Partidong Nazi

(Idinirekta mula sa Nazismo)

Ang Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman (Aleman: tungkol sa tunog na ito Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei , pinaikling NSDAP), na mas kilala bilang Partidong Nazi o Nazi, ay isang pampolitika na partido sa Alemanya mula 1920 hanggang 1945. Ang partidong ito ay itinatag mula sa kasalukuyang (nang mga panahong ito) malayong-kanan (far-right) at rasistang (racist) kilusang Alemang völkisch nasyonalista at ang marahas na anti-komunistang Freikorps paramilitar na kultura na lumaban sa pag-aalsa ng mga rebolusyonaryong komunista sa Alemanya pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Ang partidong ito ay nilikha ni Anton Drexler bilang paraan upang hatakin ang mga manggagawa papalayo sa komunismo at patungo sa nasyonalismong völkisch. Sa simula, ang pampolitika na stratehiya ng Nazi ay nakatutok sa laban-sa malalaking negosyo, anti-bourgeois, at anti-kapitalistang mga retoriko bagaman ang mga aspetong ito ay nawalan ng kahalagaan pagdating nang mga 1930 upang makamit ang suporta para sa Nazi ng mga may ari ng mga industriya. Ang pokus ay lumipat naman sa anti-semitiko at anti-marxistang mga tema. Ang huling pinuno ng partidong ito si Adolf Hitler na hinirang na Kansilyer ng Alemanya ng pangulong si Paul von Hindenburg noong 1933. Mabilis na itinatag ni Hitler ang isang rehimeng totalitarian na tinatawag na Ikatlong Reich (Third Reich).

Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang Aleman
Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei
PinunoAnton Drexler
1920–1921
Adolf Hitler
1921–1945
Itinatag1920
Binuwag1945
Humalili saPartido ng Manggagawang Aleman (DAP)
Sinundan ngWala; Ipinagbawal
Ang mga idelohiya ay ipinagpatuloy sa Maka-nazismo
Punong-tanggapanMunich, Alemanya[1]
PahayaganVölkischer Beobachter
Pangakabataang BagwisKabataang Hitler
Paramilitary wingSturmabteilung (SA)
Bilang ng kasapi'Di hihigit sa 60
(noong 1920)
8.5 milyon
(pagsapit ng 1945)
PalakuruanNazismo
Posisyong pampolitikaRadikal na kanan[2][3][4]
Kasapaing pandaigdigN/A
Opisyal na kulayItim, Puti, Pula (mga kulay pangimperyal); Kayumanggi
Website
N/A

Pag-akyat sa kapangyarihan

baguhin

Ang malaking pagbabago sa ambisyong pampolitika ni Hitler ay nangyari nang dumating ang isang Dakilang Depresyon sa Alemanya noong 1930. Ang Republika ng Weimar ay nahirapang kumapit sa lipunang Aleman at humarap sa matinding oposisyon mula sa mga ekstremistang kanan (right wing) at kaliwa (left wing). Ang mga moderatong (moderate) mga partido na nangako ng isang demokratikong parlamentaryong republika ay patuloy na walang kakayahang pigilan ang paglago ng ekstremismo. Ang reperendum ng Alemanya noong 1929 ang nagpataas ng kasikatan ng ideolohiyang Nazi. Noong eleksiyon na naganap noong 1930, natalo ang mayoridad (majority) ng mga moderato na nagresulta sa pagkakabahagi ng dakilang koalisyon at pagpapalit nito ng isang gabineteng minoridad (minority). Ang pinuno nitong si Kansilyer Heinrich Brüning ng partidong Sentro (center) ay nangasiwa sa pamamagitan ng mga atas ng pangulo ng estadong si Paul von Hindenburg. Sa pagpapahintulot ng mga karamihan sa partido, ang pangangasiwa sa pamamagitan ng mga atas ay naging kagawian at ito ang nagbigay daan sa mga autoritariang anyo ng pamahalaan. Ang Nazi ay umangat mula sa hindi pagkakakilanlan hanggang sa pagkapanalo nito ng 18.3% ng boto at 107 parlamentaryong upuan (seats) noong 1930 eleksiyon na nagdulot dito upang maging ikalawang pinakamalaking partido sa parlamento ng Alemanya.

Ang paglakas ng pampolitika na kapangyarihan ni Hitler ay naramdaman sa paglilitis ng dalawang opiser ng Reichswehr na sina Tenyente Richard Scheringer at Hans Ludin noong tagsibol nang 1930. Ang parehong ito ay kinasuhan ng pagiging miyembro ng Nazi na sa panahong ito ay ilegal para sa mga personel ng Reichswehr. Ang prosekusyon ay nangatwirang ang Nazi ay isang mapanganib na ekstremistang partido na nagtulak sa abogado ng mga isinasakdal na tawagin si Hitler upang tumestigo sa korte. Sa testimonya ni Hitler noong 25 Setyembre 1930, isinaad ni Hitler na ang kanyang partido ay nagpapaplanong umakyat sa kapangyarihan sa pamamagitan lamang ng demokratikong mga eleksiyon at ang Nazi ay kaibigan ng Reichswehr. Ang testimonyang ito ni Hitler ang umani kay Hitler ng maraming mga tagasunod sa pangkat ng mga opiser.

Ang mga hakbang ng pagtitipid sa pinansiya at badyet ng pamahalaan ni Brüning ay nagdulot ng kaunting pagbuti ng ekonomiya at naging labis na hindi tanyag sa mga botante. Ang kahinaang ito ay kinasangkapan ni Hitler sa pamamagitan ng pagpapatama ng kanyang mga mensaheng pampolitika sa mga segmento ng populasyon na lubos na tinamaan ng inplasyon (pagtaas ng presyo) noong mga 1920 at kawalang trabaho gaya ng mga magsasaka, mga beterano ng digmaan, at gitnang klase (middle class).

Pormal na itinakwil ni Hitler ang kanyang pagkamamamayang Austriano noong 7 Abril 1925 ngunit sa parehong panahon ay hindi kumuha ng pagkakamamamayang Aleman. Sa halos pitong taon, si Hitler ay walang estado kaya wala siyang kakayahang makatakbo sa isang pampolitika na puwesto bukod sa nahaharap sa panganib ng deportasyon. Noong 25 Pebrero 1932, ang panloob na kalihim ng Brunswick na miyembro ng Nazi ay humirang kay Hitler bilang tagapangasiwa ng delegasyon ng estado sa Reichsrat sa Berlin na gumawa kay Hitler bilang mamamayan ng Brunswick gayundin ng Alemanya.

Noong 1932, si Hitler ay tumakbo laban sa may edad nang Pangulong si Paul von Hindenburg sa eleksiyon ng pagkapangulo. Ang pagtatagumpay ng kanyang kandidasya ay nabigyang diin sa kanyang pananalumpati sa Industry Club ng Düsseldorf na umani sa kanya ng malawak na suporta ng iba ibang mga partidong nasyonalista, monarkista, katoliko, republikano at kahit sa sosyal na mga demokrato. Ginamit ni Hitler ang slogan sa kanyang kampanya na "Hitler über Deutschland" ("Hitler sa ibabaw ng Alemanya") na isang reperensiya sa kanyang parehong pampolitika na mga ambisyon at pangangampanya gamit ang eroplano. Si Hitler ay lumagay sa ikalawa sa parehong pag-ikot ng eleksiyon at umani ng mahigit sa 35% ng boto sa huling eleksiyon. Bagaman si Hitler ay natalo kay Hindenburg, ang eleksiyon na ito ay gumawa kay Hitler bilang isang kapani-paniwalang puwersa sa politika ng Alemanya.

Noong Setyembre 1931, ang pamangking babae ni Hitler na si Geli Rauba ay nagpatiwakal gamit ang baril ni Hitler sa kanyang apartmento. Pinaniniwalaang may ugnayang romantiko si Rubal kay Hitler at ang kanyang kamatayan ang nagdulot ng matinding sakit kay Hitler.

Mga botong nakuha ng Nazi sa Pederal na eleksiyon ng Alemanya
Petsa Kabuuan ng
mga boto
Persentahe ng
mga boto
Mga silya sa
Reichstag
Mga komento
Mayo 1, 1924Mayo 1924 &0000000001918300.0000001,918,300 &0000000000000006.5000006.5 &0000000000000032.00000032 Si Hitler ay nasa bilangguan
Disyembre 1, 1924Disyembre 1924 &0000000000907300.000000907,300 &0000000000000003.0000003.0 &0000000000000014.00000014 Si Hitler ay pinalaya sa bilangguan
Mayo 1, 1928Mayo 1928 &0000000000810100.000000810,100 &0000000000000002.6000002.6 &0000000000000012.00000012  
Setyembre 1, 1930Setyembre1930 &0000000006409600.0000006,409,600 &0000000000000018.30000018.3 &0000000000000107.000000107 Pagkatapos ng krisis pinansiyal
Hulyo 1, 1932Hulyo 1932 &0000000013745800.00000013,745,800 &0000000000000037.40000037.4 &0000000000000230.000000230 Pagkatapos na maging kandidato sa pagkapangulo si Hitler
Nobyembre 1, 1932Nobyembre 1932 &0000000011737000.00000011,737,000 &0000000000000033.10000033.1 &0000000000000196.000000196  
Marso 1, 1933Marso 1933 &0000000017277000.00000017,277,000 &0000000000000043.90000043.9 &0000000000000288.000000288 Noong termino ni Hitler bilang Kansilyer ng Alemanya

Pamumuno ni Hitler

baguhin

Pagkakahirang bilang Kansilyer

baguhin
 
Si Hitler sa bintana ng Kansilyerya ng Reich at tumanggap ng obasyon (ovation) sa gabi ng kanyang inaugurasyon bilang Kansilyer noong 30 Enero 1933

Dahil sa kahirapan ng pagbuo ng isang matatag at epektibong gobyerno, dalawa sa maimpluwensiya (influential) na mga politikong sina Franz von Papen at Alfred Hugenberg gayundin ang ilang mga industriyalista at negosyante kabilang sina Hjalmar Schacht at Fritz Thyssen ay sumulat kay Hindenburg na humihikayat dito na hirangin si Hitler bilang pinuno ng gobyerno na "independiyente sa mga partidong parlamentaryo" na maaaring maging isang kilusan na "makapagpapaligaya sa milyong mga tao".

Dahil sa ang dalawang eleksiyong parlamentaryo noong Hulyo at Nobyembre 1932 ay bigong nagresulta na makabuo ng isang mayoridad (majority) na gobyerno, may pag-aatubiling hinirang ni Pangulong Hindenburg si Hitler bilang kansilyer ng koalisyong gobyerno na binubuo ng Nazi at partido Hugenberg (Alemang Pambansang Partido ng mga Tao o DNVP). Ang impluwensiya ng Nazi ay pinaniniwalaang limitado lamang sa alyansa ng mga konserbatibong kalihim ng gabinete na ang pinakakilala ay sina von Papen bilang bise-Kansilyer at Hugenberg bilang kalihim ng ekonomiya. Ang tanging isa pang miyembro ng Nazi maliban kay Hitler ay si Wilhelm Frick na binigyan ng kalihim ng panloob. Gayunpaman, bilang konsesyon sa Nazi, si Hermann Göring na sa mga panahong ito ay pinuno ng pulisya ng Prusya ay pinangalang kalihim na walang portpolyo. Kaya bagaman ninais ni von Papen na ilagay si Hitler bilang pigurangpinuno (figurehead o posisyong walang aktuwal na kapangyarihan) lamang, ang Nazi ay nagkamit ng mga mahahalagang mga posisyong pampolitika.

Noong 30 Enero 1933, si Hitler ay sumumpa bilang Kansilyer sa isang maikli at simpleng seremonya sa opisina ni Hindenburg. Ang unang talumpati ni Hitler bilang Kansilyer ay naganap noong Pebreo 10, 1933. Ang pagsunggab na ito ng kapangyarihan ay kalaunang nakilala bilang Machtergreifung or Machtübernahme.

Sunog sa Reichstag at Marsong eleksiyon

baguhin

Bilang kansilyer, si Hitler ay lumaban sa mga pagtatangka ng kanyang mga kalabayang pampolitika na bumuo ng mayoridad (majority) na gobyerno. Dahil sa hindi pagkakasunduang pampolitika, si Hitler ay humiling kay Pangulong Hindenburg na buwagin muli ang Reichstag. Ang eleksiyon ay itinakda sa simula ng Marso. Noong Pebrero 1933, ang gusali ng Reichstag ay sinunog at dahil si Marinus van der Lubbe na isang Dutch na independiyenteng komunista ay natagpuan sa nasusunog na gusali, ang isang pagtatangkang komunista ay sinisi na dahilan ng sunog na ito. Ang sentral na gobyerno ay tumugon sa sunog sa Reichstage sa pamamagitan ng isang atas na tinatawag na Atas ng Sunog sa Reichstag noong Pebrero 28 na nagaalis sa mga pangunahing karapatan kabilang na ang habeas corpus. Ang mga aktibidades ng Partidong Alemang Komunista ay sinugpo at ang mga miyembro nito ay dinakip, pinwersang pinalayas o pinatay.

Bukod sa pangangampanyang pampolitika, ang Nazi ay gumamit din ng dahas paramilitar at nagpakalat ng anti-komunistang propaganda sa mga araw bago ang eleksiyon. Noong araw ng eleksiyon noong 6 Marso 1933, ang botong nakuha ng Nazi ay dumami sa 43.9% ng kabuuang boto at nakakuha ng pinakamaraming silya (seats) sa parlamento. Gayunpaman, ang partido ni Hitler na Nazi ay nabigong makakuha ng tiyak na mayoridad (majority) na nagresulta sa pangangailangan ng koalisyon sa partidong DNVP.

Araw ng Potsdam at Aktong Pagpapayag

baguhin

Noong 21 Marso 1933, ang bagong Reichstag ay itinatag sa pamamagitan ng isang bukas na seremonya na idinaos sa simbahang garrison ng Postdam. Ang Araw ng Potsdam ay idinaos upang ipakita ang rekonsilyasyon sa pagitan ng rebolusyonaryong kilusang Nazi at Lumang Prussia kabilang ang mga elitista nito at mga tinatantong mga birtud. Si Hitler ay lumabas na suot ang isang amerikanang may buntot (tail coat) at pakumbabang binati ang may edad ng pangulong si Hindenburg.

Sa paghahanap ng Nazi ng buong pampolitika na kontrol nang ito ay mabigong maakakuha ng absolutong mayoridad ng parlamento, ang gobyerno ni Hitler ay naghain ng Ermächtigungsgesetz (Aktong Pagpapayag) sa isang boto ng bagong nahalal na Reichstag. Ang lehislasyong ito ang nagbigay sa gabinete ni Hitler ng buong kapangyarihang lehislatibo sa loob ng apat na taon. Bagaman ang panukalang-batas (bill) na ito ay hindi una, ang aktong ito ay iba dahil ito`y pumapayag sa paglihis sa konstitusyon. Dahil sa ang panukalang-batas (bill) na ito ay kailangan ng ⅔ ng mayoridad upang mapasa, ang gobyerno ni Hitler ay nangailangan ng suporta ng ibang mga partido. Ang posisyon ng Partidong Sentro (Centre Party) na ikatlong pinakamalaking partido sa Reichstag ang lumabas na nagpasiya ng boto. Sa ilalim ng pamumuno Ludwig Kaas, ang Partidong Sentro ay nagpasiyang bumoto para sa Aktong Pagpapayag. Ginawa ito ng partidong ito kapalit ng garantiya (sa salita) ng kalayaan ng Simbahang Katoliko, ang mga concordat (kasunduan ng Simbahang Katoliko at mga soberanyang mga estado) na nilagdaan ng mga estadong Aleman at ang patuloy na pag-iral ng Partidong Sentro.

Noong Marso 23, ang Reichstag ay nagtipon sa kapalit na gusali sa ilalim ng magulong mga sirkunstansiya. Ang ilang mga tao ng SA ay nagsilbing guwardiya sa loob samantalang ang malaking mga grupo sa labas ay sumigaw ng mga slogan at mga banta sa paparating na mga miyembro ng parlamento. Inihayag ni Kaas na ang Partidong Sentro ay susuporta sa panukalang-batas (bill) na ito na ang mga pagkabahala ay isinantabi samantalang ang Demokratikong Sosyal na si Otto Wels ay kumondena sa aktong ito sa kanyang talumpati. Sa pagtatapos ng araw, ang lahat ng partido maliban sa Demokratikong Sosyal ay bumoto pabor sa panukalang-batas na ito. Ang mga komunista gayundin din ang ilang mga Demokratikong Sosyal ay pinagbawalan na dumalo sa pagbotong ito. Ang Aktong Pagpapayag gayundin ang Atas ng Sunog sa Reichstag ang nagtransporma sa gobyerno ni Hitler bilang isang de paktong (de facto o sa pagsasanay) diktadurya (dictatorship).

Pag-alis ng mga natitirang limitasyon

baguhin

Sa pagkakamit ng buong kontrol ng mga lehislatibo at ehekutibong mga sangay ng gobyerno, si Hitler at ang kanyang mga kaalyansang pampolitika ay nagsagawa ng sistemang pagsupil ng mga natitirang mga kalabang pampolitika. Pagkatapos ng disolusyon ng Partidong Komunista, ang Partidong Sosyal Demokratiko ay pinagbawalan din at ang lahat ng mga ari-arian nito ay kinamkam. Ang Stahlhelm (Steel Helmets na paramilitar na organisasyong Republikang Weimar) ay iniligay sa pamumuno ni Hitler na may ilang autonomiya (sariling gobyerno) bilang suportang puwersa ng kapulisan. Noong Mayo 1, ang mga pagpoprotesta ay idinaos at ang Sturmabteilung (stormtroopers) ay winasak ang mga opisina ng mga unyong kalakalan (trade unions). Noong 2 Mayo 1933, lahat ng mga unyong kalakalan (trade unions) ay pinuwersang mabuwag. Ang isang bagong unyong organisasyon ay binuo na kumakatawan sa lahat ng mga manggagawa, administrador at mga may ari ng kompanya bilang isang grupo. Ang bagong unyong kalakalang ito ay repleksiyon ng konsepto ng pambansang sosyalismo sa espirito ng "Volksgemeinschaft" (komunidad ng lahat ng mga Aleman) ni Hitler.

Noong 14 Hulyo 1933, ang partidong Nazi ay inihayag na tanging legal na partido sa Alemanya. Ginamit ni Hitler ang Sturmabteilung (stormtroopers) upang pilitin si Hugenberg na magbitiw at isinulong ang pampolitika na isolasyon ng Bise-Kansilyer na si von Papen. Ang kagustuhan ng Sturmabteilung na magkaroon ng mas pampolitika at militar na kapangyarihan ay nagdulot ng pagkabalisa sa mga militar, industriyal at pampolitika na mga pinuno. Eto ang nagtulak kay Hitler upang alisin ang buong pamumuno ng Sturmabteilung kabilang si Ernst Röhm at ibang mga kalabang pampolitika gaya ni Gregor Strasser at dating Kansilyer na si Kurt von Schleicher. Ang mga aksiyong ito ay naganap mula Hunyo 30 hanggang 2 Hulyo 1934. Habang ang ilang mga Aleman ay nagulat sa pagpatay, maraming nakakita kay Hitler bilang isa na nagbalik ng kaayusan (order) ng bansa.

Noong 2 Agosto 1934, si Pangulong von Hinderburg ay namatay. Sa paglabag sa Konstitusyon ng Weimar na tumatawag sa eleksiyon ng pagkapangulo at sa kabila ng batas na naipasa nang nakaraang araw bilang antisipasyon sa papalapit na kamatayan ni Hindenburg, ang gabinete ni Hitler ay nagdeklara na ang posisyon ng pagkapangulo ay bakante at inilipat ang mga kapangyarihan ng pinuno ng estado kay Hitler bilang Führer und Reichskanzler (pinuno at kansilyer). Eto ang nag-alis ng pinakahuling legal na remedya kung saan si Hitler ay maaaring mapatalsik at halos lahat ng mga tseke at balanse (checks and balances o pagsaway ng ibang sangay ng gobyerno) sa kanyang kapangyarihan. Ang ginawa ni Hitler ay lumabag din sa Aktong Pagpapayag na nagbabawal sa pakikialam sa opisina ng pagkapangulo.

Noong Agosto 19, ang pagsasama (merger) ng pagkapangulo at pagka-kansilyer ay inaprubahan ng plebisito na may suporta ng 84.6% ng mga botante.

Bilang pinuno ng estado, si Hitler ang naging Supremo Komander ng Puwersang Panghukbo (Armed Forces). Ang tradisyonal na katapatang panunumpa ng mga sundalo at mga marino ay binago upang magpatibay ng katapatan ng direkta kay Hitler imbis sa opisina ng Punong komander (commander-in-chief).

Simula nang 1938, ginawa ni Hitler na isailalim sa kanyang direktang kontrol ang Puwersang Panghukbo sa pamamagitan ng pagpupuwersa sa pagbibitiw ng Kalihim ng Digmaan (dating Kalihim ng Pagtatanggol) na si Werner von Blomberg dahil sa ebidensiya na ang bagong asawa ni Blomberg ay may rekord sa pulisya ng prostitusyon. Inalis din Hitler ang komander ng hukbong si Koronel-Heneral Werner von Fritsch pagkatapos na ang Schutzstaffel (Protection Squadron) ay nagbigay ng hindi totoong mga alegasyon na si Fritsch ay lumahok sa isang relasyong homosekswal na nagresulta sa isang itim na sulat (black mail o banta upang makuha ang isang hinihingi). Ang episodyong ito ay nakilala bilang Blomberg–Fritsch Affair. Pinalitan din ni Hitler ang Kagawaran ng Digmaan ng Oberkommando der Wehrmacht (High Command of the Armed Forces, o OKW) na pinamunuan ni Heneral Wilhelm Keitel. Sa simula nang 1938, labindalawang heneral (maliban kay Blomberg at Fritsch) ay tinanggal din.

Ikatlong Reich

baguhin

Sa kanyang pag-iisa ng kanyang mga kapangyarihang pampolitika, sinugpo at inubos ni Hitler ang oposisyon sa prosesong tinaguriang Gleichschaltung ("iayon"). Kanyang tinangka na magkamit ng karagdagang mga suporta ng publiko sa pamamagitan ng pangangakong pagbabaliktad ng mga epekto ng Dakilang depresyon at ng Kasunduang Versailles.

Ekonomiya at kultura

baguhin

Ang pagtaas ng mga gawaing ekonomiko ay pinagana sa malaking bahagi ng muling pagpipinansiya (refinancing) ng mga matagalang terminong mga utang sa mas maikling mga terminong mga utang at pagpalawig ng militar. Halimbawa, ang rekonstruksiyon ni Hitler at muling pag-aarmas ng militar ay pinondohan sa pamamagitan ng manipulasyon ng pera ni Hjalmar Schacht kabilang ang mga kredito sa sa mga perang Mefo.

Ang mga patakaran ng Nazi ay malakas na humikayat sa mga kababaihan na mag-anak at manatili sa bahay. Noong Setyembre 1934 na pananalumpati ni Hitler sa NS-Frauenschaft (National Socialist Women's League), siya ay nangatwirang para isang babaeng Aleman, ang "kanyang mundo ay para sa kanyang asawa, pamilya, mga anak at bahay". Ang Krus ng Karangalan ay iginawad sa mga inang Aleman na nag-anak ng apat o mas maraming mga anak. Ang kawalang trabaho ay bumagsak ng lubusan na sa malaking bahagi ay sa pamamagitan ng paglikha ng mga armas (sandata), restriksiyon sa mga unyong pangtrabaho, at paghinto ng mga kababaihan sa pagtatrabaho.

Pinangasiwaan ni Hitler ang pinakamalaking kampanya ng pagpapabuti ng estruktura sa kasaysayan ng Aleman na humantong sa pagkakalikha ng mga dam, autobahn, mga riles ng tren at iba pang mga estrukturang sibil. Gayunpaman, ang mga programang ito ay nagpababa ng pangkalahatang pamantayan ng pamumuhay ng mga manggagawa na sa simula ay hindi naapektuhan ng tuloy tuloy na kawalang trabaho ng Republika ng Weimar. Ang mga suweldo ay lumiit bago ang mga taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig samantalang ang presyo ng pamumuhay ay lumago ng 25%. Mula 1933 hanggang 1934, ang mga suweldo ay dumanas ng pagbawas na 5%.

Ang gobyerno ni Hitler ay nagtaguyod ng arkitektura sa sobrang laking sakop. Si Albert Speer na instrumental sa pagpapatupad ng mga klasisistang interpretasyon ni Hitler ng kulturang Aleman ang naging kauna-unahang arkitekto ng Reich. Noong 1936, binuksan ni Hitler ang tag-init na Larong Olimpiko sa Berlin. Si Hitler ay nagkaroon ng ilang kontribusyon sa disenyo ng Volkswagen Beetle at inatasan si Ferdinand Porsche sa pagdidisenyo at konstruksiyon nito.

Noong 20 Abril 1939, isang masigabong pagdiriwang ng ika-50 kaarawan ni Hitler ay idinaos na nagtatampok ng mga parada, pagbisita ng mga dignitaryong dayuhan, mga bandilang Nazi at libo libong mga nagaalab na sulo (torches).

Ayon sa mga historyan na sina David Schoenbaum at Henry Ashby Turner, ang sosyal at ekonomikang mga patakaran ni Hitler ay isang modernisasyon na may mga layuning laban sa moderno. Ang iba gaya ni Rainer Zitelman ay nagsaad na si Hitler ay may sadyang stratehiya ng pagpupursigi ng isang rebolusyanoryong modernisasyon ng lipunang Aleman.

Muling pag-aarmas at mga bagong kaalyansa

baguhin

Sa isang pulong ng mga Alemang pinunong militar noong 3 Pebrero 1933, si Hitler ay nagsalita ng "pagsakop ng Lebenstraum sa Silangan at ang walang habag na pagsasa-Aleman (germanisation) nito" bilang pinakahuling pangdayuhang patakaran na layunin . Noong Marso 1933, ang kalihim ng estado sa Auswärtiges Amt (Foreign Office) na si Prinsipe Bernhard Wilhelm von Bülow ay naglabas ng isang pangunahing pangungusap na nagtataguyod ng Anschluss kasama ang Austria na pagpapanumbalik ng mga pambansang hangganan (borders) ng Alemanya nang 1914, pagtatakwil sa Bahaging Lima ng kasunduan ng Versailles, ang pagbabalik ng mga dating kolonya ng Alemanya sa Aprika at isang sonang Alemang na impluwensiya sa Silangang Europa. Nakita ni Hitler na ang mga layunin ni Bülow ay sobrang magaan.

Sa kanyang mga pananalumpating kapayapaan noong gitna ng 1930, binigyang diin ni Hitler ang mga layuning mapayapa ng kanyang mga patakaran at pagpayag ng pakikipagtulungan sa mga kasunduang internasiyonal. Sa unang pulong ng kanyang gabinete noong 1933, ginawang pangunahin ni Hitler ang paggastos sa militar kesa sa pagpapagaan ng kawalang trabaho. Noong Oktubre 1933, inalis ni Hitler ang Alemanya sa mga Liga ng mga Bansa at sa Kumperensiya ng Pangdaigdigag Disarmamento (pagbubuwag ng mga armas). Ayon sa kanyang kalihim pangdayuhan na si Baron Konstantin von Neurath, ang hinihingi ng mga Pranses para sa sécurité ang pangunahing hadlang.

Noong Marso 1935, itinakwil ni Hitler ang ikalimang bahagi ng kasunduan ng Versailles sa pamamagitan ng paghahayag ng pagpapalawig ng hukbong Aleman sa 600,000 na mga miyembro na anim na beses na mas marami sa kondisyon ng Kasunduan ng Versailles. Kabilang din dito ang pagpapaunlad ng Puwersang Panghimpapawid (Luftwaffe o air force) at pagpapalaki ng bilang ng hukbong-dagat (navy). Ang mga bansang Britanya, Pransiya, Italya at Liga ng mga Bansa ay kumondena sa mga planong ito.

Noong 18 Hunyo 1935, ang Kasunduang Britanya-Aleman ng hukbong pandagat (AGNA) ay nilagdaan na pumapayag sa tonnage (kapasidad ng barko) ng Alemanya na magkaroon 35% dagdag sa sukat ng hukbong dagat ng Britanya. Tinawag ni Hitler na ang paglalagd sa sa AGNA ang "pinakamasayang araw sa aking buhay" dahil sa paniniwalang ito ang hudyat ng simula ng alyansang Britanya at Alemanya na kanyang hinulaan sa Mein Kampf. Ang mga bansang Pransiya at Italya ay hindi kinonsulta bago ang paglalagda na direktang nagpapawalang kabuluhan sa Liga ng mga Bansa gayundin sa kasunduan ng Versailles.

Noong Setyember 13, 1935, inatasan ni Hitler si Dr. Bernhard Lösener at Franz Albrecht Medicus ng Kagawarang Panloob na simulang magbalangkas ng mga batas na antisemitiko para ito ay maidala sa sahig ng Reichstag (parlamento ng Alemanya). Noong 15 Setyembre 1935, si Hitler ay nagpresenta ng dalawang batas sa Reichstag na tinatawag na mga Batas ng Nuremberg. Ang mga batas na ito ay nagbabawal ng pagpapakasal sa pagitan ng mga hindi-Hudyo at mga mga Hudyong Aleman at nagbabawal sa pagtanggap sa trabaho ng mga hindi-Hudyong babae babae na bababa sa 45 taong gulang sa mga tahanang Hudyo. Ang mga batas na ito ay nag-aalis ng mga tinatawag na "hindi-Aryan" ng mga benepisyo ng pagkamamamayang Aleman.

Noong Marso 1936, muling sinakop ni Hitler ang sonang demilitarized (mga lugar na pinagbabawalan ang mga gawaing militar) sa Rhineland na isang paglabag sa kasunduan ng Versailles. Nagpadala si Hitler ng mga tropa (troops) sa Espanya upang suportahan si Henereal Franko nang makatanggap si Hitler ng apela sa tulong noong Hulyo 1936. Sa parehong panahon, ipinagpatuloy ni Hitler ang kanyang pagsisikap na lumikha ng alyansang Britanya-Aleman.

Noong Agosto 1936, bilang tugon sa papalagong krisis ng ekonomiya na resulta ng mga pag-aarmas, si Hitler ay naglabas ng memorandum na nag-aatas kay Hermann Göring na isagawa ang isang Apat na Taong Plano na naghahanda sa Alemanya para sa isang digmaan sa darating na apat na taon. Ang Apat na Taong Planong Memorandum na ito ay naglalatag ng malapit na buong pakikidigma sa pagitan ng Hudyo-Bolshebismo at Pambansang Alemang Sosyalismo na sa pananaw ni Hitler ay nangangailangan ng paguukol sa pag-aarmas kahit ano pa ang magiging gastos nito sa ekonomiya.

Noong 25 Oktubre 1936, si Konde Galeazzo Ciano na kalihim pangdayuhan ng gobyerno ni Benito Mussolini ay naghahayag ng aksis (kasunduan) sa pagitan ng Alemanya at Italya. Noong Nobyembre 25, ang Alemanya ay lumagda sa Kasunduan Anti-Comintern (Laban sa komunista) kasama ang bansang Hapon. Ang mga bansang Britanya, Tsina, Italya at Poland ay inimbitahan rin upang sumali sa Kasunduang ito ngunit ang Italya lamang ang lumagda dito noong 1937. Sa huli ng 1937, iniwan na ni Hitler ang kanyang panaginip ng isang alyansang Britanya-Alemanya na sumisi sa kawalang sapat na pamumuno sa Britanya.

Noong 5 Nobyembre 1937, si Hitler ay nagsagawa ng isang sikretong pagpupulong sa Kansilyerya ng Reichstage kasama ang kanyang mga kalihim pangdayuhan at mga hepe ng militar ukol sa kanyang pakikipagdigma. Sa naitala sa memorandum na Memorandum, isinaad ni Hitler ang kanyang intensiyong makuha ang Lebensraum ("buhay na espasyo") para sa mga Aleman at nag-atas ng paghahanda para sa digmaan sa silangan na magsisimula ng hindi lalagpas sa 1943. Isinaad din ni Hitler na ang mga minute (minutes o tala ng pagpupulong) ng kumperensiyang ito ay ituturing na kanyang "testamentong pampolitika" sa pangyayaring siya ay mamatay. Sinabi din ni HItler na ang krisis sa ekonomiya ng Alemanya ay mapipigil lamang ng patakarang pananakit militar na susunggab sa Austria at Czechoslovakia. Hinikayat ni Hitler ang isang mabilis na aksiyon bago ang Britanya at Pransiya ay manguna sa labanan ng armas (sandata).

Noong simula nang 1939 kasunod ng pangyayaring Blomberg–Fritsch, isinaad ni Hitler ang kanyang kontrol ng militar-pangdayuhang patakarang aparato at ang pagbuwag ng Kagawarang pandigmaan at pagpapalit nito ng Oberkommando der Wehrmacht (OKW). Kanyang pinatalsik si Neurath bilang kalihim ng kagawarang pangdayuhan noong 4 Pebrero 1938 at gumampan ng tungkulin at titulong Oberster Befehlshaber der Wehrmacht (Supremong komander ng Hukbong pang-armas). Mula 1938 at pasulong nito, si Hitler ay nagsasagawa ng patakarang pandayuhan na ang pinakahuling layunin nito ay pakikidigma.

Landas tungo sa pagkatalo

baguhin

Noong 22 Hunyo 1941, sa paglabag sa Hitler-Stalin na kasunduan ng kawalang agresyon noong 1939, tatlong milyong tropa (troops) ng Alemanya ang umatake sa Unyong Soviet sa Operasyong Barbarossa. Ang pagsakop na ito ay sumunggab sa isang napakalaking area (sakop) kabilang ang mga estado ng Baltic, Belarus at Ukraine. Gayunpaman, ang pagsulong ng Aleman ay napigilan sa mabangis na paglaban ng Soviet.

Ang ilang historyan gaya ni Andreas Hillgruber ay nangatwirang ang Operasyon Barbarossa ay isa lamang yugto ng Stufenplan (pahakbang na plano) ni Hitler sa pagsakop ng buong mundo na isina-pormula ni Hitler noong 1920. Ang iba gaya ni John Lukacs ay nagmungkahing si Hitler ay walang Stufenplan at ang pagsakop sa Unyong Soviet ay hindi pinlano bilang tugon sa pagtanggi ng Britanya na sumuko. Ikinatwiran din ni Lukacs na si Winston Churchill ay umasang ang Unyong Soviet ay papasok sa digmaan para sa panig ng mga Allies. Upang wasakin ang pag-asang ito at puwersahin ang pagsuko ng Britanya, sinimulan ni Hitler ang Operasyong Barbarossa. Sa kabilang dako, si Klaus Hildebrand ay nandigang si Joseph Stalin at Hitler ay nagplanong atakihin ang bawat isa noong 1941. Ang mga konsentrasyon ng mga tropang Soviet sa kanlurang hangganan ng Alemanya noong tagsibol nang 1941 ay maaaring nagtulak kay Hitler sa isang Flucht nach vorn ("flight forward") upang manguna sa hindi maiiwasang labanan. Ayon naman kina Viktor Suvorov, Ernst Topitsch, Joachim Hoffmann, Ernst Nolte, at David Irving, ang opisyal na ibinigay ng hukbong Aleman para sa Operasyong Barbarossa ang tunay na dahilan: ito ay isang digmaang paghadlang upang maiwasan ang paparating na pag-atake ng Soviet na plinano para sa Hulyo 1941. Gayunpaman, ang teoriyang ito ay binatikos. Ang Amerikanong historyan na si Gerhard Weinberg ay minsang kumompara sa mga tagataguyod ng teoriya ng paghadlang na digmaan sa mga naniniwala sa mga kuwentong-bibit.

Ang pinakamahusay na pagsakop ng Wehrmacht ng Alemanya sa Unyong Soviet ay naganap noong 2 Disyembre 1941 nang ang dibisyong ika-258 na inpantriya (infantry) ay sumulong sa 15 milya na malapit sa Moscow na sapat na malapit upang makita ang mga spiro (spire) ng Kremlin. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi handa sa malupit na kondisyon ng tagginaw sa Russia kaya ang ang mga tropang Aleman ay napaurong ng 320 kilometro ng mga puwersang Soviet.

Noong 7 Disyembre 1941, inatake ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Pagkatapos ng apat na araw, ang pormal na deklarasyon ni Hitler ng pakikidigma laban sa Estados Unidos ay opisyal na naglahok sa kanya sa digmaan sa koalisyon ng Allies na kinabibilangan ng pinakamalaking imperyo sa mundo (nang panahong ito) na Imperyong Britaniko, ng pinakadakilang industriyal at pinansiyal na kapangyarihan sa mundo na Estados Unidos at pinakamalaking hukbo sa mundo na Unyong Soviet.

Noong 18 Disyembre 1941, si Himmler ay nakipagkita kay Hitler at bilang tugon sa tanong ni Himmler na "Anong gagawin sa mga Hudyo sa Russia?", si Hitler ay sumagot na "als Partisanen auszurotten" ("lipulin sila bilang mga partisan"). Ang historyang Israeli na si Yehuda Bauer ay nagkomentong ang tugong ito ni Hitler ang malamang na pinakamalapit na makukuha ng mga historyang ng depinitibong utos mula kay Hitler ng genocide sa mga Hudyo na isinagawa noong holocaust.

Sa huli nang 1942, ang mga puwersang Aleman ay natalo sa ikalawang laban sa El Alamein na nagpigil sa mga plano ni Hitler na kamkamin ang Suez Canal at ang Gitnang Silangan. Noong Pebrero 1943, ang Laban sa Stalingrad ay nagwakas sa pagwasak ng ika-anim na Hukbong Aleman. Pagkatapos nito ay dumating ang Labanan sa Kursk. Ang mga pagpapasyang militar ni Hitler sa panahong ito ay lalong nagiging eratiko (paiba-iba) at ang ekonomiko at militar na posisyon ng Alemanya ay lumubha kasama ang kalusugan ni Hitler. Si Ian Kershaw at ang iba ay naniniwalang si Hitler ay dumanas ng sakit na Parkinson. Ang syphilis ay pinagsuspetsahan rin na isa sa mga dahilan ng ilan sa kanyang mga sintomas.

Kasunod ng pagsakop ng mga allies sa Sicily (Operasyong Husky) noong 1943, si Mussolini ay pinatapon ni Pietro Badoglio na sumuko sa mga Allies. Sa buong 1943 at 1944, matatag na napaurong ng Unyong Soviet ang mga hukbo ni Hitler sa kahabaan ng Silangang Pronta. Noong 6 Hunyo 1944, ang mga hukbo ng Kanlurang Allies ay lumapag sa hilagang Pransiya na pinakamalaking operasyong naganap sa parehong dagat at lupa na tinatawag na Operation Overload. Bilang resulta ng mga malalaking dagok na ito sa Alemanya, marami sa mga opiser ni Hitler ang naghinuhang ang pagkatalo ay hindi na maiiwasan at ang maling mga pagpapasya ni Hitler o pagtanggi nito ay lubhang magpapatagal ng digmaan at magreresulta sa kumpletong pagkawasak ng Alemanya. Ang ilang mga kilalang pagtatangkang asasinasyon kay Hitler ay naganap sa panhong ito.

Pagkatalo sa digmaan

baguhin

Noong 22 Hunyo 1941, sa paglabag sa Hitler-Stalin na kasunduan ng kawalang agresyon noong 1939, tatlong milyong tropa (troops) ng Alemanya ang umatake sa Unyong Soviet sa Operasyong Barbarossa. Ang pagsakop na ito ay sumunggab sa isang napakalaking area (sakop) kabilang ang mga estado ng Baltic, Belarus at Ukraine. Gayunpaman, ang pagsulong ng Aleman ay napigilan sa mabangis na paglaban ng Soviet.

Ang ilang historyan gaya ni Andreas Hillgruber ay nangatwirang ang Operasyon Barbarossa ay isa lamang yugto ng Stufenplan (pahakbang na plano) ni Hitler sa pagsakop ng buong mundo na isina-pormula ni Hitler noong 1920. Ang iba gaya ni John Lukacs ay nagmungkahing si Hitler ay walang Stufenplan at ang pagsakop sa Unyong Soviet ay hindi pinlano bilang tugon sa pagtanggi ng Britanya na sumuko. Ikinatwiran din ni Lukacs na si Winston Churchill ay umasang ang Unyong Soviet ay papasok sa digmaan para sa panig ng mga Allies. Upang wasakin ang pag-asang ito at puwersahin ang pagsuko ng Britanya, sinimulan ni Hitler ang Operasyong Barbarossa. Sa kabilang dako, si Klaus Hildebrand ay nandigang si Joseph Stalin at Hitler ay nagplanong atakihin ang bawat isa noong 1941. Ang mga konsentrasyon ng mga tropang Soviet sa kanlurang hangganan ng Alemanya noong tagsibol nang 1941 ay maaaring nagtulak kay Hitler sa isang Flucht nach vorn ("flight forward") upang manguna sa hindi maiiwasang labanan. Ayon naman kina Viktor Suvorov, Ernst Topitsch, Joachim Hoffmann, Ernst Nolte, at David Irving, ang opisyal na ibinigay ng hukbong Aleman para sa Operasyong Barbarossa ang tunay na dahilan: ito ay isang digmaang paghadlang upang maiwasan ang paparating na pag-atake ng Soviet na plinano para sa Hulyo 1941. Gayunpaman, ang teoriyang ito ay binatikos. Ang Amerikanong historyan na si Gerhard Weinberg ay minsang kumompara sa mga tagataguyod ng teoriya ng paghadlang na digmaan sa mga naniniwala sa mga kuwentong-bibit.

Ang pinakamahusay na pagsakop ng Wehrmacht ng Alemanya sa Unyong Soviet ay naganap noong 2 Disyembre 1941 nang ang dibisyong ika-258 na inpantriya (infantry) ay sumulong sa 15 milya na malapit sa Moscow na sapat na malapit upang makita ang mga spiro (spire) ng Kremlin. Gayunpaman, ang mga ito ay hindi handa sa malupit na kondisyon ng tagginaw sa Russia kaya ang ang mga tropang Aleman ay napaurong ng 320 kilometro ng mga puwersang Soviet.

Noong 7 Disyembre 1941, inatake ng Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Pagkatapos ng apat na araw, ang pormal na deklarasyon ni Hitler ng pakikidigma laban sa Estados Unidos ay opisyal na naglahok sa kanya sa digmaan sa koalisyon ng Allies na kinabibilangan ng pinakamalaking imperyo sa mundo (nang panahong ito) na Imperyong Britaniko, ng pinakadakilang industriyal at pinansiyal na kapangyarihan sa mundo na Estados Unidos at pinakamalaking hukbo sa mundo na Unyong Soviet.

Noong 18 Disyembre 1941, si Himmler ay nakipagkita kay Hitler at bilang tugon sa tanong ni Himmler na "Anong gagawin sa mga Hudyo sa Russia?", si Hitler ay sumagot na "als Partisanen auszurotten" ("lipulin sila bilang mga partisan"). Ang historyang Israeli na si Yehuda Bauer ay nagkomentong ang tugong ito ni Hitler ang malamang na pinakamalapit na makukuha ng mga historyang ng depinitibong utos mula kay Hitler ng genocide sa mga Hudyo na isinagawa noong holocaust.

Sa huli nang 1942, ang mga puwersang Aleman ay natalo sa ikalawang laban sa El Alamein na nagpigil sa mga plano ni Hitler na kamkamin ang Suez Canal at ang Gitnang Silangan. Noong Pebrero 1943, ang Laban sa Stalingrad ay nagwakas sa pagwasak ng ika-anim na Hukbong Aleman. Pagkatapos nito ay dumating ang Labanan sa Kursk. Ang mga pagpapasyang militar ni Hitler sa panahong ito ay lalong nagiging eratiko (paiba-iba) at ang ekonomiko at militar na posisyon ng Alemanya ay lumubha kasama ang kalusugan ni Hitler. Si Ian Kershaw at ang iba ay naniniwalang si Hitler ay dumanas ng sakit na Parkinson. Ang syphilis ay pinagsuspetsahan rin na isa sa mga dahilan ng ilan sa kanyang mga sintomas.

Kasunod ng pagsakop ng mga allies sa Sicily (Operasyong Husky) noong 1943, si Mussolini ay pinatapon ni Pietro Badoglio na sumuko sa mga Allies. Sa buong 1943 at 1944, matatag na napaurong ng Unyong Soviet ang mga hukbo ni Hitler sa kahabaan ng Silangang Pronta. Noong 6 Hunyo 1944, ang mga hukbo ng Kanlurang Allies ay lumapag sa hilagang Pransiya na pinakamalaking operasyong naganap sa parehong dagat at lupa na tinatawag na Operation Overload. Bilang resulta ng mga malalaking dagok na ito sa Alemanya, marami sa mga opiser ni Hitler ang naghinuhang ang pagkatalo ay hindi na maiiwasan at ang maling mga pagpapasya ni Hitler o pagtanggi nito ay lubhang magpapatagal ng digmaan at magreresulta sa kumpletong pagkawasak ng Alemanya. Ang ilang mga kilalang pagtatangkang asasinasyon kay Hitler ay naganap sa panhong ito.

Pagtatangkang asasinasyon kay Hitler

baguhin
 
Ang nawasak na Wolfsschanze sa pagtatangkang asasinasyon kay Hitler noong 20 Hulyo 1944

Sa pagitan ng 1939–1945, may 17 pagtatangka o planong pagpatay kay Hitler. Ang pinakakilala nito ay nangyari sa loob ng Alemanya at ang nagtulak dito ay sa isang bahagi ang papalaking prospekto ng pagkakatalo ng Alemanya sa digmaan.

Noong Hulyo 1944, sa Operasyong Valkyrie, si Claus von Stauffenberg ay nagtanim ng bomba sa punongkwarter (headquarters) ni Hitler na Wolfsschanze (Kuta ng Lobo) sa Rastenburg. Si Hitler ay bahagyang nakaligtas sa pagtatangkang ito dahil sa may nakapagtulak ng hindi alam ng lalagyan ng papeles (briefcase) na naglalaman ng bomba sa likod ng isang binti ng isang napakabigat ng tablang pangkumperensiya. Nang sumabog ang bomba, ang tabla ang sumapo ng halos lahat ng pagsabog mula kay Hitler. Dahil dito, si Hitler ay nagutos ng isang mabangis na paghihiganti na nagresulta sa eksekusyon (pagpatay) ng higit sa 4,900 katao.

Pagkatalo sa digmaan at kamatayan

baguhin

Sa huli ng 1944, pinaurong ng Pulang Hukbo ang hukbo ng Alemany sa kanlurang Europa at ang Kanlurang Alyado naman ay sumusulong sa Alemanya. Pagkatapos ipagbigay alam kay hitler ang magkakambal na pagkatalo sa Operasyong Wacht am Rhein at Operasyong Nordwind sa kanyang Opensibong Ardennes sa kanyang komandong kompleks na Adlerhorst, natanto ni Hitler na ang Alemanya ay malapit ng matalo sa digmaan. Gayunpaman, hindi niya pinayagan ang pagsuko ng kanyang mga hukbo. Ang pag-asa ni Hitler na pinagaan ng kamatayan ng presidente ng Estados Unidos na si Franklin D. Roosevelt noong 12 Abril 1945 ay makipag-areglo ng kapayapaan sa Amerika at Britanya. Dahil sa kanyang pananaw na ang kabiguan ng militar ng Alemanya ay nagalis ng karapatan sa Alemanya na makaahon sa digman, kanyang inutos ang pagwasak sa lahat ng industriyal na inprakstraktura ng Alemanya bago it mahulog sa kamay ng mga Alyado. Ang pagsasagawa ng pagsunog na ito ay ipinagkatiwala ni Hitler sa kalihim ng armas na si Albert Speer na tahimik naman sumuway sa utos ni Hitler.

Noong 20 Abril 1945, ipinagdiwang ni Hitler ang kanyang ika-56 kaarawan sa Führerbunker ("Führer's shelter") sa ilalim ng Reichskanzlei (Kansilyerya ng Reich). Ang komander ng garison ng sinalakay na Festung Breslau ("fortress Breslau") na si Heneral Hermann Niehoff ay namahagi ng mga tsokolate sa kanyang mga tropa (troops) upang parangalan ang kaarawan ni Hitler.

Noong Abril 21, ang unang Belorusyanong Pronta ni Georgi Zhukov ay nagbasag sa huling mga depensa ng pangkat hukbo ng Alemang Heneral na si Gotthard Heinrici's Army Group Vistula sa Labanan ng Seelow. Dahil sa hinarap na kaunting pagharang ng Alemanya, ang mga Soviet ay sumulong sa labas ng bayan ng Berlin. Sa pagtanggi sa papalapit na malubhang sitwasyon, inilagay ni Hitler ang kanyang pag-asa sa mga unit na pinangangasiwaan ng Heneral ng Waffen SS na si Felix Steiner na tinatawag na Armeeabteilung Steiner ("Army Detachment Steiner"). Bagaman ang "Army Detachment Steiner" ay mas malaki sa isang pulutong (corps), ito ay mas maliit sa isang hukbo (army). Inutusan ni Hitler si Steiner na salakayin ang hilagang gilid ng salyente (salient) na binubuo ng unang prontang belorusyano ni Zhukov. Kasabay nito, ang ika-siyam na hukbo ng Alemanya na napaurong sa timog ng salyento ay inutusang sumalakay papahilaga sa isang atakeng pinser.

Sa gabi ng Abril 21, si Gotthard Heinrici ay tumawag Hans Krebs na hepe ng Oberkommando des Heeres (Supreme Command of the Army or OKH) upang ipaalam sa kanya na ang planong depensa ni Hitler ay hindi maisasagawa. Sinabi ito ni Heinrici kay Krebs upang idiin kay HItler ang pangangailangang pag-urong ng ika-siyam na hukbong Aleman sa posisyon nito.

Noong Abril 22, sa isang militar na kumperensiya, itinanong ni Hitler ang tungkol sa opensibo ni Steiner. Pagtapos ng matagal na pananahimik, si Hitler ay sinabihang ang pagsalakay ay hindi naisagawa at ang mga Rusyano ay nakapasok na sa Berlin. Eto ay nagtulak kay Hitler upang paalisin ang lahat ng nasa kwarto maliban kina Wilhelm Keitel, Hans Krebs, Alfred Jodl, Wilhelm Burgdorf, at Martin Bormann Si Hitler ay naglunsad naman ng mga tirada sa kataksilan at pagkainutil ng kanyang mga komander na humantong sa pagdedeklara ni Hitler sa kauna unahang pagkakataon na ang Alemanya ay talo na sa digmaan. Inihayag din ni Hitler na siya ay mananatili sa Berlin upang pangasiwaan ang pagtatanggol ng siyudad at pagbabaril sa kanyang sarili.

Bago magwakas ang araw, si Hitler ay muling nakatagpo ng panibagong pag-asa sa isang bagong plano na kinabibilangan ng ika-labindalawang hukbo ni Heneral Walther Wenck. Ang planong ito ay nagtutulak sa hukbo ni Wenck na kasalukuyang nakaharap sa mga Amerikano sa kanluran na sumalakay papasilangan upang tulungan ang Berlin. Ang ika-labindalawang hukbo ay makikipag-ugnayan sa ika-siyam na hukbo at pumasok sa siyudad ng Berlin. Si Wenck ay nakasalakay at gumawa ng pansamantalang ugnayan sa garisong Potsdam ngunit ang pakikipag-ugnayan sa ika-siyam na hukbo ay hindi naging matagumpay.

Noong Abril 23, si Joseph Goebbels ay naghayag ng proklamasyon sa madla ng Berlin:

Tinatawagan ko kayong ipaglaban ang inyong siyudad. Lumaban kayo ng lahat ng meron kayo para sa kapakanan ng inyong mga asawa, mga anak, mga ina at mga magulang. Ang inyong armas ang magtatanggol sa lahat ng ating pinakaiingatan at ang lahat ng mga henerasyon na susunod sa atin. Maging mapagmalaki at matapan! Maging malikhain at matalino! Ang inyong Gauleiter ay nasa gitna ninyo. Siya at ang kanyang mga kasama ay mananatili sa gitna ninyo. Ang kanyang asawa at mga anak ay naririto rin. Siya na minsang sumakop sa siyudad na may 200 katao ay gagamitin ang lahat ng paraan upang paigtingin ang pagtatangol sa kabisera. Ang labanan para sa Berlin ay dapat maging hudyat ng pag-ahon ng buong bansa sa labanan...

Noon ding Abril 23, si Göring ay nagpadala ng telegrama mula sa Berchtesgaden sa Bavaria na nangangatwirang dahil si Hitler ay hiwalay na sa Berlin, siya ang dapat gumampan ng pamumuno ng Alemanya. Si Göring ay nagtakda ng panahon kung saan kanyang ituturing na si Hitler ay wala ng kakayahan na mamuno. Si Hitler ay galit na tumugon sa pamamagitan ng pagpapadakip kay Göring at nang isulat niya ang kanyang testamento noong 29 April, kanyang inalis si Göring sa lahat ng mga posisyon ng gobyerno. Hinirang ni Hitler si Heneral der Artillerie Helmuth Weidling bilang komander ng Berlin Defence Area na nagpapalit Tenyente Heneral (Generalleutnant) Helmuth Reymann at Koronel (Oberst) Ernst Kaether. Hinirang din Hitler ang Waffen-SS Brigadeführer na si Wilhelm Mohnke na Labanang Komander ("Kommandant") para sa pagtatanggol ng distrito ng gobyerno (Zitadelle sector) na kinabibilangan ng Kansilyerya ng Reich at Führerbunker.

Noong Abril 27, ang Berlin ay tuluyan nang nawalay sa buong Alemanya. Habang ang mga puwersa ng Soviet ay papalapit, ang mga tagasunod ni Hitler ay humikayat sa kanyang tumakas sa mga bundok ng Bavaria upang gumawa ng huling tropa (troop) na magtatanggol sa bansa. Gayunpaman, si Hitler ay determinado na mabuhay o mamatay sa kabisera ng Alemanya.

Noong Abril 28, natuklasan ni Hitler na si Himmler ay sinubukang talakaying ang mga termino ng pagsuko sa mga Kanlurang Alyado (sa pamamagitan ng diplomateng Swede na si Konde Folke Bernadotte). Iniutos ni Hitler ang pag-aresto kay Himler at pagbaril kay Hermann Fegelein na kinatawan ni Himmler sa punongkwarter ni Hitler sa Berlin. Ang nagdagdag pa sa problema ni Hitler ang ulat ni Wenck na ang kanyang ika-labindalawang hukbo ay napilitang umurong sa kabuuan ng pronta at ang kanyang mga puwersa ay hindi na matutulungan ang Berlin.

Pagkatapos ng hatinggabi ng Abril 29, pinakasalan ni Hitler si Eva Braun sa isang maliit na sibil na seremonya sa isang mapang kwarto sa loob ng Führerbunker. Sinabi ni Antony Beevor na pagkatapos magdaos ng isang simpleng agahang kasal sa kanyang bagong asawa, dinala ni Hitler ang kanyang kalihim sa isang kwarto at idinikta ang kanyang huling nais at testamento. Nilagdaan ni Hitler ang mga dokumentong ito ng alas-kwatro ng madaling araw. Ang pangyayari ay nasaksihan at ang mga dokumento ay nilagdaan nina Hans Krebs, Wilhelm Burgdorf, Joseph Goebbels, at Martin Bormann. Pagkatapos nito, si Hitler ay natulog na. Nang katanghalian, ipinagbigay alam kay Hitler ang asasinasyon ng Italyanong diktador na si Benito Mussolini na ipinagpalagay na nagpalaki ng determinasyon ni Hitler na umiwas sa pagkakahuli.

Kamatayan ni Hitler

baguhin
 
Harapang pahina ng diyaryo ng Puwersang Hukbo ng Estados Unidos na "Stars and Stripes" noong 2 Mayo 1945

Noong 30 Abril 1945, pagkatapos ng isang matinding labanan sa mga kalye at nang ang Soviet ay nasa isa o dalawang bloke na ng Kansilyerya ng Reich, si Hitler at ang kanyang asawang si Eva Braun ay nagpatiwakal. Si Braun ay kumain ng kapsula ng siyanuro samantalang si Hitler ay nagbaril sa sarili gamit ang isang 7.65 mm Walther PPK pistol. Sa iba't ibang pagkakataon, si Hitler ay nag-isip na magpakamatay. Ang Walther ang parehong pistol na ginamit ng kanyang pamangking babaeng si Geli Raubal sa pagpapatiwakal nito noong 1931. Ang mga walang buhay na katawan ni Hitler at Braun ay dinala sa itaas ng gusali sa pamamagitan ng emerhensiyang panlabas sa binombang hardin sa likod ng Kansilyerya ng Reich kung saan sila inilagay sa isang bunganga na sanhi ng pagbomba. Ang mga labi nila ay binuhusan ng petrol at sinunog habang ang Pulang Hukbo ay papasulong at ang pambobomba ay nagpapatuloy.

Kinahinatnan ng Nazi pagkatapos matalo sa digmaan

baguhin

Pagkatapos matalo ang Nazi ng mga Mga Alyansa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga nadakip na matataas na opisyal ng Nazi ay nilitis 20 Nobyembre 1945 hanggang 1 Oktubre 1946, sa Nuremberg, Bavaria, Alemanya. Dahil dito, ang ilan sa mga opisyal ng Nazi ay hinatulan ng eksekusyon sa pamamagitan ng pagbibigti samantalang ang iba ay hinatulan ng pagkabilanggo.

Nazismo

baguhin
 
Sina Adolf Hitler, Führer ng Alemanyang Nazi, at Ernst Röhm na naka-saludong pasista.

Ang Pambansang Sosyalismo (Aleman: Nationalsozialismus), na higit na kilala bilang Nazismo (pagbigkas: nát•zis•mo), ay ang ideolohiya at gawaing kaugnay ng ika-20 siglong Partido Nazi sa Alemanya at estadong Nazi pati na rin ng iba pang mga sukdulang-kanang grupo.[5] Karaniwang nailalarawan bilang anyo ng pasismo na may halong rasismo at antisemitismo. Sumibol ang Nazismo mula sa impluwensiya ng pangermanismo, ang Aleman na pambansang kilusuan na Völkisch, at ng mga kontra-komunistang pangkat paramilitar na Freikorps na nagsulputan noong Republikang Weimar, pagkatapos matalo ng Alemanya sa Unang Digmaang Pandaigdig.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Rick Steves. Rick Steves' Snapshot Munich, Bavaria & Salzburg. Berkeley, California, USA; New York, New York, USA: Avalon Travel, 2010. Pp. 28. "Though the Nazis eventually gained power in Berlin, they remembered their roots, dubbing Munich "Capital of the Movement". The Nazi headquarters stood near today's obelisk on Brienner Strasse..."
  2. Fritzsche, Peter. 1998. Germans into Nazis. Cambridge, Mass.: Harvard University Press; Eatwell, Roger, Fascism, A History, Viking/Penguin, 1996, pp.xvii–xxiv, 21, 26–31, 114–140, 352. Griffin, Roger. 2000. "Revolution from the Right: Fascism," chapter in David Parker (ed.) Revolutions and the Revolutionary Tradition in the West 1560–1991, Routledge, London.
  3. Blum, George, The Rise of Fascism in Europe (Greenwood Press, 1998), p.9
  4. Nazi, New Oxford American Dictionary, 2nd ed., Oxford University Press Inc., 2005.
  5. Britannica, Encyclopaedia (Pebrero 25, 2023). "Nazism" (sa wikang Ingles). Encyclopedia Britannica. Nakuha noong 3 Marso 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)