Ang Populismo, kilala rin bilang Kilusang Populista o Partido ng mga Tao, ay isang ideolohiya,[1][2][3][4] pilosopiyang pampolitika,[5][6][7] o uri ng diskurso.[3][6] Sa pangkalahatan, ang isang pangkaraniwang tema ay naghahambing ng "mga tao" laban sa "ang mga napili" (elite), at naghihikayat ng mga pagbabago sa sistemang pampolitika at panlipunan. Maaari rin itong bigyang kahulugan bilang isang estilong retorikal na ginagamit ng mga kasapi ng samu't saring mga kilusang pampolitika at panlipunan (isang anyo ng mobilisasyon na sa katunayan ay walang teoriya).[8] Binigyang kahulugan ito ng diksiyunaryo ng Cambridge bilang "mga ideya at mga gawaing pampolitika na inilaan upang katawanin ang ordinaryong mga pangangailangan at mga nais ng mga tao".[9] Maaari itong unawain bilang isang diskursong pampolitika na nakahihimok ng masang pangkalahatan ng populasyon, sa mga "tao" bilang ganyan, kahit na ano pa ang pagkakaiba sa antas na panlipunan at kinakampihang partido sa politika: "isang payak at hindi mapagkunwaring paghimok sa 'karaniwang tao' o ilang diumanong pangkalahatang kagustuhan."[10] Ito ay kabaligtaran ng estadismo o estatismo, na pinanghahawakan na ang isang maliit na pangkat ng prupesyunal na mga politiko ang mas nakakaalam kaysa sa mga tao ng isang estado at dapat na gumawa ng mga pagpapasya sa kabila ng mga taong ito. Gayun pa man, ang diskursong pampolitika ay kadalasang (madalas, subalit hindi palagi, sa kaso ng Latino Amerika) nagpapatibay ito ng prosesong awtoritaryano mula itaas paibaba ng pagpapagalaw na pampolitika kung saan ang pinuno ay humaharap sa masa na walang medyasyon o pamamagitan ng kahit na anong mga partido o mga institusyon.[11]

Sa retorika nito ng "ang 99%" (ang mga tao) laban sa "1%" (ang piling tao), ang kilusang internasyonal na Occupy ay isang halimbawa ng isang kilusang sosyalista.
Tulad ng tinukoy ng Nolan Chart, ang populasyon (at totalitarianism) ay matatagpuan sa ibabang kaliwa.
Isang cartoon mula 1896 kung saan si William Jennings Bryan, isang matatag na tagasuporta ng populasyon, ay nilamon ang simbolo ng Demokratikong Partido ng Amerika.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Religious Rhetoric in American Populism: Civil Religion as Movement Ideology, Rhys H. Williams at Susan M. Alexander,1994, Society for the Scientific Study of Religion
  2. Anthropology and development: understanding contemporary social change, Jean-Pierre Olivier de Sardan
  3. 3.0 3.1 CONTEMPORARY POLITICAL IDEOLOGIES, Andras Bozoki, Terms: Winter and Spring 1995, Department of Political Science, Budapest, CENTRAL EUROPEAN UNIVERSITY
  4. The Reinvention of Populism: Islamist Responses to Capitalist Development in the Contemporary Maghreb, Alejandro Colás, 2001
  5. Merriam-Webster's collegiate encyclopedia, Merriam-Webster, Inc
  6. 6.0 6.1 Reasons for popularity of populist parties – Comparison of Poland and Estonia, Monika Kaliciak Naka-arkibo 2020-04-25 sa Wayback Machine., p. 3
  7. American Heritage Dictionary, entry "Populism"
  8. Populist Mobilization: A New Theoretical Approach to Populism, Robert S. Jansen, Sociological Theory, Bolyum 29, Isyu 2, pahina 75–96 Hunyo 2011
  9. "populism – Cambridge Dictionary Oline: Free English Dictionary". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-02-18. Nakuha noong 2011-12-03. {{cite web}}: no-break space character in |title= at position 9 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Daniel A. Smith, Tax crusaders and the politics of direct democracy. New York: Routledge, 1998, pahina 41.
  11. Karen Kampwirth, ed., Gender and Populism in Latin America. Pennsylvania State University Press, 2010, pahina 2.