Maguindanao
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ang Maguindanao (pagbigkas: ma•gin•dá•naw) ay dating lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Awtonomong Rehiyon ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa Pambansang Tanggapan ng Estadistika (NSO, Mayo 2000), ito ang may pinakamalaking populasyon ito sa rehiyon. Mabundok ang hilagang bahagi nito maliban sa bahaging nakapaligid sa Lungsod Cotabato. Agrikultural ang lalawigang ito. Mais, palay at niyog ang mga pangunahing produkto ng lalawigang ito.
Lalawigan ng Maguindanao | |||
---|---|---|---|
| |||
Mapa ng Pilipinas na nakakulay ang Maguindanao | |||
Mga koordinado: 7°08′N 124°18′E / 7.13°N 124.3°E | |||
Bansa | Pilipinas | ||
Rehiyon | Bangsamoro | ||
Itinatag | 22 Nobyembre 1973 | ||
Kabisera | Buluan | ||
Pamahalaan | |||
• Gobernador | Bai Mariam S. Mangudadatu (Nacionalista) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 7,142.0 km2 (2,757.5 milya kuwadrado) | ||
Ranggo sa lawak | ika-11 sa 80 | ||
Populasyon (2010) | |||
• Kabuuan | 944,718 | ||
• Ranggo | TBA | ||
• Kapal | 130/km2 (340/milya kuwadrado) | ||
• Ranggo sa densidad | TBA | ||
Dibisyon | |||
• Malalayang lungsod | 1 | ||
• Bahaging lungsod | 0 | ||
• Bayan | 36[1] | ||
• Barangay | 506[2] kasama ang mga malalayang lungsod: 529 | ||
• Distritong pambatas | Una at ikalawang distrito ng Maguindanao (kasama ang Lungsod ng Cotabato) | ||
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | ||
Mga wikang isinasalita | Maguindanao |
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Maguindanao sa gitnang bahagi ng Mindanao, at napapalibutan ng Lanao del Sur sa hilaga, Cotabato sa silangan, Sultan Kudarat sa timog, at Look ng Illana sa kanluran.
Mga paghahating pampangasiwaan
baguhinAng lalawigan ng Maguindanao ay nahahati sa 36 mga bayan, na nahahati sa 506 na barangay. Karaniwang sinasama sa Maguindanao ang Lungsod ng Cotabato, ngunit malaya ito sa lalawigan.
May dalawang distritong pambatas ang Maguindanao. Dating kinilala bilang hiwalay na lalawigan ang unang distrito, na isinabatas ng Batasang Panrehiyon ng Rehiyong Autonomo sa Muslim na Mindanao bilang Shariff Kabunsuan noong Oktubre 2006. Ngunit ipinawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ang paglikha ng lalawigang ito noong Hulyo 2008, sa batayang nasa kapangyarigan ng lehislatura ng Pilipinas ang paglikha ng isang lalawigan. Binalik ang dating teritoryo ng lalawigan sa Maguindanao.
- † Kabiserang bayan
- Bayan
- ∗∗ Malayang nakapaloob na lungsod (heograpikong nakapangkat sa lalawigan lamang)
|
Nasaksihan ng lalawigan ang kamakailang pagtatag ng bagong mga bayan, lalo na noong dekada-2000. Winika ng noo'y kalihim ng Batasang Kapulungan ng ARMM na si Dick Mali na makatutulong ang gayong mga pagtatag sa “pagbabahagi at pagkalat ng mga gawain at yaman” at makabibigay sa mga tao ng “mas-matalab na pampublikong paglilingkod at pamamahala mula sa kanilang pampublikong mga opisyal.” Subalit ayon kay Benedicto Bacani ng Surian ng Autonomiya at Pamamahala sa Pamantasang Notre Dame, ang gayong mga hakbang ay mga pamamaraan upang maiwasan ang posibleng mga sigalot sa pagitan ng mga pamilyang pampolitika sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang sariling mga yunit ng lokal na pamahalaan kung saang magkakaroon sila ng mga puwesto sa pamahalaan.[8]
Ipinapanukalang paghahati ng lalawigan
baguhinInihain ni dating Kinatawan Bai Sandra Sema (na pinagbawalan na tumakbo para sa isa pang termino sa kaniyang kasalukuyang distrito sa taong 2019 sang-ayon sa batas) ang Panukalang Batas Bkg. 5185 sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Marso 2, 2017. Nilayon nitong makapagtatag ng Maguindanao North, isang bagong lalawigan na binubuo ng 11 bayan at 2 distritong pambatas, kung saang Datu Odin Sinsuat ang magiging kabisera.[9] Kamakailang naghain ang pumalit sa kaniyang si Kinatawan Datu Roonie Sinsuat, Sr. ng isang bagong panukalang batas na naglalayog magtatag ng parehong lalawigan, pero tatawagin na itong Kanluraning Maguindanao (Western Maguindanao).
Tingnan din
baguhinTalababa
baguhin
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-18. Nakuha noong 2012-12-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-18. Nakuha noong 2012-12-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Province: Maguindanao". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 8 Enero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). Population and Annual Growth Rates for The Philippines and Its Regions, Provinces, and Highly Urbanized Cities (PDF). NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brief Profile". Provincial Government of Maguindanao. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 15 Abril 2015. Nakuha noong 15 Abril 2016.
Land Area; Maguindanao has a total land area of 597,052.79 hectares.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSGC Interactive; List of Provinces". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 11 Enero 2013. Nakuha noong 29 Marso 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "'Creating More LGUs Prevents Conflicts in ARMM'". ABS-CBN News. Marso 30, 2008. Nakuha noong Hunyo 9, 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sema, Bai Sandra Sinsuat A. (2 Marso 2017). "House Bill No. 5185 - An Act Creating the Province of Maguindanao North" (PDF). Congress of the Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 25 Hunyo 2017. Nakuha noong 8 Setyembre 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- May kaugnay na midya ang Maguindanao sa Wikimedia Commons
- Gabay panlakbay sa Maguindanao mula sa Wikivoyage
- Geographic data related to Maguindanao at OpenStreetMap
- COMELEC Resolution No. 8169
- Mga Resulta ng Plebisito ng COMELEC para sa 3 bagong mga bayan ng Maguindanaot
- Local Governance Performance Management System