Mein Kampf
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Mein Kampf ("Ang aking pakikibaka" na orihinal na pinamagatang Apat at Kalahating Taon ng Pakikibaka sa Kasinungalingan, Kaestupidohan, at Kaduwagan) ay isang aklat na isinulat ng pinuno ng Partidong Nazi na si Adolf Hitler. Ang aklat na ito na kanyang inalay sa "Lipunan ng Thule" ay isang autobiograpiya at paghahayag ng kanyang mga ideolohiya. Ang aklat na ito ay naimpluwensiyahan ng The Passing of the Great Race ni Madison Grant na tinawag ni Hitler na "aking Bibliya". Ang Mein Kampf ay inilimbag sa dalawang bolyum noong 1925 at 1926 na nagbenta ng 240,000 mga kopya sa pagitan ng 1925 at 1934. Sa huli ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, 10 milyong kopya ang naibenta o naipamahagi. Ang karapatangkopya(copyright) ng Mein Kampf sa Europa ay inaangkin ng Malayang Estado ng Bavaria at magwawakas sa Disyembre 31, 2015. Sa Alemanya ang mga labis na komentadong edisyon ng Mein Kampf ang tanging makukuha at ito ay para lamang sa mga pag-aaral akademiko.