Caraga
Ang Caraga ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao. Nabuo ito sa bisa ng Republic Act No. 7901 noong 23 Pebrero 1995 na inaprubahan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ang Rehiyon ay binubuo ng lima (5) na lalawigan: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands; tatlong (3) lungsod: Butuan, Surigao at Bislig; pitumpong (70) bayan at 1,346 na barangay. Ang Lungsod ng Butuan ang Sentrong Pang-Rehiyon.
Region XIII | |
Sentro ng rehiyon | Lungsod ng Butuan |
Populasyon
– Densidad |
2429224 {{{density_km2}}} bawat km² |
Lawak | 21471 km² |
Dibisyon – Lalawigan |
5 6 70 1,310 7 |
Wika | Surigaonon, Cebuano, Butuanon, Manobo, at iba pang mga wikang katutubo |
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang rehiyon ng Caraga sa hilagang silangang bahagi ng pulo ng Mindanao, sa pagitan ng 8 00' to 10 30' N. latitude and 125 15' to 126 30' E. longitude. Naghahanggan ito sa hilaga sa Dagat Bohol; sa mga lalawigan ng Davao, Compostella Valley at Davao Oriental ng Rehiyon XI sa katimugan; sa Bukidnon at Misamis Oriental ng Rehiyon X sa kanluran; at sa Dagat Pilipinas at Karagatang Pasipiko sa silangan.
May kabuuang 18,846.97 km² sakop na lupa ang rehiyon na kumakatawan sa 6.3% ng kabuuang sukat ng bansa at 18.5% ng pulo ng Mindanao. 47.6% ng kabuuang sukat ng rehiyon ay sakop ng lalawigan ng Agusan del Sur. Sa kabuuang sukat ng lupa, 71.22% dito ay kagubatan.
Klima
baguhinAng Rehiyon ng Caragay ay may Kauriang II (Type II) klima. Tuwing buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero, madalas nararanasan ang malalakas na ulan sa rehiyon.
Wika
baguhinSurigaonon ang pangunahing wika sa rehiyon, at sinasalita ng 33.21% ng mga mamamayan na sinundan ng Butuanon na sinasalita ng 15% ng mga mamamayan. Katutubong wika sa rehiyon ang Surigaonon na sinasalita sa mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur at sa ilang bahagi ng Agusan del Norte partikular sa mga bayan malapit sa Lawa ng Mainit.
Relihiyon
baguhinAyon sa senso noong 1995, Katolisismo ang pangunahing relihiyon sa rehiyon, na may populasyon na 1,397,343 o 79% ng kabuuang populasyon ng Caraga.
Pagkakahating pampolitika
baguhinNahahati ang rehiyon ng Caraga sa limang lalawigan at ng Lungsod ng Butuan.
Lalawigan/Lungsod | Kabisera | Wika | Populasyon (2010)[1] |
Area (km²) |
Pop. density (per km²) | |
---|---|---|---|---|---|---|
Agusan del Norte | Lungsod ng Cabadbaran | Butuanon/Agusan/Sebwano | 332,487 | 1,773.2 | 187.5 | |
Agusan del Sur | Prosperidad | Agusan/Surigaonon/Butuanon/Sebwano | 656,418 | 8,966.0 | 73.2 | |
Dinagat Islands | San Jose | Sebwano/Waray/Surigaonon | 126,803 | 3,009.27 | 42.1 | |
Surigao del Norte | Lungsod ng Surigao | Surigaonon/Butuanon/Sebwano | 442,588 | 1,936.9 | 228.5 | |
Surigao del Sur | Lungsod ng Tandag | Surigaonon/Kamayo/Agusan/Sebwano | 561,219 | 4,552.2 | 123.3 | |
Lungsod ng Butuan | ----- | Sebwano/Wikang Butuanon | 309,709 | 817.3 | 378.9 |
¹ Ang Lungsod ng Butuan ay kabilang bilang isang pambansang entidad dahil ito ay isang mataas na urbanisadonog lungsod; ang mga datos nito ay nakahiwalay mula sa Agusan del Norte.
Ang kasaysayan ng Caraga ay nagsimula noong ika-15 ng siglo, nang ang mga maglalayag ay matuklasan ang mga "Kalagan", na pinaniniwalaang Visaya ang pinanggalingan, na mula sa isa sa tatlong distrito ng Mindanao. Nabuo ang pangalang Caraga sa salitang Bisaya na kalagan na mula sa kalag na nangangahulugang "kaluluwa (soul)" o "tao (people)" at An na ngangahulugang "lupain (land)". Ang mga "Kalagan" ay may mahabang kasaysayan ng katapangan at walang kinatatakutan. Kaya ang Rehiyon ay tinawag ng mga unang mga tagapag-tala na "Lupa ng Matatapang at Walang Takot."
Ang mga "Kalagan", na tinawag na "Caragan" ng mga Kastila ay namuhay sa bahagi na binubuo ng dalawang lalawigan ng Surigao, hilagang dako ng Davao Oriental at Silangang Ozamis Oriental. Ang dalawang lalawigan ng Agusan ay huling binuo sa ilalim ng pangangasiwa ng Surigao at nag-sarili bilang Lalawigan ng Agusan noong 1914. Noong 1960, ang Surigao ay nahati sa Norte at Sur, at noong 1967, ang Agusan ay sumunod na rin. Samantalang ang Butuan noon ay isa pa lamang bayan ng Agusan, ang paglago ng industriya ng pag-totroso ay humikayat ng pangangalakal at mga mangangalakal sa lugar na ito. Noong 2 Agosto 1950, sa bisa ng Republic Act 523, ang saligan ng pagka-lungsod ng Butuan ay pinagtibay.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Final results - 2010 Census of Population" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-09-28. Nakuha noong 2013-09-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)