Circa
Ang circa (mula Latin, na ang kahulugan ay "mga, tinataya, halos, malapit sa, humigit-kumulang") – madalas na dinadaglat bilang ca. o c. at di gaanong madalas sa circ., cca. o cc. – ay ipinapahiwatig na "humigit-kumulang" sa ilang mga wikang Europeo at ginagamit na hiram na salita sa Ingles (maging sa Tagalog), na kadalasang tinutukoy ang isang petsa.[1] Malawak na ginagamit ang circa sa makasaysayang sulatin kapag ang mga petsa ng mga kaganapan ay hindi tumpak na alam.
Kapag ginagamit sa mga saklaw ng petsa, nailalapat ang circa bago ang bawat tinatayang petsa, habang ang mga petsa na walang circa na nakasulat bago nito ay pangkalahatang pinapalagay na alam ang petsa na may katiyakan.
Mga halimbawa
baguhin- 1732–1799: Parehong mga taon ay siguradong alam.
- c. 1732 – 1799: Ang simulang taon ay tinaya; ang katapusang taon ay tumpak na alam.
- 1732 – c. 1799: Ang simulang taon ay tumpak na alam; ang katapusang taon ay tinaya.
- c. 1732 – c. 1799: Parehong mga taon ay tinaya.