Army | |
Active | 1867–1945 |
Bansa | Empire of Japan |
Pagtatapat | The Emperor |
Sangay | Army |
Uri | Army |
Gampanin | Military force |
Sukat | 6,095,000 men at its height |
Mga pakikipaglaban | First Sino-Japanese War Russo-Japanese War World War I Second Sino-Japanese War World War II |
Mga komandante | |
Natatanging mga komandante |
Yamagata Aritomo, Ōyama Iwao, Kotohito Kan'in, Hajime Sugiyama, Hideki Tojo, Yasuji Okamura, Shunroku Hata, Tadamichi Kuribayashi, Tomoyuki Yamashita, Masaharu Homma |