Kasaysayan ng mga Hudyo sa Pilipinas

Nagsimula ang talang kasaysayan ng mga Hudyo sa Pilipinas noong panahong Kastila.

Panahong Kastila

baguhin

Ang kasaysayan ng mga Hudyo sa Maynila ay nagmula noong Ingkuwisisyong Kastila ng ika-16 dantaon, kung kailan marami sa mga Hudyo ng Ispanya, na sapilitang bininyagan sa Kristiyanismo at patago na pinanatili ang kanilang buhay Hudyo, ay nabunyag at nilitis, nahatulan, at pinalayas sa Ispanya dahil sa kanilang erehiya o heresy.[1] Kilala bilang mga Marano o "Bagong Kristiyano", sinamahan ng mga kripto-Hudyong ito ang mga Kastilang kongkistador na nagmulang nanirahan sa mga daungan sa Malayong Silangan, kasama na ang Maynila. Dumating sa Pilipinas noong dekada 1590 ang dalawang "Bagong Kristiyanong" magkakapatid na sina Jorge at Domingo Rodríguez.[2] Pagka-1593 nalitis at nahatulan ang dalawa sa isang auto da fe sa Lungsod ng Mehiko dahil walang nagsasariling tribunal ang Ingkuwisisyon sa Pilipinas. Itinapon ng Ingkuwisisyon ang mga Rodríguez sa bilangguan ang hinatulan din ang walo o higit pang mga "Bagong Kristiyano" sa Pilipinas. Ito ang mapanganip na kalagayan ng mga Hudyo sa Pilipinas. Nanatiling maliit at di-organisado ang pamayanang Hudyo sa mga susunod na dantaon ng pamamahalang Kastila. Hindi pinayagan ng batas ng mga mananakop ang pagkakaroon ng isang organisadong pamayanang Hudyo.

Ang kauna-unahang permanenteng paninirahan ng mga Hudyo sa Pilipinas noong panahong Kastila ay nagmula sa pagdating nina Léopold Kahn at ng tatlong magkakapatid na Levy mula sa Alsace-Lorraine,[3] na tumakas mula sa kinalabasan ng Digmaang Prangko-Prusyano noong 1870.[1][2][4] Ipinangalanan ng magkapatid na Levy ang kanilang negosyo na Estrella del Norte, na Kastila para sa "bituin ng hilaga." Kasama sa kanilang mga negosyo ang pagbenta ng alahas, merchandising, importasyon at eksportasyon ng mga hiyas, gamot, at, pagdating ng panahon, mga kotse.[2] Nagbigay ang pagbukas ng Kanal Suez noong 1869 ng mas tuwirang rutang pangkalakalan sa pagitan ng Europa at ng Pilipinas, at lumago ang mga negosyo sa kapuluan at pati na rin ang bilang ng mga Hudyo dito.[2] Sinamahan ang mga Levy ng mga Turko, Siryo,[1] at Ehipsiyong Hudyo, na naglikha ng isang halo-halong populasyong Hudyo ng mahigit-kumulang limampung indibidwal sa pagtapos ng panahong Kastila. Si A. N. Hashim, isang Siryong Hudyo, ang isa sa mga tumulong kay José Rizal na makaalis sa Dapitan.[2] Noong natapos lamang ang panahong Kastila at sinakop ng mga Amerikano ang kapuluan noong 1898 na pinayagan ang mga Hudyo na opisyal at bukas na manampalataya bilang mga Hudyo.

Panahong Amerikano

baguhin

Nang maging pag-aari ng Mga Istadong Nagkakaisa ang Pilipinas, pinakinabangan ng mga Amerikanong Hudyo ang bagong hanggahang ito. Nagdala ang pagdating ng hukbong Amerikano sa Pilipinas ng mga Hudyong manlilingkod o servicemen na nagpasiyang manatili sa kapuluan matapos ang kanilang panunungkulan sa militar at maging mga permanenteng residente.[4] Dumating din ang mga Hudyong guro mula sa Mga Istadong Nagkakaisa kasama ng mga Thomasite, isang kinatawan ng mga boluntaryong guro, na nagbigay ng pampublikong turo sa mga batang Pilipino.

Bukod sa edukasyon, naakit ng mga bagong merkado para sa mga negosyong importasyon-eksportasyon ang mga batang negosyante na Hudyo na nagsitayo ng mga bagong istablesimyento sa Pilipinas o pinalawak ang kanilang mga negosyo mula sa Amerikang kontinental.

Dalawang mahahalagang pangalan ang lumilitaw sa pamayanang Hudyo sa simula ng ika-20 dantaon: sina Emil Bachrach at Morton I. Netzorg. Dumating si Bachrach sa Maynila noong 1901 lumikha sa madaling panahon ng isang may-kalakihang negosyo.[2] Dahil siya ang kinikilala bilang ang unang Amerikanong Hudyo na permanenteng nanirahan sa Pilipinas, ipinangalan sa kaniya ang sinagoga at bulwagang pangkalinangan—ang Temple Emil[5][6] at ang Bachrach Hall—na pinondohan ng pamilyang Bacharach sa mga sumunod na dekada. Si Joseph Cysner ang namahala ng templo.[7] Pinahintulutan ng nakamit na kayamanan ni Bacharach na siya ay maging isang mapagbigay na mapagkawanggawang tao na sinuportahan ang layong Hudyo at Kristiyano. Pagka-1918, naging 150 ang kabuuang bilan ng mga Hudyo sa Pilipinas, kasama na ang ilang mga Rusong tumakas mula sa [[Himagsikang Bol'ševik]].[1] Nagsimulang magsisiratingan ang mga negosyo mula sa Amerikang kontinental noong 1920. Kasama sa mga Hudyo ng Maynila ang tagapagtatag ng Pamilihang Sapi ng Makati, ang konduktor ng Manila Symphony Orchestra, at ang iba pang mga propesyonal tulad ng mga manggagamot at arkitekto. Dumating ang magkakapatid na Frieder, na susi sa pagligtas ng mga Alemang Hudyo noong dekada 1930, mula sa Cincinnati noong 1921 at ipinalawak ang negosyong sigarilyo ng kanilang pamilya sa Mga Istadong Nagkakaisa sa isang kapipakinabang na negosyo sa Maynila.

Ipinawalang-halaga ng kasaganaang pang-ekonomiko at ng isang mataas na antas ng interaksiyong panlipunan ang pangangailangan para sa mga matatatag na institusyong Hudyo. Bagaman nagsidayo ang mga pamilyang Hudyo sa Temple Emil para sa mga ispesyal na pagdiriwang, at nakapagsilbi bilang tagapag-isa at tagapagpokus ng buhay pangkalinangang Hudyo ang pagkakaroon ng karugtong na bulwagang panlipunan, higit na low-key pa rin ito. Bagaman ipinatayo ang Templo noong dekada 1920 pangunahin na sa pamamagitan ng mga mapagbigay na ambag ng mga Bacharach, Netzorg, at Frieder, ang mga tanging serbisyong isinagawa sa taon-taong batayan ay ang mga yamim nora'im (Ebreo: ימים נוראים), kung kailan isinagawa ng isang dumarayong rabino ang mga serbisyo.[8] Pagka-1936 may katangi-tanging kosmopolitong karakter ang populasyong Hudyo na nabibilang sa mahigit-kumulang 500.[3] Nag-alipato ng panibagong ulirat Hudyo ang banta ng pamahalaang Nazi sa mga Yuropeong Hudyo. Humakbang ang maliit, di-sentralisado, at sekular na pamayanang Hudyo ng Maynila upang mailigtas ang mga kapwa nilang Hudyo mula sa tiyak na kamatayan.

Noong panahon ng Komonwelt ng Pilipinas nagsilikas ang mga Yuropeong Hudyo patungo sa Maynila. Ang pagdayo ng mga Hudyong tumatakas ng Europa noong 1935 hanggang 1945 ang huling malaking pandarayuhan o inmigrasyon ng mga Hudyo sa Pilipinas. Sa katotohanan, ang mga unang Alemang Hudyong dumating sa Maynila ay nanggaling sa pamayanan sa Shanghai. Nang sinakop ng mga Hapon ang Beijing noong 1937, nalagay sa panganib ang apat na milyong populasyon ng Shanghai. Nababala ang mga Alemang Hudyo sa pagpalit ng katapatan ng Alemanya mula sa Tsina sa Hapon at kinatakutan nila ang maaaring pamimilit ng mga Aleman sa Hapon na gayahin ang mga patakarang anti-Hudyo ng mga Nazi. Natakot rin para sa kanila ang mga Hudyo ng Maynila at, sa ilalim ng pamumuno ng magkakapatid na Frieder,[9] itinatag nila ang Jewish Refugee Committee of Manila (JRC) na may layuning iligtas ang mga Alemang kasapi ng pamayanang Hudyo ng Shanghai.[10] Tinanggalan na ang mga Hudyong ito ng kanilang pagkamamamayang Aleman, at naisabanta rin ang buhay ng mga Hudyo ng Shanghai sa pagdating ng Gestapo sa mga purok na sakop na ng mga Hapon. Pagkasiklab ng Digmaang Sino-Hapon noong 1937, nakatanggap ng pahatid-kawad o telegrama ang JRC mula sa Shanghai na humihingi ng tulong para sa mga Hudyo ng Shanghai. Sa tulong ni Feng-Shan Ho, ang punong konsul ng Tsina sa Awstriya, nakalikas din ang mga Hudyo ng Awstriya patungo sa iba't ibang bansa, kasama ang Pilipinas,[11] nang isanib ni Adolf Hitler ang Awstriya sa Alemanya noong 1938.[1] Tumanggap ang Maynila ng 30 Alemang Hudyong takas mula sa Shanghai, na nagsimula ng isang mas malawak na palatuntunan na sa huli'y makakaligtas ng 1,300 Hudyo mula sa Europa mula 1937 hanggang 1941, ang pinakamalaking pagpasok ng mga Hudyo sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mahalagang punahin na napaloob ang iba't ibang mga tao at tanggapan sa Pilipinas, Mga Istadong Nagkakaisa, at Alemanya sa pagsasakatuparan ng planong panligtas sa Maynila. Bagaman mahalagang makuha ang kooperasyon at pahintulot ni Pangulong Quezon sa planong pagligtas na ito,[2][3][9][10] nasa kamay pa rin ng State Department ng Amerika ang lahat ng isyung panlabas ng Pilipinas hanggang makamit ng Pilipinas ang kaniyang kalayaan noong 1946. Ang katangi-tangi sa pagligtas ng mga Hudyong lumilikas sa Pilipinas ay na ipinagkalooban ng kapangyarihan ang pamayanang Hudyo ng Maynila ni High Commissioner Paul McNutt at ni Quezon na magsagawa ng isang lupong pipiliin kung sino ang ipagkakalooban ng bisa ng State Department ng Amerika.[1] Sa pamamagitan ng isang proseso ng pagprisinta at pagsusuri, nakakamit ang mga Hudyo ng Alemanya at Awstriya ng mga bisa mula sa mga opisyal pangkonsulado, na inatasan ng State Department ng Amerika na pagkalooban sila ng mga bisa batay sa mga tagubilin ng JRC sa Maynila. Narating ang matagumpay na planong panligtas Frieder-McNutt na ito sa mas malawak na planong gawing paroroonan ang Mindanaw para sa 10,000 takas na Hudyo.[4] Para sa mga takas na nagawang makarating sa Pilipinas, nagtatag ang JRC ng mga lupon para sila'y matulungan sa paghanap ng trabaho at bahay sa Maynila. Bagaman maliit lamang sa bilang kung ihahambing sa mga bilang ng mga takas sa mga ibang bahagi ng daigdig, halos magapi ng mga bagong-dating na takas ang maliit na pamayanang Hudyo sa Maynila, lubos na ipinarami ang kanilang bilang halos magdamag. Naganap ang isang mapanuyang pagbaliktad ng mga pangyayari nang tumigil ang lahat ng mga planong pagligtas nang lusubin at sakupin ng mga Hapon ang kapuluan..

Paglusob ng mga Hapon

baguhin

Nakamit ng pamayanang Hudyo ng Maynila ang pinakamataas nitong populasyon nang lumaki ito nang walong beses sa 2,500 mula noong una itong tumanggap ng mga takas noong 1937 hanggang sa katapusan ng 1941. Ang kapalaran ng pamayanang itong dating pinangingibawan ng mga Amerikano ay nalagay sa kamay ng mga takas na Aleman nang makapasok ang mga Hapon sa Maynila noong Disyembre 1941 at agarang ibinilanggo ang lahat ng mga "kaaway na dayuhang" sibilyan sa internment camp ng University of Santo Tomas (STIC), at pagkatapos sa internment camp sa Los Baños at sa dating bilangguang Bilibid sa Maynila.

Hindi nakitaan ng mga Hapon ng pagkakaiba ang mga Hudyo at di-Hudyong mamamayang Aleman at dahil dito hindi ibinilanggo sa STIC ang karamihan sa mga Hudyo ng Maynila.[2][4]

The Japanese didn’t bother us … . The American Jewish group was interned … but the rest of us were left to fend for ourselves.[2]

Ayon kay Ernest Simke, isang Hudyong Pilipino,[12][13]

Only a very small group of [Japanese] officers who were trained and educated in Germany were particularly unfriendly, but in no way aggressive. They did intern the Jews living in Baguio, probably because the Japanese commander there had been trained in the Third Reich. I had taken Filipino citizenship before the war and, when I presented my Filipino passport to the Japanese authorities in Bacolod after the fall of Bataan and Corregidor, the officer took a long look at me, looked down at my passport, shook his head, sucked in his breath and said: ‘You put chicken in oven, out should come chicken, not fish.’[2]

Gayumpaman mahigit-kumulang 250 kasapi ng pamayanan, kasama na ang mga maimpluwensiyang Amerikanong kasapi, ang kaagad na ibinilanggo, kasama ng iba pang mga Amerikano at "kaaway na dayuhang" sibilyan. Ang mga Amerikanong Hudyo naman sa pagkakataong ito ang tinulungan ng mga Alemang Hudyong takas sa pagpadala ng pagkain at mga tustos. Maraming first hand na salaysay ang naisulat tungol sa buhay sa mga internment camp sa pagdaloy ng panahon, ngunit iilan lamang ang detalyadong naglalarawan sa mga karanasan ng mga Hudyo rito. Dahil dito, maipapalagay lamang na iisa lamang ang pangkalahatang lagay ng mga bilanggo sa kampo. Pinabayaan na lamang ng mga Hapon ang mga bilanggo na bigyang-lunas ang kanilang mga suliranin sa pabahay, pagkain, at kalinisan. Lumaya lamang ang karamihan sa mga bilanggo sa pagtapos ng digmaan noong 1945.

Noong Enero 1943 pinatamaan ng antisemitang pagpapalaganap ang mga di-nakabilanggong Hudyong Aleman, ngayong nasisimulan nang maimpluwensiyahan ang mga pinunong Hapon ng kanilang mga Alemang kaanib. Nagsimulang magsiikot ang mga higing tungkol sa pagtatapon ng mga Alemang Hudyo sa isang ghetto. Naiwasan ang panganib na ito nang makipag-ayos ang mga higit na maimpluwensiyang mga Hudyo ng Kamaynilaan sa mga pinunong Hapon. Habang walang pakialam ang mga Hapon sa mga balak ng mga Nazi na magtayo ng isang ghetto-ng Hudyo sa Pilipinas, hindi rin nila pinigilan ang pasumalang abuso ng sarili nilang mga sundalo sa mga Hudyo.

Pagkakamit ng kalayaan hanggang sa kasalukuyan

baguhin

Nang maiagaw muli ng Mga Istadong Nagkakaisa ang Pilipinas mula sa mga Hapon, sumanib ang mga bagong-laya ng STIC sa mga natitirang mga takas sa Maynila upang subukang itatag muli ang kanilang nawasak na pamayanan. Buong nawasak ang Temple Emil[2][14] at Bachrach Hall. Nabiktima ang lahat sa pananakop ng mga Hapon, na nauwi sa kamatayan ng pitompung Hudyo. Tinulungan ng hukbong Amerikano, na noo'y kinatawan din ng mga Pilipino, ang pamayanang Hudyo upang makabangon muli. Pinagkalooban ng mga sundalong Pilipino at Amerikano ang mga biktima ng hindi lamang pagkain, tubig, panustos, at gamot, kundi isang donasyon din ng $15,000 para sa pagtatayo-muli ng sinagoga.

Gayumpaman, naging napakalawak ng paninira na nilikasan ng halos lahat ng mga takas at ang kanilang mga Amerikano at Britanikong tagapagpala ang Pilipinas at lumiit nang 30% ang bilang ng mga Hudyo nang katapusan ng 1946,[6] ang taon kung kailan lumaya ang bansa sa mga Amerikano. Kumulang sa 250 Yuropeong takas ang nabilang sa napalagay na 600 Hudyo na nanatili sa Pilipinas nang katapusan ng 1948. Noong 1948 nabilang sa 302 ang mga Hudyo ng Maynila. Noong 2005, pinakamataas nang bilang ng mga Pilipinong Hudyo ang 500.[2] Napapalagay rin ang kanilang bilang mula 100 hanggang 500 (mula 0.000001% hanggang 0.000005% ng kabuuang populasyon ng bansa).[3]

Ang Kamaynilaan ang kasalukuyang nagtataglay ng pinakamalaking bilang ng mga Hudyo sa Pilipinas, na kinakatawan ng mahigit-kumulang apatnapung pamilya at ng iba pang dayuhan.[15] Sa lungsod nito ng Makati matatagpuan ang Sinagogang Beth Yaacov, ang kaisa-isang sinagoga sa bansa, at ang Bahay Chabad ng mga Askenasing Haredi.[16] Mayroon ding mga Hudyo sa iba pang bahagi ng bansa,[2] kung saan halos hindi sila kilala sa karaniwang lipunan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 http://fr.jpost.com/servlet/Satellite?cid=1176152769513&pagename=JPost/JPArticle/ShowFull[patay na link]
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-12-24. Nakuha noong 2009-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 http://www.jewishvirtuallibrary.org/jsource/vjw/philippines.html
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 http://fr.jpost.com/servlet/Satellite?apage=1&cid=1159193373795&pagename=JPost/JPArticle/ShowFull[patay na link]
  5. http://www.remember.org/witness/lipetz.htm
  6. 6.0 6.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-03. Nakuha noong 2008-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-07-09. Nakuha noong 2009-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://www.ajcarchives.org/AJC_DATA/Files/1917_1918_3_SpecialArticles.pdf, pah. 100
  9. 9.0 9.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-29. Nakuha noong 2009-02-09.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-28. Nakuha noong 2008-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-20. Nakuha noong 2008-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. http://www.shtetlinks.jewishgen.org/harbin/Goldstein--Singapore,_Manila_and_Harbin.pdf
  13. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-20. Nakuha noong 2009-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-17. Nakuha noong 2008-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Schlossberger, E. Cauliflower and Ketchup Naka-arkibo 2009-07-29 sa Wayback Machine..
  16. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-09-05. Nakuha noong 2009-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin