Ang pasismo (Ingles: fascism; Italyano at Kastila: fascismo) ay isang malayong-kanang awtoritaryong lakdawpagkamakabansang pampolitikang palakuruan na dinadakila ang bansa at lahi kaysa sa indibidwal. Nailalarawan ito bilang isang diktadurang kapangyarihan, sapilitang pagsugpo ng pagtutol, at malakas na pagbuo ng rehimyento sa agimat at lipunan. Ang pasismo ay laban sa anarkismo, demokrasya, liberalismo, at Marxismo.

Larawan ng fasces, ang pinagmulan ng salitang "pasismo".

Iniuri ang pasismo sa pamamagitan ng mga pagsubok ng estado na ipataw ang pagpipigil sa lahat ng aspeto ng buhay. Maraming iskolar na binibilang ang pasismo na bahagi ng, o kasama sa koalisyon, sukdulang makakanan na politika. Ngunit di matapos ang debate at argumento ng mga nasa akademya sa kahulugan ng pasismo. Malinaw na may elemento ng parehong kaliwa at kanang ideolohiya ang pagsulong na Pasismo.

Pinahaba ang kahulugan ng makabagong kolokyal na gamit ng salita sa mga katagang pasismo at neopasismo na tumutukoy sa kahit anong totalitaryong pananaw sa kahit na anong uri ng ideolohiyang pampolitika, bagaman nalulungkot ang mga iskolar dito. Ginagamit minsan ang salitang "pasista" sa isang hiperbolikong dagnay na pampolitika.

Bilang sistemang pampolitika, tumuturing ito sa isang sistemang nagtatampok, pumupuri, dumarakila, nag-aangat ng antas o uri, o nagpapatingkad ng nasyon at lahi o lipi, na hindi nagpapahintulot ng pagkalaban o oposisyon, at nagpapanatili ng pagtaban o kontrol sa lahat ng mga aspeto ng mga buhay ng mga mamamayan ng bansang nasa ilalim ng ganitong sistema.[1]

Nagmula ang salitang "pasismo" sa salitang Italyo na fascio, na ibig sabihin ay "bigkis", na parang sa politika o militanteng grupo o sa isang bansa, ngunit nagmula din sa fasces (mga baras na binigkis sa palibot ng palakol), na naging simbolo ng lumang Roma sa awtoridad ng mga mahistrado. Nakilala ang Italyanong 'Fascisti' bilang Mga Itim na Baro para sa istilo ng uniporme na nilalagay sa itim na baro (Tingnan din: kulay pampolitika).

Kadalasang nasa kapital na "P" ang Pasismong Italyano, dahil ito ang magulang ng pangkalahatang pasismo (maliit na "p"). Tinuturing na modelo ng ibang anyo ng pasismo ang Italyanong Pasismo, sa kabila noon mayroon pa ring di pagsangayon sa kung anong aspeto ng kayarian, taktika, kultura at ideolohiya ang kinakatawan ng "pinakamababang pasista".

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Fascism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 56.