Tadamichi Kuribayashi

Si Heneral Tadamichi Kuribayashi (栗林忠道, Kuribayashi Tadamichi, isinilang noong Hulyo 7, 1891 sa Prepektura ng Nagano, Hapon – namatay noong Marso 23, 1945 sa Iwo Jima, Hapon) ay isang heneral ng Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon, na tanyag sa kaniyang gampanin bilang komandanteng panlahat ng himpilang Hapones sa halos kabuuan ng Digmaan ng Iwo Jima noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Tadamichi Kuribayashi
Hulyo 7 1891 - c. Marso 23 1945
Pook ng kapanganakan Prepektura ng Nagano, Hapon
Pook ng kamatayan Iwo Jima, Hapon
Pinapanigan Imperyo ng Hapon
Palingkuran/sangay Hapon Hukbong Katihan ng Imperyong Hapon
Taon ng paglilingkod 1914 - 1945
Hanay Heneral
Pangkat Ika-109 Dibisyon, Grupong Ogasawara ng Hukbo
Labanan/digmaan Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Labanan sa Hong Kong
- Labanan sa Iwo Jima
Gantimpala Orden ng Sumisikat na Araw na may Bituing Ginto at Pilak (Ika-2 klase),
Orden ng Sumisikat na Araw, Gintong Sinag na may Lason na pang-leeg (Ika-3 klase),
Dakilang Kurdon ng Orden ng Banal na Yaman
Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Kuribayashi.

Naging tanyag ang kaniyang pangalan sa labas ng Hapon nang ipalabas ang pelikulang Letters from Iwo Jima (Mga Liham mula sa Iwo Jima) noong 2006, kung saan ang artistang si Ken Watanabe ang gumanap ng kaniyang katauhan.

Mga Kawing panlabas

baguhin
  • Ammenthorp, Steen. "Kuribayashi Tadamichi, General". The Generals of World War II.
  • Chen, Peter. "Tadamichi Kuribayashi". WW2 Database.