Hideki Tojo
- Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Tōjō.
Si Hideki Tōjō o Hideki Tojo[1] (30 Disyembre 1884 – 23 Disyembre 1948) ay isang heneral sa Imperyal na Hukbong-Katihang Hapones. Siya ang punong ministro ng bansang Hapon noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (sa halos kabuoan ng digmaan). Bilang ika-40 Punong Ministro ng Hapon, naglingkod siya sa tungkuling ito mula 18 Oktubre 1941 hanggang 22 Hulyo 1944. Itinuring siyang "kampeon ng digmaan" subalit naalis sa tungkulin nang maging mas pabor sa Estados Unidos ang katayuang pandigmaan. Pinarusahan siya ng kamatayan ng Pandaigdigang Tribunal na Pangmilitar sa Dulong Silangan makalipas ang digmaan.
Hideki Tōjō | |
---|---|
Ika-40 Punong Ministro ng Hapon | |
Nasa puwesto 18 Oktubre 1941 – 22 Hulyo 1944 | |
Monarko | Emperador Showa |
Diputado | Hindi alam |
Nakaraang sinundan | Fumimaro Konoe |
Sinundan ni | Kuniaki Koiso |
Personal na detalye | |
Isinilang | 30 Disyembre 1884 Tokyo, Hapon |
Yumao | 23 Disyembre 1948 Tokyo, Hapon | (edad 63)
Kabansaan | Hapones |
Pirma |
Sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Karnow, Stanley (1989). "Hideki Tojo/Hideko Tojo". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
baguhin- Hideki Tojo Naka-arkibo 2009-02-24 sa Wayback Machine. - Talambuhay
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.