Mindanao

pangalawang pinakamalaking pulo ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Mindanaw)

Ang Mindanao o Kamindanawan, (Ingles: Southern Pilipinas o Tagalog: Timog Pilipinas) ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan), na binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo. Pinakamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao. Sa 21,968,174 populasyon ng Mindanao, (ayon sa senso noong 2010) 10 bahagdan ay mga Moro o Muslim.[1]

Mindanao
Palayaw: Timog Pilipinas
Heograpiya
LokasyonTimog Silangang Asya
ArkipelagoPilipinas
Sukat104,530 km2 (40,359 mi kuw)
Ranggo ng sukatIka-19
Pinakamataas na elebasyon3,412 m (11,194 tal)
Pamamahala
Demograpiya
Populasyon21,968,174
Densidad ng pop.232 /km2 (601 /mi kuw)

Ang Mindanao ang bukod tanging pook heograpikal sa Pilipinas na may malaking bilang ng mga Muslim. Ang pinakatimog na bahagi ng Mindanao, partikular ang lalawigan ng Maguindanao Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi (na bahagi ng Nagsasariling Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim na Mindanao (BARMM), ay tahanan ng nakararaming Pilipinong Muslim. Dahil sa malawakang kahirapan, pagkakaiba-iba ng relihiyon, ang pulo ay kinakitaan ng paghihimagsik ng mga komunista, pati na rin ng mga kilusang armadong separatistang Muslim.

Kasaysayan

baguhin
 
Isang lumang mapang Kastila ng pulo ng Mindanao.

Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na ginawa noong ika-17 at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay ginamit upang tukuyin ang pulo ng mga makapangyarihang katutubo ng panahong iyon.

Unang lumaganap ang Islam sa rehiyon noong ika-13 dantaon sa pamamagitan ng mga mangangalakal na Arabe mula sa kasalukuyang Malaysia at Indonesia. Bago pa man maganap ito, ang mga katutubo ay pangunahing mga animista na naninirahan sa mga maliliit na pamayanan.[2] Karamihan sa mga taal na populasyon ng mga Tausug, Maranao at Maguindanaon ay agad na lumipat sa pananampalatayang Islam maliban sa mga mailap na Subanon, Talaandig, Higaonon at ilang maliliit na mga tribo na tumangging makipag-ugnayan sa mga Arabeng misyonero ng Islam.

Itinayo ang pinakaunang moske sa Pilipinas noong kalagitnaan ng ika-14 na dantaon sa bayan ng Simunul.[2] Sumunod ang mga kasultanan ng Sulu at Maguindanao noong ika-15 at ika-16 na dantaon. Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon hanggang unang bahagi ng ika-17 dantaon, naganap ang unang pagtatagpo sa mga Kastila. Sa panahong ito, maayos nang nakatatag ang Islam sa Mindanao at nagsisimula nang manghikayat sa mga pangkat sa malalaking kapuluan ng Kabisayaan tulad ng Cebu at Bohol, gayundin sa dulong hilagang bahagi, tulad ng Maynila sa Kalusunan.[2]

Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, labis silang nabagabag nang matagpuan nilang matibay ang katayuan ng Islam sa pulo ng Mindanao, bilang katatapos lang mapaalis ang mga Moors mula sa Espanya pagkatapos nang dantaong labanan sa ilalim ng Reconquista. Sa katunayan, ang pangalang Moro ay wikang Kastila para sa "Moors", na ibinigay sa mga Muslim na naninirahan sa Mindanao.[2] Pinangalanan ni Villalobos na Caesarea Caroli ang pulo ng Mindanao nang maabot niya ang dalampasigan nito. Isinunod ito kay Carlos V ng Banal na Emperyong Romano (at I ng Espanya).

Heograpiya

baguhin

Ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas ang Mindanao na may sukat na 104,630 kilometro kwadrado, at ikawalang pinakamataong pulo sa buong daigdig. Higit na malaki ang pulo ng Mindanao kaysa sa 125 mga bansa sa daigdig, kabilang ang Netherlands, Austria, Portugal, Czech Republic, Hungary, at Ireland. Ang pulo ay bulubundukin, at kung saan matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Napalilibutan ng 4 na dagat ang Mindanao: ang Dagat Sulu sa kanluran,[3] Dagat Pilipinas sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat Mindanao sa hilaga. Sa lahat ng mga pulo sa Pilipinas, Mindanao ang may pinakamalawig ang pagkakaiba-iba ng pisyograpikong katangian.

Ang pangkat ng pulo ng Mindanao ay sinasaklaw ang pulo ng Mindanao kasama ang Kapuluan ng Sulu sa timog kanluran. Ang pangkat ng mga pulo ay nahahati sa anim na rehiyon, na hinati pa sa 26 na lalawigan.

Pangkat ng mga pulo ng Mindanao

baguhin
 
Ang pinamalaking lungsod sa Mindanao ang Lungsod ng Davao

Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong administratibo. Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga lalawigan, kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao. Kasama sa grupo ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing isla ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito tulad ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at mga Isla ng Sarangani.

Paghihiwalay

baguhin

Panahon pa ng dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. Ang isinusulong ng taga-Mindanao ang paghihiwalay ng estado sa Luzon at Kabisayaan sa Pilipinas, ay hindi sinangayonan ng gobyerno ng Pilipinas noong ika 1972 matapos ang kaguluhan.

Mga rehiyon ng Mindanao
Rehiyon Luklukang pampangasiwaan (sentrong panrehiyon) Paglalarawan
Tangway ng Zamboanga (Rehiyon IX)
 
Lungsod ng Zamboanga Dating Kanlurang Mindanao, ang Tangway ng Zamboanga ay matatagpuan sa tangway ng mismong pangalan. Ito ay binubuo ng mga probinsiya ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at ng dalawang lungsod—Siyudad ng Zamboanga at Siyudad ng Isabela—na hindi sakop ng alinmang lalawigan. Ang Siyudad Isabela ang tanging teritoryong wala sa mismong isla ng Mindanao, ito ay nasa Basilan. Ang administratibong kabisera ng rehiyon ay ang Lungsod ng Pagadian. Ang buong rehiyon ay iisang probinsiya dati na tinawag na Zamboanga.
Hilagang Mindanao (Rehiyon X)
 
Cagayan de Oro Ang Hilagang Mindanao ay binubuo ng mga probinsiya ng Bukidnon, Camiguin, Lanao del Norte, Misamis Occidental, at Misamis Oriental. Ang lalawigan ng Camiguin ay isa ring pulo sa may hilagang baybayin.
Davao (Rehiyon XI)
 
Lungsod ng Davao Dating Timog Mindanao, ang rehiyon ng Davao ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Mindanao. Ang rehiyon ay nahahati sa mga lalawigan ng Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, at Davao de Oro; kasama pati ang Lungsod ng Davao. Ang Golpo ng Davao ay nasa timog at ang isla ng Samal sa golpo ay kabilang din sa rehiyon, pati ang mga Isla ng Sarangani.
Socsksargen (Rehiyon XII)
 
Koronadal Dating Gitnang Mindanao, ang SOCCSKSARGEN ay matatagpuan sa timog-gitnang bahagi ng isla. Binubuo ito ng mga probinsiya ng Cotabato, Sarangani, Timog Cotabato, at Sultan Kudarat. Ang pangalan ng rehiyon ay isang akronim ng mga pangalan ng mga probinsiya nito kasama ang lungsod ng General Santos.
Caraga (Rehiyon XII)
 
Butuan Ang Caraga ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang parte ng Mindanao. Ang kanyang mga probinsiya ay Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, at Surigao del Sur. Kabilang sa rehiyong ito ang mga nakaratag na isla ng Surigao del Norte tulad ng Isla ng Dinagat, Isla ng Siargao, at Bucas Grande.
Bangsamoro (BARMM)
 
Lungsod ng Cotabato Ang Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao ay isang espesyal na rehiyon na kinabibilangan ng mga teritoryo kung saan ang mayoriya ng populasyon ay moro. Kasama dito ang halos buong Kapuluang Sulu (ang Siyudad ng Isabela ng Basilan ay bahagi ng rehiyong Peninsula ng Zamboanga) at dalawang probinsiya sa isla ng Mindanao. Ang mga lalawigang bumubuo sa Kapuluang Sulu ay Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Ang Basilan at Tawi-Tawi ang mga pangunahing isla ng kanilang mga lalawigan, Isla ng Jolo naman ang sa Sulu. Ang mga probinsiya sa mismong isla ng Mindanao ay ang Lanao del Sur at Maguindanao.
 
Pinakamalalaking mga lungsod o bayan sa [[{{{country}}}]]
Source: 2020 PH Census Bureau Estimate
Ranggo Rehiyon Pop. Ranggo Rehiyon Pop.
 
Davao City
 
Zamboanga City
1 Davao City Davao Region 1,776,949 11 Panabo Davao Region 209,230  
Cagayan de Oro
 
General Santos
2 Zamboanga City Zamboanga Peninsula 977,234 12 Marawi Bangsamoro 207,010
3 Cagayan de Oro Northern Mindanao 728,402 13 Koronadal Soccsksargen 195,398
4 General Santos Soccsksargen 697,315 14 Malaybalay Northern Mindanao 190,712
5 Butuan Caraga 372,910 15 Digos Davao Region 188,376
6 Iligan Northern Mindanao 450,583 16 Polomolok Soccsksargen 172,605
7 Cotabato City Bangsamoro 325,079 17 Surigao City Caraga 171,107
8 Tagum Davao Region 296,202 18 Midsayap Soccsksargen 165,376
9 Valencia Northern Mindanao 216,546 19 Pikit Soccsksargen 164,646
10 Pagadian Zamboanga Peninsula 210,452 20 Kidapawan Soccsksargen 160,791

Mga kawing na panlabas

baguhin
 
Wiktionary
Tingnan ang Mindanao sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Calderon, Justin (22 Abril 2013). "Unearthed gem". Inside Investor. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2018. Nakuha noong 29 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Koerner, Brendan I. (28 Enero 2005). "How Islam got to the Philippines". Slate. Nakuha noong 4 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. C.Michael Hogan. 2011. Sulu Sea. Encyclopedia of Earth. Eds. P.Saundry & C.J.Cleveland. Washington DC

Silipin din Mga Rehiyon ng Pilipinas, Mga Lalawigan ng Pilipinas, Luzon, at Visayas.