Ang Geheime Staatspolizei (Pagbigkas sa Aleman: [ɡəˈhaɪmə ˈʃtaːtspoliˌtsaɪ]  ( pakinggan);, pinaikli bilang Gestapo ( /ɡəˈstɑːp/ gə-STAH-poh, Aleman: [ɡəˈʃtaːpo]  ( pakinggan)),[3] ang opisyal na pulisyang lihim ng Alemanyang Nazi at mga sinakop nito sa Europa.

Gestapo
Geheime Staatspolizei

Pambansang himpilan ng Gestapo sa Kalye 8 Prinz Albrecht sa Berlin (1933)
Buod ng Ahensya
Pagkabuo26 Abril 1933 (1933-04-26)
Preceding agency
  • Lihim na Pulisya ng Prusya
Binuwag8 Mayo 1945 (1945-05-08)
UriLihim na Pulisya
KapamahalaanAlemanyang Nazi at mga sinakop nito
Punong himpilanNiederkirchnerstraße, Prinz-Albrecht-Straße 8, Berlin
52°30′25″N 13°22′58″E / 52.50694°N 13.38278°E / 52.50694; 13.38278
Empleyado32,000 (taya noong 1944)[1]
Mga ministrong may pananagutan
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
Pinagmulan na ahensiya

Binuo ang ahensiya ni Hermann Göring noong 1933 sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba't ibang ahensyang pulisya ng Prusya sa iisang organisasyon. Noong ika-20 ng Abril 1934, inilipat ang pamumuno sa Gestapo sa pinuno ng Kawal Schutzstaffel (SS) na si Heinrich Himmler, na siya ring tinalaga na hepe ng Pulisya ng Alemanya ni Adolf Hitler noong 1936. Mula 27 Setyembre 1939, pinangasiwaan ito ng Reich Security Main Office (RSHA) at tinuturing na kapatid na organisasyon ng Sicherheitsdienst (SD; Lingkod Seguridad).

Malawakang mga atraso ang isinagawa ng Gestapo habang ito ay umiral. Ginamit ang Gestapo upang supilin ang mga kritiko ng rehimeng Nazi, sindikato, mga pangkat-etnikong Sinti at Roma, mga may kapansanan, mga bakla at tomboy, at higit sa lahat, mga Hudyo.[4] Madalas na di na sumasailalim sa anumang angkop na prosesong ligal ang mga inaaresto ng Gestapo tulad ng mga bilanggong pulitikal at simula 1941 ay di na nililitaw. [5] Gayunman, kaila sa umiiral na persepsyon, relatibong maliit lamang na organisasyon ang Gestapo na may limitadong kakayahang maniktik bagaman napakaepektibo nila bunga ng mulat na kagustuhan ng mga karaniwang Aleman na ipagkanulo ang kapwa nila mga mamamayan. Malaki ang naging pananagutan ng Gestapo sa Holocaust noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang matapos ang digmaan, idineklarang organisasyong kriminal ang Gestapo ng Pandaigdigang Hukumang Militar sa isinagawang mga paglilitis sa Nuremberg at ilang lider ng Gestapo ang hinatulan ng bitay.

Panunupil at pag-uusig sa oposisyon

baguhin

Sa maagang yugto ng rehimen ni Hitler, mararahas na patakaran ang ipinatupad laban sa mga kalaban sa pulitika at mga ideolohikal na katunggali ng Nazismo tulad ng mga kasapi ng Partido Komunista ng Alemanya (KPD).[6] Dahil nagmumukhang may-alam-sa-lahat at makapangyarihan ang Gestapo, nagbunga ito ng pagkasindak na nagpalaki sa ilusyon ng aktwal na kakayahan nito na siya namang dahilan kung bakit hindi lubos na napagana ng mga kilusang lihim kontra sa rehimeng Nazi ang kanilang mga makinarya. [7]

Mga larawan

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Gellately 1992, p. 44.
  2. Wallbaum 2009, p. 43.
  3. Childers 2017, p. 235.
  4. Johnson 1999, pp. 483–485.
  5. Snyder 1994, p. 242.
  6. Delarue 2008, pp. 126–140.
  7. Merson 1985, p. 50.